Chapter 20

75.9K 964 88
                                        

CHAPTER TWENTY

STAIN

★HOPE RYKER LEE★

NAPAKISLOT ako sa kama at inabot ang side ni Elisse. Kumunot ang noo ko, at kahit gusto ko pang manatiling nakapikit, napilitang bumukas ang mga mata ko. Doon ko lalong nakumpirma na wala na siya sa tabi ko.

Where is she?

Slowly, I sat up, my body aching from last night. But that didn't matter right now. I glanced around the room para hanapin siya. Wala. Ang bakas lang na naiwan niya ay 'yong wedding gown niya, veil, and her heels.

Inalis ko ang pagkakatakip ng duvet sa katawan ko at bumaba sa kama para tunguhin ang banyo. Pagbukas ko sa pinto, bakante rin.

Saan ba siya nagpunta?

Muli akong humakbang papunta sa kama para lumapit sa nightstand dahil doon ko natanaw ang cell phone ko. I was reaching for my phone, but before I could even grab it, something in the middle of the bed made my heart drop. Blood. A small stain against the white sheets, but it felt like the whole world had stopped spinning.

Para 'kong nabuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko habang pinagmamasdan ang marka ng dugo sa bedsheet.

Elisse.

Her face flashed in my mind, the way she teared up last night. I thought it was just the intensity, the rush of the moment. But now it made sense, painfully clear. Was that why she cried when I didn't stop? When I pushed too far, too fast?

F*ck.

Hindi ko naiwasang mapamura nang mahina sa isip ko, sunud-sunod. My body tensing as my hand shot to my hair, fingers digging into my scalp. Sinabunutan ko ang sarili ko, trying to shake off the guilt that was swallowing me whole.

She was a virgin... and I didn't even realize it.

Hindi naman kasi 'yon ang nakatatak sa isip ko. Given 'yong situation na nahuli ko sila noon ng ex-boyfriend niya sa M-Power Hotel na pasakay sa elevator at inamin niya mismong may gagawin sila—doon pa lang ay inisip ko nang hindi na siya birhen. Kaya hindi na ako nakapagpigil pa kagabi. Dala ng inis ko sa pagkakahuli ko sa kaniya na kausap ang ex niya, idagdag pa ang kakaibang init ng katawan na nararamdaman ko dahil sa pinainom sa 'kin ng dalawang kakambal ko, hindi na ako nakapag-isip nang maayos. I let the lust, the heat, control me. Now, all I could see was the blood on the sheets, and all I could feel was shame.

P*tangina talaga. Tapos ngayon magtataka ako kung bakit wala na siya rito sa kuwarto? Ang tanga-tanga ko. Bakit ba kasi inidolo ko pa si Tito Betlog?

⫘⫘⫘

Pauwi ako ngayon sa bahay. Hindi ko alam kung nasaan si Elisse. Sinubukan kong tawagan kanina ang cell phone niya bago ako umalis sa hotel, pero hindi 'yon nag-r-ring. Then I remembered na tinapon ko nga pala 'yon sa pool kahapon. Another stupid mistake.

I ran a hand through my hair, cursing under my breath. What the hell was I thinking? I should've been more careful, should've made sure she was okay. But instead, I let my emotions get the best of me, and now I was left with nothing but a sinking feeling in my gut.

Pagdating ko sa bahay at nang maiparada ko na ang sasakyan ko sa garahe, inilabas ko naman ang suitcase ko sa trunk at saka na ako humakbang papasok sa loob. When my mom spotted me walking through the main door, her eyes widened in surprise, a mix of confusion and concern etched across her face.

"Hope?" she asked, her voice laced with uncertainty. I could see the questions swirling in her mind. Hindi niya kasi ine-expect na uuwi ako ngayon dito dahil ang alam nila ay ngayon din ang alis namin ni Elisse for honeymoon. Pero paano nga akong aalis kung hindi ko naman alam kung nasaan siya?

THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon