CHAPTER TWENTY-THREE
COFFEE
❥ ELISSE GARCIA ❥
"Pansamantala, Elisse, habang inaayos pa ang merger ay dito ka muna sa Lee Entertainment," pahayag ni Mrs. Vivar noong pasakay na kami sa elevator, paakyat. Hope was with us, silently standing beside me.
Ngayon pa lamang kami babalik sa trabaho matapos ang dalawang linggong lumipas simula nang lumipat kami ni Hope sa bahay namin. Ang tagal din kasi ng ginawa naming pag-aayos, idagdag pa ang paghahakot namin ng mga gamit. Sinamahan niya pa ako sa bahay para tulungang mag-empake at magkahon ng lahat ng mga gamit ko.
Yes. Kinuha ko na lahat ng mga gamit ko sa bahay namin. Ayon kasi kay Mrs. Vivar ay pag-aari ko na rin ang bahay namin ni Hope dahil parehong nasa dokumento ang mga pangalan namin. Oo, ayokong makasama si Hope sa iisang bubong, pero kung papipiliin ako ay mas gusto ko na siyang pagtiyagaan kaysa bumalik sa amin. Dahil matapos ang ginawa sa 'kin ni Daddy, pinangako ko sa sarili kong never na akong uuwi roon. Dalaw p'wede pa, pero kung usapang pag-stay roon, no way in hell.
Pero sa loob ng dalawang linggo naming pagsasama ni Hope sa iisang bubong ay nagmistula kaming aso't pusa. Like last week, nagtataka ako kung bakit ang bilis maubos ng fresh milk ko kahit na tuwing umaga lang naman ako umiinom at kaunti sa gabi. Tapos nahuli ko siya na imbes na 'yong sa kaniya ang inumin ay 'yong sa 'kin ang tinitira. If it wasn't a fight about something trivial like food or the organization of the house, it was about personal space or who had the right to make decisions on certain matters.
Nang bumukas ang elevator ay nauna kaming lumabas si Mrs. Vivar, huli si Hope. But his footsteps quickened, and in a few long strides, he moved ahead, guiding us down the familiar corridor. My pulse quickened as I recognized where we were headed—Hope's office. Minsan na akong nakapunta rito, during a tour he gave me, but I hadn't expected to be walking through these doors today.
Before I could ask, Mrs. Vivar spoke up, her voice cheerful and matter-of-fact. "This will be your temporary office for now, Elisse," she said, smiling warmly. "We've arranged for an extra desk so you can work here while the merger is still being sorted out."
Binuksan ni Hope ang pinto sabay baling sa 'kin. "Dragon's first," pigil tawa niyang sabi sabay senyas para papasukin kami ng Mommyla niya. Kung hindi lang sana namin kasama si Mrs. Vivar ay siguradong makakatikim ito sa 'kin.
Pasimple ko siyang inirapan before I stepped inside, my eyes scanning the room, and I noticed something different—a second desk. It was set up neatly across from his kaya naman matatanaw namin ang isa't-isa kung sakaling parehong nakaangat ang mga mukha namin. Damn.
Tila nanakit ang batok ko habang ini-imagine na bukod sa bahay ay makakasama ko rin siya sa trabaho. Two weeks of living together had already made us feel like we were trapped in some absurd game of tug-of-war, neither of us willing to yield. Paano pa kaya rito sa opisina?
"Bakit, iha? Ayaw mo ba rito?" may pag-aalalang tanong ni Mrs. Vivar noong napabuntonghininga ako.
Of course, ayoko. Pero dahil ayoko nang pahabain pa ang diskusyon, pinilit ko na lang ngumiti at bahagyang umiling. "It's fine, Mrs. Vivar. I like it here," pagkukunwari ko.
I had hoped for a more private space, somewhere I could think without constantly being reminded of Hope's presence. Yet here I was, thrown into this arrangement, as if our every move was being choreographed by someone else.
⫘⫘⫘
"Saan ka pupunta?" tanong sa 'kin ni Hope nang tumayo ako sa working chair ko. Isang oras na lang ay patapos na ang oras ng trabaho namin, pero mula kaninang iwanan kami rito ng Mommyla niya ay pansin kong sulyap siya nang sulyap sa 'kin, na naging dahilan kaya hindi ako makapag-focus. It was distracting, and I was desperately trying to concentrate on my assignments.
BINABASA MO ANG
THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)
Romance•COMPLETED• 🔞NOT FOR MINORS🔞 •READ AT YOUR OWN RISK!• Hope Ryker Lee, the ultimate prankster, is set to marry Elisse Garcia, an heiress with a temper hotter than the sun and social skills colder than Antarctica. Hope wanted a partner as fun and li...
