Chapter 17

64.6K 972 35
                                        

CHAPTER SEVENTEEN 

WINE

★HOPE RYKER LEE★

IMBES na umusog sa gilid tulad ng inutos ni Elisse, nagdesisyon akong bumangon sa kama. Dinampot ko ang isang unan at naramdaman ko ang pagsunod ng mga mata niya sa 'kin habang papunta ako sa mahabang couch sa sulok.

"D'yan ka na sa kama. Dito na lang ako," sabi ko, sabay nilapag ko ang unan sa couch at nahiga. I turned my head to see her watching me, a mixture of confusion and relief crossing her features. Pero halatang pabor na pabor sa kaniya ang ginawa kong paglipat. But I could tell she didn't understand why I chose this. I didn't want to make things harder for either of us.

"Kapag d'yan ako natulog sa tabi mo, ako lang din ang mahihirapan. To-torture-in mo lang ako." I smirked a little, hoping to lighten the mood, even if just a bit. Kailangan kong dumistansya muna sa kaniya dahil gusto kong igalang ang usapan naming hindi ko siya hahawakan hangga't hindi kami kasal. The last thing I wanted was to be tempted by her presence so close to me.

As I settled onto the couch, I couldn't shake the inner conflict brewing in my mind. 'Gusto mo palang dumistansya, bakit mo sinundan kanina?' I scolded myself. The truth was, it felt impossible to ignore the magnetic pull I felt toward her.

Hindi ko alam kung ano'ng mayroon dito kay Elisse. Noong una, medyo naiinis pa ako sa pagiging mataray niya. Pero habang lumilipas ang mga araw, lalo na kapag hindi ko siya kasama—bigla kong namimiss ang malamig niyang presensya. Every glance we exchanged seemed to ignite something in me—kahit na gaano pa kasama ang tingin at pagsulyap niyang 'yon sa 'kin.

"Gusto mo ng wine?" tanong ko noong nakahiga na siya sa kama. Nakabalot sa katawan niya 'yong makapal na duvet, na para bang 'yon ang poprotekta sa kaniya mula sa 'kin.

She glanced at me through lowered lashes. "Hindi mo man lang ba tatanungin kung bakit dito ako sa hotel nag-stay ngayong gabi imbes na umuwi sa bahay?"

"No. Hindi naman ako tsismoso," I replied, teasing myself not to dive deeper into her words. Pero sa totoo lang, na-c-curious ako. Mukha kasing hindi 'yong ex-boyfriend niya ang dahilan kaya siya nag-check in dito sa hotel. Dahil kung balak niyang makipagkita rito sa ex niya, dapat ay kanina pa narito ang unggoy na 'yon.

Bumangon ako sa couch para lapitan ang telepono. Tumawag ako sa room service para umorder ng wine. Ilang sandali pa ay may kumatok na sa pintuan at ako ang tumungo roon. Nabungaran ko ang isang hotel staff na dala ang inorder kong wine.

Pagbalik ko sa couch, bitbit ko na ang wine na nasa ice bucket at ang dalawang wine glass. "Here we go." Inilapag ko ang mga ito sa maliit na mesa sa harap ng couch. Kinuha ko ang bote ng wine at sinimulang magsalin sa dalawang glass. Para sa 'kin at kay Madam Fiancée

Pero dahil hindi siya bumabangon sa kama, napilitan pa akong tumayo at dalhin sa kaniya ang wine niya. Noong malapit na ako ay saka lang siya bumangon at sumandal sa headboard. Akmang iaabot ko na sa kaniya ang wine glass na may lamang wine nang biglang dumulas 'yon sa kamay ko, dahilan kaya tumapon sa bandang dibdib niya ang laman.

Without thinking, my right hand instinctively reached out to wipe away the wine that had splattered there. But I froze when I felt her palm suddenly press against my cheek.

"Bastos!" she exclaimed, and just like that, I realized she'd slapped me.

What the hell? I just wanted to clean up the mess!

Her arms were crossed tightly over her chest, glaring at me with a look that could pierce through steel. I stared back, my mind racing with a mix of shock and confusion. "Bakit mo 'ko sinampal?" I asked, irritation creeping into my voice.

"Hindi lang sampal ang aabutin mo kapag hinawakan mo ulit ako!" she shot back, her tone fierce. "Siguro palusot mo lang 'yang wine para maka-chansing sa 'kin, ano? Sinabi ko na sa 'yo na bawal mo 'kong hawakan hangga't hindi pa tayo kasal!"

Her words hit me like a punch to the gut. I knew the rules we had set, but the slap stung more than I expected. "Napaka-OA mo, Elisse. Gusto ko lang naman punasan 'yang wine na tumapon sa 'yo," ganti ko sa kaniya.

"Punasan?" She let out a bitter laugh, shaking her head in disbelief. "Walang matinong lalaki ang magpupunas sa wine na tumapon sa tapat mismo ng dede ng babae, Hope Ryker Lee! Ang sabihin mo, chansing ka! Manyak!" Matinding irap ang pinukol niya sa 'kin bago siya nagmadaling bumaba sa kama para tunguhin ang banyo.

I stood there, feeling like an idiot, replaying the moment over and over in my mind. Was I really that thoughtless? But I knew my intentions; I just wanted to help. Hindi naman 'yon chansing. OA lang siya masyado.

Nilingon ko ang pinto ng banyo nang marinig kong sumara 'yon nang malakas. Muntikan nang yumanig ang buong hotel sa lakas ng kalabog no'n. After a few moments that felt like an eternity, she emerged from the bathroom, no longer in her bathrobe. Instead, she was back in her cream-colored shirt and pencil skirt, looking effortlessly polished despite the earlier chaos. At heto na naman ang malakas na kabog ng dibdib ko. Hindi na naman mapigilan.

"Let's go," aniya matapos damputin ang cell phone niya at bag sa bandang gilid ng kama. Pero masama pa rin ang timpla ng mukha niya, halatang inis pa rin.

"Saan tayo pupunta?" taka kong tanong.

"Payag na 'kong umuwi sa inyo ngayong gabi. Basta sa guestroom mo ako patulugin. Mas makakampante akong mag-isa sa guestroom n'yo kaysa dito sa hotel na kasama ka. Wala akong tiwala sa 'yo."

Her words hit me hard, and I felt a knot tighten in my stomach. I understood her hesitation; I really did. But it stung to hear her say it so bluntly. "Elisse, I get that you're upset, but I promise, I wasn't trying to make you uncomfortable. I just—"

"Enough," she cut me off, her tone firm. "I don't want to talk about it anymore. Let's just go. Gusto ko nang magpahinga."

I watched as she headed toward the door, determination in her stride. Part of me wanted to argue, to convince her that I could be trusted. Pero sa kabilang banda, palihim na rin akong napangiti dahil mas okay sa 'kin na doon kami mag-stay ngayong gabi sa bahay. My mom had been nagging me for weeks to invite Elisse over, but every time I tried, lagi akong bigo.

"Okay," I said finally, trying to keep my voice steady. "If that's what you want, let's go." Agad ko siyang sinundan palabas sa kuwarto.

As we stepped out of the hotel, I took a moment to pay her bills at the front desk. It felt like the least I could do, given the mess I had created earlier.

Habang papunta kami sa parking, sinulyapan niya ako. "I'll take my car. Hindi ko p'wedeng iwanan ang sasakyan ko rito. Mauna kang mag-drive, susundan na lang kita." Kasing lamig pa rin ng yelo ang boses niya at salubong pa rin ang mga kilay.

Napabuntonghininga ako. "OA kang magalit. Kaunting hawak lang, e. Kapag mag-asawa na tayo, hindi ko lang hahawakan 'yan. Lalamutakin ko pa, humanda ka. Uungol ka sa sarap ng paglamas ko," pabulong kong sabi. Syempre, sinadya kong hindi niya marinig.

"May sinasabi ka?" mataray niyang baling sa 'kin.

"Wala, my dear fiancée." Nginisihan ko siya. "Sabi ko, ang ganda-ganda mo kahit masungit ka."

To be continued...

Don't forget to vote po :)

THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon