Chapter 37

74.6K 924 43
                                        

CHAPTER THIRTY-SEVEN

AGAINST THE WALL

★HOPE RYKER LEE★

THREE months had passed since that unforgettable night with Elisse, but ever since then, it felt like she had put up walls again. She was back to her usual self—cold, distant, and hardly engaging in conversations with me. It was as if the intimacy we had shared had never happened. Kakausapin niya lang ako kapag tungkol sa trabaho, at kapag susubukan kong makipag-usap sa kaniya, sobrang tipid lang ng binibigay niya sa 'king sagot. It was frustrating, especially when I could still vividly recall the way she looked at me that night, the way she melted against me as we kissed. The way she moaned my name. Now, it was as if all of that had been erased from her memory.

Inasahan ko pa naman na matapos ang gabing 'yon ay baka unti-unti na siyang magbago at bumigay sa 'kin, pero mali ako. The past three months had devolved into a series of chaotic pranks and retaliations, with each of us trying to outdo the other.

Hindi ko makakalimutan 'yong mga kalokohang ginawa niya. Isang beses, naglagay siya ng pekeng ahas sa loob ng sapatos ko. Akala ko totoo, kaya muntik na akong himatayin sa gulat. Pucha, halos napatakbo ako palabas ng bahay. Sobra akong na-trigger noon, kasi sino ba namang matutuwa sa gano'n?

Tapos, 'yong isang prank na ginawa niya, nilagyan niya ng pekeng ipis ang kape ko. No'ng naubos ko na ang kape, 'tsaka ko pa lang nakita 'yong laruang ipis na talagang naging dahilan nang matindi kong pagsusuka dahil sa kilabot.

Binigyan niya rin ako ng coke na inalog niya muna nang husto kaya sumabog sa mukha ko nang buksan ko ang lata. Ang isa pa sa masaklap na ginawa niya, no'ng ako 'yong naka-schedule magluto at tiyempo pang dumalaw ang pamilya ko, kasama pa si Mommyla. Naghanda ako nang maayos, syempre, gusto ko namang ipakita na kaya kong magluto ng something decent para sa kanila. Pero si Elisse? Pinagpalit-palit niya 'yong mga label sa food containers sa kusina. Kaya ang nangyari, 'yong niluto ko, lasang winalanghiya! Napahiya ako sa pamilya ko, at ang ending, nag-order na lang kami at nagpa-deliver. Niloko pa nga ako ng mga kakambal ko na sobrang creative daw ng luto ko. 'Langya!

Teka, hindi pa doon natapos ang kalokohan ni Elisse. Tatlong beses na niyang sinira ang tulog ko—at lahat ng 'yon, intentional. Isang beses, nag-alarm ang phone ko na akala ko nga ay sa 'kin. Alas-nuebe ang alarm, and I shot out of bed in a panic, thinking I was super late for work. I rushed through everything—showered, dressed, all in record time. When I stepped outside, it was still kind of dark, but I was too frazzled to care. I checked my watch, and it still showed 9 a.m., so I kept pushing. But when I started the car, the dashboard flashed—2:00 a.m.!

Damn it. That's when I realized it wasn't my phone that had gone off—it was hers. Same lang kasi ang model ng phone namin kaya hindi ko alam na sa kaniya pala ang nag-alarm at sinadya niyang gawin 'yon para pagtripan ako at asarin.

Hindi siya sumusuko, halatang gusto niya akong punuin. Parang ginawa na niyang full time job ang pampububwisit sa 'kin, and it was clear to me that she was pushing my buttons for a reason. Every little prank, every jab she took, was a calculated move in her game. She was testing my patience, pushing me to my limits, and I didn't need to ask why. Deep down, I knew her strategy. She wanted me to crack, to get fed up enough to initiate the divorce.

Pero kung inaakala niyang bibigay ako, nagkakamali siya. Hope Ryker Lee Promax, 1 terabyte, fully paid 'to, 'no! Hinding-hindi niya ako mapapasuko!

Ngayon, oras na ulit ng pagganti ko sa kaniya. Nakapagpalipas na ako ng ilang araw na hindi gumanti sa mga ginawa niya sa 'kin dahil gusto kong isipin niyang nakalimot na ako sa mga kalokohan niya. Pero lintik lang ang walang ganti.

THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon