Chapter 41

62.9K 738 44
                                        

CHAPTER FORTY-ONE

LIPSTICK

❥ ELISSE GARCIA ❥

ISANG linggo na muli ang lumipas simula noong hindi umuwi si Hope sa bahay at si Ella ay nakitulog sa kaibigan niya. Nakapag-usap na kami ni Ella tungkol doon. Kinabukasan noong umuwi siya ay agad ko siyang kinompronta kung bakit kailangan niya pang makitulog sa ibang bahay at hindi man lang nagawang magpaalam sa 'kin.

Pinagalitan ko rin siya at ipinaalala sa kaniya na kahit ano o saan pa ang maging lakad niya ay kailangan niya akong sabihan dahil ako ang tumatayong guardian nila ni Edward ngayon, lalo na at simula nang tumira sila sa 'kin ay tila nawalan na ng pakialam sa amin si Dad. Hindi man lang kasi ito nagungumusta sa aming magkakapatid at ako na rin ang nagpapaaral sa dalawa.

At ang naging sagot sa 'kin ni Ella ay: "Ate Elisse, we were rushing our research project. Napagkasunduan namin ng mga groupmates ko na sa bahay ng leader namin kami matulog para mag-aral dahil nahihiya ako sa inyo ni Kuya Hope na dito sila imbitahin."

Dahil sa isinagot niyang 'yon, medyo nabawasan ang pag-o-overthink ko. Ganunpaman, hindi ako one hundred percent na naniniwala sa kaniya kahit pa kapatid ko siya. Because I don't trust people easily, not even the ones closest to me. Idagdag pa na hindi ko pa nakakausap si Hope. 

I haven't spoken to him since the night he didn't come home. Instead, I've been avoiding him. Every time I think about asking him kung saan siya nagpunta at natulog no'ng gabing 'yon, I stop myself. Because that's not who I'm supposed to be.

I'm Elisse. Ako 'yong walang pakialam kay Hope Ryker Lee kahit pa ano'ng gawin niya sa buhay niya. I'm not supposed to ask where he slept that night, or who he was with.

But the truth is, even though I tell myself that, I still want to know. I want to ask. I want answers.

Yet the idea of confronting him makes me feel vulnerable, like I'm breaking some unspoken rule I set for myself. Elisse doesn't care. That's what I keep telling myself.

"Don't touch that." Suot ko ang apron nang agad akong lumapit kay Hope at inagaw sa kaniya ang jar ko ng creamer dahil nagtitimpla siya ng kape. Kagigising niya kasi. Pero nakapaghilamos na siya bago siya bumaba rito sa kusina.

"Bakit?" taka niyang tanong nang ibalik ko 'yon sa cabinet.

"Bumili ka ng sarili mong creamer." Inirapan ko siya at muling ibinalik ang atensyon ko sa nilulutong fried rice. "Ako ang nag-grocery no'ng isang araw. I paid for everything, I pushed the cart, and I carried all this stuff into the car. So, you have no right to use any of it," I added firmly.

"What the heck?" Napatitig siya sa 'kin. "Creamer lang ba naman ipagdadamot mo pa sa 'kin?" he complained. "Sinabihan naman kita no'ng isang araw na huwag muna tayong mag-grocery dahil busy pa. Sabi ko sa susunod na araw na lang. Ikaw itong nagpilit na mamili na, tinaon mo pa talagang nasa meeting ako. Tapos ngayon—"

"If I didn't shop that day, everyone in this house would've starved," I countered, my tone sharp. "Alam mo namang pumapasok sa school 'yong dalawa. Hindi puwedeng walang pagkain dito sa bahay!" I snapped back.

"So, sila puwedeng kumain ng kahit ano rito? Tapos akong asawa mo, hindi?"

"Oo," I replied with all the confidence I could muster.

He scoffed. "Kung 'yan ang setup na gusto mo, e 'di sige, magkani-kaniya na tayo!" galit niyang sabi sa 'kin at inirapan pa 'ko ng loko. Pero hindi ko na nagawang sumagot dahil tumunog ang phone niya. May tumawag.

"Oh, bungang-araw?" bungad niya nang sagutin 'yon at itutok sa tainga. Hindi ko na kailangan pang usisain kung sino 'yon dahil isa lang naman ang tinatawag niya sa gano'ng pangalan. "Ngayon na? Alright." Nang maibaba niya ang phone niya ay sinulyapan ako. "Papunta rito si Summer at Poppy. Papasyal. Ikondisyon mo 'yang dragon sa loob mo para hindi nakakahiya."

THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon