CHAPTER ELEVEN
SUNDO
❥ ELISSE GARCIA ❥
MAHIGPIT akong kumapit sa railings ng hagdan, nanginginig ang mga kamay ko habang pababa, at ramdam ko ang mabilis na paghinga ko dahil sa pagtakbo. Halfway down, I saw Edward waiting at the bottom, his face scrunched with confusion and concern. His eyes widened as he noticed the panic in mine.
"Ate Elisse, what happened?" may pag-aalala niyang tanong, but I could barely hear him over the pounding of my heart. Parang ngayon ko lamang siya nakitang ganito, na may emosyon.
Maging ang mga maids namin na sina Agnes, Jelay at Moira ay naantala ang mga ginagawang paglilinis, and their expressions shifting from curiosity to alarm. Agnes was the first to rush toward me, her hands reaching out as if to steady me. "Ma'am Elisse, ayos lang po kayo?" Her voice was filled with urgency.
Ngunit sa halip na sagutin sila, lalo akong kinabahan nang marinig ko ang mga yabag ni Daddy na tila pababa na rin. Ramdam ko ang panlalamig ng buo kong katawan. Parang biglang humigpit ang dibdib ko, at hindi ko na nakayanan pa. Sa sobrang taranta ko ay wala sa sarili akong tumakbo palabas sa bahay sa kagustuhang maiwasan at matakasan siya. Good thing na nahigit ko ang handbag ko kanina bago ako lumabas sa opisina niya kaya dali-dali kong kinalkal ang loob no'n para hapin ang susi ng sasakyan ko.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa sasakyan, agad kong isinaksak ang susi sa ignition at pinaandar ang makina. Halos hindi ko na maisuot ng maayos ang seatbelt sa sobrang panginginig ng mga kamay ko. All I could think about was getting away. I hit the gas, accelerating out of the driveway with no regard for anything or anyone I might encounter on the road.
While driving, I could feel my heart pounding violently in my chest, each beat feeling like a hammer striking against my ribs. Tears began to stream down my face, no matter how hard I tried to hold them back. A trembling breath escaped my lips, and I wanted to scream, to cry out, but no words came. I didn't care where I was going—what mattered was putting as much distance as possible between me and that house. Dahil matapos ang nangyari ngayon, hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang umuwi roon o manatiling kasama sa isang bubong ang sarili kong ama.
Hindi ko namalayan na sa pagmamaneho ko, dire-deretso lang ako, wala sa direksyon. Hindi ko alam kung ilang liko ang ginawa ko, kung ilang stoplight ang hindi ko napansin. Then, I suddenly recognized the familiar streets and the building in front of me. I realized I had driven to Miles' condo—my ex-boyfriend's place. I hadn't meant to come here, but somehow, this was where I ended up.
Ako 'yong tao na hindi palahingi ng tulong at ayaw na ayaw kong nang-aabala ng ibang tao. Hangga't kaya kong gawan ng paraan ang isang bagay sa abot ng makakaya ko ay hindi ako hihingi ng saklolo. Pero sa mga ganitong pagkakataon, na sa tingin ko ay hindi ko kayang solusyunan ang isang bagay, nakasanayan kong si Miles ang takbuhan ko kaya siguro ako narito ngayon.
I pulled over to the side of the road, my legs feeling too weak to stop trembling. I gripped the steering wheel tightly, tears still flowing down my face. I didn't know if I should go to him, if I should knock on his door. All I knew was that I needed some form of comfort, some kind of familiar feeling to wash away the fear that gripped me so tightly.
Dinukot ko ang cell phone ko sa loob ng handbag at hinanap ang contact ni Miles. Walang alinlangan ko siyang tinawagan, at sa ikalawang ring pa lamang ay agad na niya 'yon sinagot.
"Elisse?" tawag niya sa 'kin. Kahit hindi ko siya nakikita ay nai-imagine kong nakakunot ang kaniyang noo. Hindi ako sumagot. Ngunit nang napahikbi ako, nabakas ko ang pagkataranta sa boses niya. "Love? What's wrong? Why are you crying? Where are you?" sunud-sunod niyang tanong, kasunod ang tunog ng pagbukas at pagsara ng pinto sa linya niya. "Pupuntahan kita. Nasa inyo ka ba?"
"N-No. Narito ako sa... sa harap ng condo mo."
"Alright. Wait a minute. I'll come get you."
Ilang sandali matapos naputol ang linya ay natanaw ko na siyang lumabas sa malaking building. Iginala niya ang tingin hanggang sa natanaw niya ang sasakyan ko sa tapat. Agad siyang lumapit at kumatok sa bintana, sa tapat ko mismo.
Hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad nang binuksan ang pinto. Inalalayan niya pa akong makababa, pero pinanatili kong nakayuko ang ulo ko. Noong magkaharap na ang mga katawan namin, hinawakan niya ang magkabila kong pisngi para itingala ang mukha ko sa kaniya. Ang init ng palad niya ay tila naghatid sa 'kin kahit papaano ng kapanatagan.
"Love..." Pinagmasdan niya ang mukha ko na tila inaaral ang bawat anggulo. 'Tsaka napako ang tingin niya sa gilid ng noo ko na alam kong may sugat dahil 'yon ang tumama sa matigas na mesa nang isubsob ako ro'n ni Dad. "Ano'ng nangyari dito?" he asked, pained.
Imbes na sagutin ang tanong niya. Naiyak na lamang ako at napayakap sa kaniya nang mahigpit. Ito 'yong ayoko sa lahat—ang umiiyak. Hindi ako sanay na nakikita ng mga tao ang kahinaan ko. Pero sa ganitong pagkakataon, hindi ko mapigilan.
"Ssssh. I've got you," he murmured softly, his hand moving in slow circles on my back, trying to calm me down. "Come on, let's get inside. Para makapag-usap tayo." He gently pulled me back just enough to wipe the tears from my cheeks with his thumbs, his touch light and careful. Then, with a reassuring grip, he guided me toward the entrance of the building, his arm wrapped securely around my shoulders.
⫘⫘⫘
Magkaharap kami ni Miles sa couch niya, and after I finished telling him what had happened, I watched as his hands clenched into tight fists. His jaw tightened, and a flush of anger spread across his face. His eyes darkened, and for a moment, he looked like he was fighting back the urge to explode.
Isang malamim na buntonghininga ang pinawalan niya bago niya ako tingnan sa mga mata. "You should tell the police, Elisse," seryoso niyang sabi, pero agad din akong napailing.
"Hindi p'wede. Kapag ginawa ko 'yon, magiging katapusan na talaga ng Garcinema. Alam mo naman ang sitwasyon ng company—kaunting-kaunti na lang at pabagsak na. Isang maling pagkakamali ang mabalita ulit na sangkot ang pangalan ni Dad..." napailing ako na may halong lungkot, "...wala na."
"Kapag hindi siya nasampolan, baka ulitin niya pa 'yon." I could feel the tension radiating from him, his body almost vibrating with rage. He stayed quiet, but I could see the muscles in his neck straining, his breathing growing heavier with each second. I had never seen him like this — so visibly furious, so close to the edge. It was as if my words had ignited something deep inside him, something raw and uncontrollable.
"Miles..." Umiling ako nang bahagya. "Hindi ko alam kung kaya ko pang umuwi ro'n. H-Hindi muna siguro sa ngayon."
"Kahit gustuhin mo naman, hindi rin kita papayagan. Pagkatapos ng nangyari?" He shook his head. "No. Dito ka na muna sa 'kin—"
Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin nang biglang may kumatok sa pintuan. Pareho kaming napaderetso sa aming pagkakaupo, ngunit siya lamang ang tumayo para tumungo roon at tingnan ang bisitang dumating.
I felt a wave of anxiety surge through my chest. The last person I wanted to see right now was my father.
"You again? Ano'ng kailangan mo?" tanong ni Miles matapos niyang buksan ang pinto. Hindi ko alam kung sino ang naroon dahil nakatalikod ako sa direksyon nila. But then, to my surprise, a familiar voice cut through the air — firm, confident, and unmistakable.
"I'm here to pick up my fiancée."
My heart thudded loudly in my chest. I froze, my hands clenching the fabric of my skirt as panic crept in. Paano niya nalaman na narito ako?
BINABASA MO ANG
THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)
Romantik•COMPLETED• 🔞NOT FOR MINORS🔞 •READ AT YOUR OWN RISK!• Hope Ryker Lee, the ultimate prankster, is set to marry Elisse Garcia, an heiress with a temper hotter than the sun and social skills colder than Antarctica. Hope wanted a partner as fun and li...
