Chapter 8

5K 115 19
                                    

CHAPTER EIGHT

DINNER

❥ ELISSE GARCIA ❥

PAGDATING ko sa bahay, sinalubong ako ng isa sa maid namin, si Agnes. Tinanong niya agad ako kung gusto ko ng kape dahil nakasanayan ko nang nagpapatimpla kapag umuuwi.

"Black coffee. No sugar," sabi ko rito habang nakasunod pa rin sa 'kin. "Wala pa ba sila?" Sila, ibig kong sabihin ay 'yong mga kapatid ko pati na rin si Daddy at ang madrasta ko.

"Wala pa po. Ikaw pa lang ang dumating."

Umiba agad ako ng direksyon. Imbes na paakyat sana sa hagdan para tunguhin ang kuwarto ko ay lumiko ako papunta sa kusina. "Kung wala pa sila, ipaghanda mo na 'ko ng hapunan. Mauuna na 'kong kumain para maagang makapagpahinga. Masakit ulo ko."

"Sige po, ma'am." Agad siyang sumunod sa 'kin. Ang totoo, ayoko lang talagang sumabay sa kanilang kumain. I preferred eating alone. Whenever we were at the dining table together, there was always some argument, especially once my stepmother started nagging, and my father would join in. Naririndi ako sa gano'n kaya mas prefer kong kumain mag-isa.

As I stepped into the kitchen, I felt the coolness of the tiles beneath my shoes. I set my bag down on a chair by the table and took a deep breath. The day had felt like I'd been holding my breath the entire time.

Pag-upo ko, agad kong tsinek ang cell phone ko. Ang dami kong missed calls mula kay Miles at may reply rin siya sa 'kin mula sa text ko sa kaniya kanina no'ng nakipag-break ako.

FROM: MILES

"Love, what's happening? Anong engaged? Kanino ka engaged? Naguguluhan ako sa 'yo. Mag-usap tayo, please? Sagutin mo tawag ko."

Bumuntonghininga ako. I was about to reply to him nang tumunog ang doorbell. Sakto rin na lumapit na sa 'kin si Agnes para ihain sa 'kin ang pagkain at kape ko kaya ibinaba ko muna ang cell phone ko sa gilid ng mesa. 'Tsaka siya humakbang palayo para i-check kung sino ang dumating.

Makalipas ang ilang sandali, narinig ko na ang yabag ni Agnes pabalik. Pero this time ay halatang may kasama na siya dahil dinig ko rin ang footsteps na tila mabibigat, halatang yabag ng lalaki. Nang malapit na sila, agad akong lumingon sa direksyon nila, at laking gulat ko dahil kasama ni Agnes ang "unggoy"—si Hope Ryker Lee—na nakangisi habang may hawak na bouquet ng bulaklak. Para akong natauhan bigla; halos mabilaukan ako sa kinakain ko.

"What... are you doing here?" mabilis na lumabas sa bibig ko kasabay ng pagtayo ko sa upuan. Ang ngiti niya ay may halong kalokohan, at parang masayang-masaya siya na naabutan ako nang hindi handa sa pagsulpot niya.

"Good evening," bati niya, parang wala lang, nakangiti pa rin habang iniaabot ang mga bulaklak. "I thought I'd drop by and say hi."

Napakunot ang noo ko, pilit kinakalma ang sarili. "How did you get in?" I asked, my voice sharper than I intended. I turned to Agnes, "Why did you let him in?"

Bahagyang nataranta si Agnes dahil kabisado niya akong magalit, "Ma'am, k-kasi... sabi niya, fiancé mo siya."

"Agnes was just being polite. Besides, I didn't come all this way just to be left standing outside." He laughed a little, seemingly enjoying himself.

Hindi ko alam kung matatawa o maiinis sa itsura niya. Hindi ko rin alam kung paano magre-react. Tumitig ako kay Hope, hindi sigurado kung ano ang sunod kong gagawin. He's so confident, so certain of himself, and right now, it annoyed me more than ever. I tried to compose myself, straightening up and crossing my arms over my chest.

"You should leave," I finally managed to say, keeping my tone as firm as I could. "Salamat sa bulaklak, but I'm not in the mood for visitors." Sabay balik sa pagkakaupo at muling hinarap ang pagkain ko.

THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)Where stories live. Discover now