CHAPTER TEN
UNFORGIVABLE
❥ ELISSE GARCIA ❥
Isang buwan na ang nakalipas, and in just two weeks, Hope and I are supposed to get married. The closer the date gets, the more stressed I feel. No matter how appealing the benefits of marrying into the Lee family are, my own happiness means far more to me. I can't ignore the mounting pressure and my own growing resentment toward this marriage. Kaya naman ngayon ay desidido akong kausapin muli si Daddy para umatras sa arranged marriage habang hindi pa huli ang lahat.
"Si Daddy?" tanong ko sa bunso naming si Edward—sixteen years old—nang masalubong ko ito sa hallway. Nakasuot pa siya ng school uniform, hawak ang paborito niyang Star Wars mug, nagkakape. Halatang kauuwi niya galing sa school.
"Office n'ya," tipid niyang sagot bago ako lagpasan. Tinungo niya ang living room at binuksan ang TV, habang nakaangat pa ang mga binti sa coffee table.
Siya ang bunso sa aming magkakapatid. Siya rin ang kaisa-isa na buhay pa ang Mommy, iyon nga lang ay hindi niya kasama dahil nagkaroon na rin ito ng sariling pamilya matapos nilang maghiwalay ni Dad. Gusto sana siyang kuhanin ng Mommy niya noon—si Sandra—pero hindi pumayag si Daddy. Sukdulang iniakyat pa niya sa korte ang case para lang alisan ito ng karapatan kay Edward. Dahil mapera noon si Dad, madali niyang naipanalo ang kaso at nakuha ang full custody kay Edward.
And I believe this was a major factor in why Edward became distant and cold towards Dad as he grew older. He started to rebel, making Dad's life increasingly difficult. His behavior became a constant source of trouble—so much so that he was frequently expelled from school due to his antics. Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit hindi siya makatapos—dahil palipat-lipat siya ng school.
Ang sumunod naman kay Edward ay si Ella, twenty-one years old. She's currently in college studying business. Unfortunately, her mother, Nina, passed away from leukemia. Ella is the complete opposite of Edward. She's hardworking and dedicated to her studies, much like I was when I was her age. Pero aminado akong mas matalas ang isip ko kaysa sa kaniya.
Ako noon, nakakapasa ako sa exams kahit kaunting basa-basa lang. Siya, para makapasa sa exam ay magdamag siyang subsob sa pag-aaral. Pero 'yon ang isang bagay na hinahangaan ko sa kaniya—masipag siyang mag-aral at masikap din. 'Yon nga lang ay hindi kami magkasundo dahil parang takot siya sa 'kin. Ramdam ko 'yon dahil ilag siya sa 'kin noon pa man. Ganunpaman ay mabait siya. Siya ang pinaka-sweet sa aming lahat at pinakamasunurin.
Si Kuya Ezekiel naman ay panganay namin, twenty-eight years old na. Matalino rin siya and I'm proud to say na hindi siya nagmana kay daddy. I mean, hindi niya namana ang pagiging babaero nito—thank f*ck. Hanggang ngayon kasi ay wala pa itong nobya at mas focus sa company naming pabagsak na. Between us, Dad places more trust in Kuya Ezekiel, which is why he holds a higher position at Garcinema compared to me. He's Dad's right-hand man.
Ang mommy naman ni Kuya Ezekiel na si Valentina ay hiniwalayan si Daddy noon dahil sa pagiging babaero nito. At dahil hindi naman mula sa mayamang pamilya si Valentina ay mas pinili niyang iwan si Kuya Ezekiel sa poder ni Daddy para maging maganda ang kinabukasan niya. Then, ang sunod na nauto ni Daddy ay ang mommy ko at ako ang naging bunga. Kaya hindi nagsisinungaling ang media noong nabalita na iba-iba kami ng ina dahil totoo naman.
Habang palapit ako sa home office ni daddy, ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko. My heart races as I approach the heavy oak door, and I knock lightly, trying to steady my nerves. Hindi ko alam kung saan hahantong ang usapan namin ngayon. Sasaktan niya ba ulit ako kapag muli kong ipinilit na gusto kong umatras sa kasal? O tuluyan na niya akong itatakwil?
BINABASA MO ANG
THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)
Romansa•COMPLETED• 🔞NOT FOR MINORS🔞 •READ AT YOUR OWN RISK!• Hope Ryker Lee, the ultimate prankster, is set to marry Elisse Garcia, an heiress with a temper hotter than the sun and social skills colder than Antarctica. Hope wanted a partner as fun and li...
