CHAPTER TWENTY-SEVEN
TESTING PATIENCE
❥ ELISSE GARCIA ❥
PAGDATING namin ni Ella sa bahay ay alam kong naroon na rin si Hope dahil nasa garahe na ang sasakyan niya.
"Ate Elisse, hindi ba magagalit ang asawa mo kung pati ako dito mag-stay sa inyo?" Ella asked hesitantly, her voice laced with worry as we walked along the pathway leading to the front door.
Kahit tuluy-tuloy ang paglalakad namin ay sinagot ko pa rin siya. "H'wag mo s'yang alalahanin. Magiging ayos lang din sa kan'ya na narito ka. Kay Edward nga wala s'yang naging problema," I said, trying to sound confident despite the storm brewing inside me. Dahil sa totoo lang, I wasn't entirely sure if Hope would be okay with this setup. Having one of my siblings living with us was one thing, but now two? That's why in the back of my mind, I was already preparing myself for whatever argument might come next. Baka this time ay magreklamo na siya. I don't know.
Pagdating namin sa loob ng bahay, bumungad sa amin ni Ella ang mga pulang likidong nagkalat sa puting marble na sahig. The stark contrast of the crimson streaks against the pristine surface made it look eerily like blood, pero hindi 'yon kasing tingkad ng kulay ng dugo. Isa pa, hindi 'yon mukhang dugo sa paraan ng pagkakakalat nito sa sahig. Para 'yon in-spray lang.
Ella tugged on my sleeve, her voice laced with concern. "Ate Elisse, ano 'yan? Is it... blood?"
I stared at the floor, trying to make sense of the mess. "I don't know," I muttered, just as puzzled. Susubukan ko sanang manghula kung ano 'yon, ngunit natigilan ako nang marinig ang pag-echo ng halakhak ni Hope mula sa kusina.
"Patay ka ngayon sa 'kin!"
Followed by Edward's playful shouts. "Stop! Wait, Kuya Hope! Mandurugas ka!"
Hindi na ako nakapag-isip pa at dali-daling tumakbo papunta sa kusina habang si Ella ay naiwan sa kinatatayuan niya. As I rounded the corner, I found them—Hope and Edward, like two oversized kids, armed with giant water guns.
Napaawang ang bibig ko habang pinagmamasdan ang itsura ng kusina naming malinis pa kanina nang iwan ko. Pero ngayon, it was like a war zone of red liquid. It wasn't just on the floor; it was all over the white cabinets, the countertop, and splattered across the spotless white walls. My mind went blank at the thought of how to even begin cleaning up this mess.
"Hopeeee! Edwaaaard!" Napasigaw na ako sa sobrang inis. Both of them froze mid-laughter, looking at me like they'd just been caught red-handed—which, in a way, they were.
Tiningnan ako ni Hope, may kaunting pagngisi pa sa mukha niya, habang si Edward naman ay pigil tawang ibinaba ang hawak niyang water gun. Tumutulo pa sa bibig ng laruan niya ang pulang likido at maging ang puti niyang t-shirt, maging ang kay Hope ay mayroon na ring pulang mantsa.
I narrowed my eyes at them, fuming. "Sino'ng nagsabi na maglaro kayo ng water gun dito sa loob?!" singhal ko sa kanila. Ramdam ko ang mapupula ng mukha sa pagkairita. Nang walang sumagot sa kanila ay muli akong sumigaw. "Sino'ng pasimuno?!"
In perfect sync, they pointed at each other, which only fueled my annoyance. "Si Edward," ani Hope habang nakaturo sa kapatid ko.
Edward shook his head, eyes wide, at nakaturo rin kay Hope. "No, Ate Elisse. Si Kuya Hope ang bumili ng water guns!"
"Pero ikaw ang nagyaya na maglaro, oy!"
"Yeah, and I said we should do it outside! You're the one who chased me inside—oh. Hi, Ate Ella." Kumaway si Edward sa bandang likuran ko kung saan ko naramdamang nakatayo si Ella.
BINABASA MO ANG
THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)
Romance•COMPLETED• 🔞NOT FOR MINORS🔞 •READ AT YOUR OWN RISK!• Hope Ryker Lee, the ultimate prankster, is set to marry Elisse Garcia, an heiress with a temper hotter than the sun and social skills colder than Antarctica. Hope wanted a partner as fun and li...
