Chapter 13

66.4K 991 26
                                        

CHAPTER THIRTEEN

TEASING ELISSE

★HOPE RYKER LEE★

I guided Elisse out of Miles' condo, my grip firm around her wrist as we made our way to my car. Pero 'yong mga hakbang niya, halatang pilit lang dahil nagpapatianod lang naman siya sa paghila ko sa kaniya.

Oras na marating na namin ang sasakyan ko, binitawan ko na ang kamay niya at hinarap siya. My brows furrowed, demanding answers without saying a word. She knew exactly what I was asking — what the hell was she doing there?

Pero sa halip na sagutin ang mapagtanong kong tingin, butonghininga lang ang ginanti niya sa 'kin. Her shoulders sagging slightly, avoiding my gaze. Then, as if on cue, she rolled her eyes at me, dismissing my silent interrogation like it was the last thing she cared about. It irritated me how she could remain so nonchalant, so defiant, even when caught red-handed.

"What did I tell you before if I ever found out you were meeting with your ex again?" I asked, my tone sharp, reminding her of my warning.

"Sinabi mong aatras ka sa kasal," walang alinlangan niyang sagot. Nilingon niya ulit ako. "But I don't care anymore, Hope. Pakasalan mo man ako o hindi, wala akong pakialam. Bumagsak man ang Garcinema, wala na rin akong pakialam."

Naalis ang pagkakakunot ng noo ko dahil seryoso siya sa sinabi niyang 'yon. "Kaya ka nagpunta rito sa ex mo?" I stared at her, feeling my teeth clench in frustration. The audacity of her, the way she stood there, calm and unbothered, like she had nothing left to lose.

"Pumunta 'ko rito dahil wala akong ibang malapitan!" inis niyang ganti sa 'kin.

"Anong wala? Ano ako?" I shot back, eyebrows drawing together as I took a step closer. "I'm your fiancé, damn it! And in two weeks, we're getting married!"

She rolled her eyes, clearly unimpressed. "Fiancé in name only, Hope. You think I can just run to you whenever I need someone?"

"Yes, exactly! You should!" Tumaas na rin ang boses ko sa inis. "Two weeks, Elisse. Two weeks, and we're supposed to be married. Kaya sanayin mo na 'yang sarili mo na maging malapit sa 'kin. Pa'no kapag kasal na tayo at nakatira na lang sa iisang bahay? Gan'yan pa rin ba magiging kilos mo? Ex mo pa rin ang tatakbuhan mo kapag—"

"What?" gulat niyang tanong. Her voice barely audible. Kunot din ang noo niya, confusion flashing in her eyes like she'd just heard something unexpected. "We're going to live in the same house? Where?" Her expression shifted into one of surprise, a mix of curiosity and intrigue.

I watched her reaction carefully, noting the slight crease on her forehead and the way her lips parted in bewilderment. Parang ang sarap halikan ng labi niya. F*ck. She seemed genuinely caught off guard, almost like she hadn't considered the reality of us living under the same roof.

Bumuntonghininga 'ko. "Sa Villasis Park sana, pero nagbago ang isip ko," I started, keeping my voice serious. "Mas gusto kong magpagawa ng bahay para ako ang masusunod sa gusto kong design. Hello Kitty," I added, my tone deadpan. Pero biro ko lang 'yon.

She rolled her eyes so hard I thought they might get stuck on the back of her head. I couldn't help the small grin tugging at my lips before I straightened up again para magpakaseryosong muli. "I'll have a three-story house built for you, complete with an elevator. Ano? Choosy ka pa? Mas gugustuhin mo pa rin ba rito sa condo ng ex mo?"

She blinked rapidly, as if trying to process my words. "Ibig sabihin... talagang magsasama tayo bilang mag-asawa? A-Akala ko ba arranged marriage lang? Wala namang nabanggit sa 'kin na magsasama tayo sa iisang bubong."

Tumango ako. "Paanong mababanggit sa 'yo? Eh, hindi ka naman nagpapakita sa 'min. Ang dalang mong sumulpot sa bahay. Kung hindi ka pa imbitahan, hindi ka pa namin makikita. Ako lang ang nakakausap ni Mommyla about sa magiging sitwasyon natin, na dapat sana tayong dalawa. At bakit ba nagtataka kang magsasama tayo sa iisang bubong? We're going to be husband and wife kaya natural lang 'yon."

She remained silent, still seeming a bit unsettled by the idea. "But... I never agreed to that," bulong niya, na parang sa sarili niya lang sinabi.

"Aba, mas hindi naman ako papayag na hindi tayo magsasama kapag kasal na tayo. Pa'no pangangailangan ko bilang lalaki na ikaw lang makakapag-fulfill?"

Agad namilog ang mga mata niya sa gulat kaya natampal ko agad ang bibig ko dahil hindi ko rin inaasahan na masasabi ko 'yon. Minsan kainis din 'yong pagiging walang preno ng bibig ko. I tried to cover it up with a cough, pretending like I didn't just blurt that out, but the damage was done. Namumula na ngayon ang mga pisngi niya, and I wasn't sure if it was from anger or embarrassment... or maybe a bit of both.

"Halika, sumama ka sa 'kin." Inabot ko ulit ang kamay niya para akayin siya sa kabilang side ng sasakyan ko, pero agad niyang binawi ang kamay niya.

"Saan mo 'ko dadalhin?" taas-kilay niyang tanong.

"Dumating na 'yong mga invitation sa kasal natin. Ayaw mo man lang bang tingnan? Pa'no kung naka-wacky ka pala sa picture? Pati wedding gown mo hindi mo pa naisusukat. Kapag hindi mo 'yon nai-fit at hindi kumasya sa 'yo sa araw ng kasal natin, magsuot ka na lang ng sako."

"Bakit ba kampanteng-kampante ka na papayag akong makasal sa 'yo?"

"Dahil guwapo ako at masarap," I replied with a smirk, flashing a grin. "Ang ganitong mukha sa 'kin ang hindi dapat tinatanggihan. I do dapat kaagad."

Matinding irap ang pinukol niya sa 'kin. "This is the first time I've met someone who's so unbelievably full of himself. Kakaiba ang yabang mo, Hope Ryker Lee."

I chuckled. "Get used to it, my dearest fiancée. Because you're in for a lifetime of this."

"Huwag ka munang umasa dahil p'wedeng-p'wede pang magbago ang isip ko anumang oras or sa mga susunod na araw. Tandaan mo, may dalawang linggo pang natitira."

Napangisi ako at pinamulsa ang mga kamay ko sa harapang bulsa ng pants ko. "Yes, Elisse, I'm aware it's still two weeks away. In case you didn't know, nag-c-count down ako. Exactly fifteen days, and after that, I can finally have you in my bed," I teased, enjoying the shift in her expression.

Namilog ang mga mata niya, halatang gulat sa sinabi ko, pero hindi pa 'ko tapos. I leaned in a little closer, lowering my voice just enough to make sure she could hear the playful challenge in it. "And soon enough," I added, kasunod ang pagbaba ng tingin ko sa mapupula niyang labi, "I'll get to taste those pretty and looking delicious lips of yours."

Namula ang magkabila niyang pisngi at bumakas doon ang pagkairita. She looked ready to snap back, pero biglang nag-beeped ang cell phone niya kaya 'yon ang agad niyang pinagtuunan ng atensyon.

Hindi ko alam kung sino ang nag-text sa kaniya, pero seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa screen. Then, may isa pa ulit message na pumasok dahil dinig ko 'yon. Makalipas ang ilang sandali, nagbago ang expression niya. Nabakas ko sa mukha niya ang determinasyon.

When she looked up at me, may pag-aalinlangan niya akong tinanong. "Gusto mo ba 'kong samahan muna sa bahay bago ako pumayag na magsukat ng wedding gown?"

Napangiti agad ako. "Sure, my dearest fiancée. Sino ba 'ko para tumanggi? Basta ikaw, nanginginig pa."

THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon