CHAPTER THIRTY
HOPE's REVENGE
★HOPE RYKER LEE★
Ilang araw na kaming pumapasok ni Elisse sa opisina nang hindi magkasabay. Paano nga ba kami magkasasabay kung lagi niya akong iniiwanan? Sinasadya niyang gumising nang mas maaga—tipong ang sarap pa ng tulog ko. Hindi ko nga man lang marinig ang ingay ng sapatos niya sa sahig dahil sa sobrang tahimik niyang kumilos. And by the time I even think about getting up, she's already out the door, driving off in her own car.
Breakfast? She doesn't even make that anymore. Kaya umaalis ako sa bahay nang hindi pa kumakain. Sa company na lang ako nag-aalmusal dahil gano'n din naman ang ginagawa niya. Sabagay, mula naman no'ng kinasal kami ay ilang beses niya lang akong ipinagluto kaya sanay na rin ako ngayon.
As for Ella and Edward? Natutuhan na nilang kumilos sa sarili nila kapag wala silang naabutang almusal sa kusina. Sila na ang kusang nagpiprito ng itlog or nagluluto ng instant noodles or anything na makita nila sa fridge bago sila pumasok sa school. Sa tanghali naman ay sa labas na sila kumakain dahil pareho naman silang nasa school.
Kapag dinner naman namin ay halinhinan kami ni Elisse magluto. She made a schedule, of course—no surprise there—dictating who's responsible for dinner and who gets stuck with washing the dishes. The funny part is she roped her siblings into the rotation as well. Hindi naman kasi marunong magluto ang dalawa niyang kapatid kaya sa paghuhugas ng pinagkainan niya ini-sched ang dalawa.
About naman sa paglilinis ng bahay ay wala kaming problema dahil weekly ay may pinapupunta ako para mag-general cleaning dahil hindi na namin 'yon magagawa pa sa dami ng trabaho sa company. Isa pa, siguradong wala isa man sa amin ang magtitiyagang maglinis ng bahay namin dahil baka kahit maghapon ang ilaan namin sa paglilinis ay hindi pa rin namin matapos dahil sa sobrang laki. Pangalawa, hindi naman ako marunong maglinis. Magdumi at magkalat, yes.
"I'm going home," Elisse said curtly, her voice as cold as ice while she tidied up her desk.
Ako naman ay kunwaring busy sa screen ng laptop ko, pero sumagot pa rin ako. "Ge. Ingat. Sila sa 'yo."
Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya, naramdaman kong pinukol niya ako ng tingin. Rinig ko ang paghakbang niya patungo sa pinto dahil palabas na siya. Pero pagtapat niya roon, huminto siya at binalingan ako. "Hindi ka pa uuwi?"
'Tsaka ko pa lang siya tiningnan. Bahagya akong ngumisi para mang-asar. "Hindi pa. Overtime. Bakit? Miss mo na 'ko? Gusto mo 'kong makasabay umuwi? Bebe time tayo sa car?"
Umirap siya bigla, 360-degree pa yata ang naging ikot ng mga mata niya. Akala ko nga ay mag-stuck 'yon sa likod ng ulo niya.
"Sana lagi ka na lang mag-overtime. No problem at all," she shot back, her voice dripping with sarcasm before stepping out of the office.
Noong sumara na ang pinto, ako naman ang tumayo sa upuan ko para magligpit ng mesa ko. Bahagya pa akong nakangisi dahil nakaisang puntos ako sa kaniya ngayon bago siya umuwi.
Hindi talaga ako mag-o-overtime ngayon. That was just an excuse. I had plans—at the mall. There were a few things I needed to buy for the first wave of my little revenge on Señorita Elsa—na "Ice Queen" kung bansagan dito sa kompanya.
Yes. Hindi lang siya sa akin cold, kundi pati na rin sa ibang mga empleyado at empleyada. Ang marami nga ay takot sa kaniya. Ang bulong-bulungan pa ng ilan ay takot daw silang i-approach si Elisse dahil mukha itong istrikto at mataray. Well, yes. Totoo naman 'yon. Kahit ako ay 'yon ang first impression ko sa kaniya sa kasal ni Faith at Sugarpops.
⫘⫘⫘
"Bakit ngayon ka lang umuwi? Ano'ng oras na, wala pa tayong din—" Elisse's voice trailed off as soon as I raised the plastic bag in my hand, the one holding the dinner I bought.
BINABASA MO ANG
THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)
Romans•COMPLETED• 🔞NOT FOR MINORS🔞 •READ AT YOUR OWN RISK!• Hope Ryker Lee, the ultimate prankster, is set to marry Elisse Garcia, an heiress with a temper hotter than the sun and social skills colder than Antarctica. Hope wanted a partner as fun and li...
