CHAPTER THIRTY-EIGHT
DINNER DATE
★HOPE RYKER LEE★
HINDI maalis ang ngiti sa labi ko ngayon habang nagmamaneho patungo sa restaurant kung saan kami magkikita ni Elisse. Dinner date. Siya ang nagyaya kaya ang ngiti ko abot-langit.
Yes. You heard it right. Niyaya ako sa isang dinner date ng dragon na ‘yon. Niyaya niya ako through phone call. Sunday kasi ngayon at naiwan ako sa bahay habang siya ay lumabas dahil inimbita siya ng isa sa mga kaibigan niya dahil birthday raw ng anak nito. Then, later in the afternoon, she called me. She asked if I had any plans around seven in the evening, and if I didn’t, she suggested we have dinner out.
Of course, I didn’t play hard to get. I agreed right away because, let's be real, it’s not every day that someone like her—my fierce dragon—acts all sweet and invites me out. Ang sabi niya pa sa ‘kin, sa restaurant na raw kami magkita dahil doon na siya dederetso dahil baka raw maalanganin siya nang uwi galing sa birthday-an.
Pagdating ko sa restaurant, wala pa si Elisse. Noong nakaupo na ako sa table na naka-reserved para sa ‘min, agad kong dinukot sa bulsa ng pants ko ang phone ko at nagpadala ng message sa kaniya para sabihing kararating ko lang.
No reply. I figured she might be driving, and I didn’t want to bother her. The last thing I needed was for something to happen to her on the road because I was impatient. So, I waited quietly.
Makalipas ang kinse minutos na hindi pa siya dumarating, hindi na ako nakatiis at naisipan ko na siyang tawagan. Pero ang dragon, hindi sumasagot at pinatayan pa ako. Napakagat ako sa labi ko sa inis.
Noong mag-a-attempt ulit sana akong tawagan siya, isang maganda, sexy at mukhang mahinhing babae ang lumapit sa table ko. Nakasuot ito ng dress na hapit na hapit sa kaniyang katawan na nagpalitaw sa nakamamatay nitong kurba.
Ohlala.
It was that this moment that he knew—he ukin*nam.
“Hi,” nakangiti niyang bati sa ‘kin.
Itinikom ko ang bibig kong bahagyang nakaawang sa pagkatulala at mabilis tumayo sa upuan ko para maging magka-level kami. “H-Hi,” I stammered, caught off guard by her beauty and sexiness. For a brief moment, I forgot that I was here tonight waiting for Elisse.
“Kanina pa kasi kita napansin dito, mukhang hindi ka rin sinipot ng ka-date mo.”
So, hindi siya sinipot ng date niya? Ano’ng klaseng nilalang ang tatanggihan ang ganito kagandang babae? If I were to compare her to Elisse—and be completely honest—this woman is more attractive, and definitely sexier.
Ganunpaman, Elisse has her own unique charm. Kakaiba rin ang ganda ni Elisse. May kani-kaniya silang ganda. Siguro ay lamang lang ang babaeng ‘to dahil sobrang bright niyang tingnan because of her smiling face, unlike Elisse, who’s always stone-faced, cold, at laging nakasimangot o nakataas ang kilay.
What the f*ck? Why am I even thinking about Elisse when there’s a gorgeous woman standing right in front of me?
“Do you want me to join you?” Saktong maitanong niya ‘yon, tumunog ang cell phone ko.
I quickly checked my screen—Elisse had messaged me. She said she couldn’t make it tonight because her friend didn’t want her to leave just yet, dahil may ibang kaibigan pa raw silang dumating at nagkayayaang uminom.
I shot back a quick reply: “Enjoy your night, my dragon.”
Nang maibalik ko na ang phone sa bulsa ko, nakangiti kong binalingan ang magandang babae sa harap ko. “I’m really sorry,” inangat ko ang kamay ko kung saan nakasuot ang wedding ring ko para bigyan siya ng idea, “but my wife wouldn’t like it if she found out I went on a date with someone else just because she couldn’t make it tonight. Better luck next life,” nakangiti at proud kong sagot sa kaniya sabay hakbang palayo, palabas sa restaurant.
BINABASA MO ANG
THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)
Romance•COMPLETED• 🔞NOT FOR MINORS🔞 •READ AT YOUR OWN RISK!• Hope Ryker Lee, the ultimate prankster, is set to marry Elisse Garcia, an heiress with a temper hotter than the sun and social skills colder than Antarctica. Hope wanted a partner as fun and li...
