Chapter 7

72.7K 916 152
                                        

CHAPTER SEVEN

ENCOUNTER PART IV (HOPE)

★HOPE RYKER LEE★

"Isang tanong, isang sagot. Were you two there to fvck?"

She didn't answer. Her eyes locked onto mine, searching for something—maybe for the right words, maybe for a way out—but she remained silent.

I let out a small chuckle, the sound dry and bitter, and a smirk tugged at my lips. "So, tama ako?" I asked, my voice laced with a hint of mockery.

She stayed silent again, her eyes flickering with something I couldn't quite decipher. My smirk faltered for a moment. 'Tsaka ako nagbuga ng hangin, the sound almost like a dismissive "Pah," as if blowing away the frustration that was bubbling up inside me.

Hinugot ko ang mga kamay sa harapang bulsa ng pants ko at humakbang nang dalawang beses para magkalapit kami nang husto. Napasinghap siya nang hangin, halatang nailang, pero hindi siya naglakas ng loob na umatras. Instead, tiningala niya ako para salubungin ang tingin ko.

"Kung ayaw mong magpakasal sa 'kin, sabihin mo lang. Mabuti na 'yong ngayon pa lang, magkaliwanagan na tayo. Huwag mong idaan sa panloloko o panlalalaki, Elisse. Dahil ako, hindi ako gano'n. Bago pa ang engagement natin, iniwan ko na mga kalokohan ko sa buhay dahil gusto kong maging mabuting partner sa 'yo. Wala kasi sa lahi namin ang nagloloko."

I paused, watching her closely as she swallowed hard, her eyes never leaving mine. "Now, if you're not going to be a good girl for me, and you're just going to be a headache, then let's not get married at all." Muli kong hinagod ng tingin ang mukha niya, pababa sa dibdib, sa maliit na baywang at magagandang legs. "Dahil kahit maganda ka at sexy..." our eyes locked together, "kung magloloko ka lang habang nagsasama tayo... hindi kita panghihinayangan."

Nakita ko kung paano umawang ang bibig niya, pati mga mata, halatang hindi inaasahan ang sinabi ko. Pero bago pa man siya makapagsalita, natalikuran ko na siya.

"Sandali!" pigil niya agad sa 'kin akmang papasok na 'ko sa loob ng sasakyan ko. Humakbang siya palapit at hinigit ang kamay kong nakahawak sa pinto ng kotse ko. Nang mabitawan ko 'yon, siya mismo ang nagtulak no'n pasara. "Huwag ka munang umalis. Mag-usap muna tayo." Magkaharap na muli kami ngayon. "Imbes na puntahan mo si Daddy, ako na lang ang kausapin mo. Ano'ng... ano'ng d-dapat kong gawin para... para h-hindi ka umatras sa kasal?"

I studied her carefully. To be honest, even though she was stuttering a bit, there was something about her that was downright intimidating. Her aura was commanding, and it was almost enough to make anyone falter. But I couldn't afford to show her that my knees were trembling in front of her—not now, especially when I had every right to be angry given our situation.

"Madali lang akong kausap, Elisse." Muli kong pinamulsa mga kamay ko, 'tsaka ako sumandal sa sasakyan ko. My gaze never leaving hers. "We're engaged now. And even though we're not married yet, I need you to be faithful to me." My voice was calm, but there was an edge to it. "You're not a child anymore—you understand what the word faithful means, don't you?"

I watched her closely, waiting for a response, my stare unwavering as I tried to read every flicker of emotion in her eyes. Ilang sandali pa, tumango siya nang marahan. She looks defeated. "Naiintindihan ko. I... I was planning to... to end things with him today."

Kumunot ang noo ko. "End things? Sa hotel?"

Bumuntonghininga siya. "First anniversary namin ngayon. Hindi ko ba puwedeng gawing espesyal man lang ang pamamaalam ko sa kaniya? And why is this such a big deal to you?" she pressed on, her tone growing sharper. "This is just an arranged marriage, Hope Ryker Lee. Our wedding comes with a contract; it's not like other marriages where love is the foundation. For us, it's like a roleplay, so you should know the limits of how much you can interfere in my life."

"Roleplay?" I barely managed a chuckle at her comment, pushing myself away from my car. "That's where you're wrong, Elisse. Marriage is sacred in our family. Arranged or not, it's still a marriage, and we still stand before God. My family places immense value on it. Wala ni isa sa mga ninuno namin hanggang sa mga magulang namin ang nagloko sa arranged marriage na kinasangkutan nila. At hindi ako papayag na sa panahon ko masisira o mababahiran ng kung ano pa baga ang usapang kasal dahil lang sa katigasan ng ulo mo. Kaya kung ako sa 'yo, makipaghiwalay ka na diyan sa boyfriend mo. Kung hindi ka makikipaghiwalay, walang kasal na mangyayari. End of story."

Natameme siya at hindi ko naiwasang mapangisi sa isipan ko. Yeah. I know, I won. Loko-loko lang ako, pero matalim din minsan ang dila ko. Mas matalim pa sa puwet ko.

"I... I get it." Kinuha niya ang cell phone niya at nag-type roon. Hindi ako tsismoso, pero dahil nasa harapan ko lang siya, kitang-kita ko ang tina-type niyang message doon sa boyfriend niya na "Love" pa ang naka-save na screen name.

'Miles, we need to break up. I'm engaged. I'm so sorry for not telling you sooner.'

Matapos niya 'yon i-send, hinarap niya sa 'kin ang screen ng cell phone niya para ipakitang nag-send na 'yon. "Happy?" sarkastika niyang sabi.

"Not yet," maagap kong sagot. "May isa ka pang kailangan ipangako sa 'kin."

Napabuga siya ng hangin, halatang iritable. "Ano na naman?"

"May trust issues kasi ako. Kaya kahit na nag-text ka na diyan sa boyfriend mo, nararamdaman kong one of these days, baka makipagkita ka pa rin sa kaniya. Ngayon pa lang, babalaan na rin kita. Sa oras na mabalitaan ko o may makapagsabi sa 'kin na nagkita kayo, magpakasal ka sa pari mag-isa mo. Got it?"

Muli ko siyang tinalikuran. "Ah, teka?" Papasok na sana ako sa sasakyan ko nang bigla akong may naalala kaya humarap uli ako sa kaniya. "Unblock me. Sa lahat. Number ko pati sa social media. Grabe ka, hindi pa nga kita fino-follow, binlock mo agad ako?" Bahagya akong natawa. "Sige na. Pumasok ka na sa sasakyan mo. Ihahatid kita sa inyo, co-convoy-an kita."

"Hindi na kaila—"

"Kailangan," maagap kong apila, dahilan kaya natahimik siya. "Huwag nang matigas ang ulo mo, Elisse. Hayaan mong ako na lang ang tumigas. Ngayon pa lang sanayin mo nang sumunod para magkasundo tayo."

Bago niya ako talikuran, isang matinding irap ang pinukol niya sa 'kin. I smirked as I watched her walk back to her car, noticing the natural sway of her hips with each step. Nang makapasok na siya sa loob ng sasakyan niya, pumasok na rin ako at in-start na ang makina. Sinundan ko siya.

Makalipas pa ang ilang sandali, kung kailan malapit na kami sa kanila, 'tsaka siya nagbawas ng speed, kasunod ang pagtunog ng cell phone ko.

Incoming call...

Elisse

Napangisi ako nang sagutin ko ang tawag niya. Katunayan 'yon na naka-unblock na 'ko sa kaniya.

"Hi goddess," bungad ko.

"Malapit na 'ko sa 'min, puwede ka nang umuwi. Huwag mo na 'kong sundan. Bye."

"Teka—" Hindi na ako nakaapila pa dahil naputol na ang connection. Napabuntonghininga ako nang ibaba ko ang cell phone ko at tinanaw ang sasakyan niyang palayo na ulit. "Hindi man lang ako inimbita ng loko. Kahit pakapehin man lang sana 'ko." Nabaling ang tingin ko sa bulaklak na nasa shotgun seat at napailing ako nang malimutan ko 'yon iabot kay Elisse.

"Aha." Napangisi ako bigla sa naisip ko. "Sa ayaw at sa gusto mo, pakakapehin mo 'ko."


THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon