CHAPTER FOURTEEN
MARRIAGE CONTRACT
★HOPE RYKER LEE★
Nakahinto na ang sasakyan ko sa harap ng bahay nila, pero pareho kaming hindi pa rin bumababa. Tiningnan ko si Elisse; bahagya siyang nakayuko, parang malayo ang iniisip, habang magkahawak ang pareho niyang kamay sa ibabaw ng hita niya na bahagyang nanginginig. There was a tension around her that hadn't been there before.
"Elisse?" mahina kong tawag sa kaniya. It took a moment, but finally, she seemed to snap back to reality, blinking as if shaking herself awake. "Andito na tayo," I reminded her. "Sa bahay n'yo."
Napatingin siya sa akin, tapos sa bahay nila, na para bang hindi pa siya handang harapin kung ano man ang naghihintay sa loob. Kitang-kita ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya— the way her lips pressed together, the deep breath she took as if she was gearing up for something difficult.
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya bago niya buksan ang pinto sa side niya. Sinabayan ko rin siya agad sa pagbaba at sabay kaming humakbang papasok sa loob ng gate na nakabukas na para sa amin. Pagdating namin sa tapat ng main door, lalo kong naramdaman ang pagiging tense niya at hindi ko alam kung bakit.
Sa hindi ko rin malamang dahilan, I reached for her hand and intertwined our fingers, tightening my grip slightly to let her know she wasn't alone. I was surprised by my own action, but it felt right somehow.
She seemed to appreciate it, dahil sa halip na asahan kong irapan ako gaya ng dati, tumingin lang siya sa 'kin. There was a hint of surprise in her eyes, but then she took a deep breath, and I could see a bit of relief wash over her.
Pagpasok namin sa loob, sinalubong agad kami ng madrasta niyang kabababa lang sa hagdan. "Elisse," tawag nito kay Elisse at saglit lang akong tinapunan ng tingin at bahagyang nginitian. "Gusto kang makausap ng daddy mo. Naroon siya sa opisina n'ya."
Agad umiling si Elisse. "I'm not speaking to him until my lawyer gets here." I furrowed my brow, glancing at her in confusion, but she kept her gaze fixed on her stepmother. "My lawyer will be here in just three minutes."
Hindi ko maintindihan ang nangyayari at kung bakit kailangan ni Elisse ang lawyer niya, pero may tensyon akong nararamdaman sa pagitan nila ng madrasta niya. Her stepmother's expression was sharp, almost challenging, while Elisse stared back defiantly, her posture rigid and unyielding. Parang walang isa man sa kanila ang gustong magpatalo.
⫘⫘⫘
Eksaktong isang oras ang lumipas bago bumaba si Elisse sa hagdan, kasama ang abogado niya. Agad akong tumayo mula sa kinauupuan kong sofa at sinalubong sila. Nakabuntot din ang madrasta ni Elisse sa 'kin, na siyang kasama ko sa living room habang naghihintay kami.
"Let's go, Hope," sabi ni Elisse paglapit ko. Diretso ang lakad niya palabas ng bahay nila, ni hindi man lang tinapunan ng tingin o nagpaalam sa madrasta niya. Only her lawyer bothered to give a polite nod before also heading out, and I followed suit.
May sariling sasakyan ang abogado niya kaya agad itong umiba ng direksyon, habang kami naman ni Elisse ay dumiretso sa sasakyan ko. Nga pala, I'd already arranged for her car, which she left at her ex's condo, to be retrieved by my assistant earlier. Since Elisse still had the keys, I had it towed to Lee Entertainment. Dadaanan na lang namin do'n mamaya dahil may mga kailangan pa kaming asikasuhin— tulad ng pag-f-fit niya ng wedding gown.
BINABASA MO ANG
THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)
Romance•COMPLETED• 🔞NOT FOR MINORS🔞 •READ AT YOUR OWN RISK!• Hope Ryker Lee, the ultimate prankster, is set to marry Elisse Garcia, an heiress with a temper hotter than the sun and social skills colder than Antarctica. Hope wanted a partner as fun and li...
