Chapter 25

65.9K 860 125
                                        

CHAPTER TWENTY-FIVE

DIVORCE

❥ ELISSE GARCIA ❥

As soon as Hope walked into the office, agad na tumigil ang kamay ko sa pag-scroll ng email. Narinig ko ang pamilyar na yabag ng sapatos niya, at kahit hindi ko pa siya tinitingnan, alam kong may nakahanda na siyang mga salita na hindi ko alam kung seryoso o nagbibiro lang.

"Congratulations," he greeted me with a sly smile. Stopping in front of my desk, he handed me a bouquet of pink and white roses—my favorites, but today, they felt like a reminder of a victory I wasn't sure how to process. Nang tingnan ko siya, alam kong may laman ang mga mata niya. Imbes na galit sa pagkakalipat sa akin ng posisyon na para dapat sa kaniya, ay tila proud pa siya. "For being the new CEO," dagdag niya, sabay abot ng bouquet sa 'kin.

I blinked. He was right. Despite all my efforts to propose joint leadership ay hindi napagbigyan ang mungkahi ko na maging dalawa ang CEO. Instead, the board had chosen me as the new CEO. Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon na ako ang ibinoto nila. 

Yes, the board members knew we were married, and maybe that had something to do with their decision. But I couldn't be sure if that was the only reason. Hope had been a candidate too, and his plans for the company were just as solid as mine—if not more. So, I couldn't help but ask myself, 'Why me?'

Tumayo ako at tinanggap sa kaniya ang bulaklak, kasunod ang mahina kong, "Thank you." Saglit kong pinagmasdan ang bulaklak na hawak ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ako na ang bagong CEO. Pero mukhang wala namang problema ang mga Lee sa nangyari, lalo na si Mrs. Vivar at ang parents ni Hope. Ang sabi pa nga nila ay mukhang magiging okay raw ang tandem namin ni Hope.

Si Hope kasi ang naging COO—ikalawa sa pinakamataas na posisyon. And when it came to running Lee Entertainment, we would still be a team. He was the COO, and I was the CEO. We would be working side by side kahit na ano'ng mangyari.

Isa pa sa ikinagaan ng dalahin ko ay nailipat na rin sa pangalan ko ang ilang porsyento ng shares ni Daddy sa kompanya na ipinangako niya sa 'kin. It felt surreal, knowing that part of the company I had worked so hard to protect now had my name attached to it. Kaya wala na rin akong dahilan para mag-stay pa sa relasyon namin ni Hope. Kailangan ko nang tapusin ang nasimulan namin bago pa magkaroon ng maraming complications.

"Nagpa-book ako sa isang kilalang restaurant mamayang gabi para sa dinner celebration mo bilang bagong CEO," Hope said with a hopeful smile on his face. He was clearly excited about it, but the warmth in his voice only made what I had to say more complicated.

I shook my head gently, cutting him off before he could get too carried away. "Hindi ako p'wede. May lakad ako mamaya."

Napawi ang ngiti niya at nagsalubong ang kilay. "Saan? Bakit hindi ko alam na may lakad ka? 'Di ba ang usapan, wala tayong magiging lakad na hindi natin kasama ang isa't-isa? Mapapagalitan tayo n'yan ni Mommyla."

"Mommyla mo ang kasama ko mamayang gabi. We have a dinner date. Kami lang dalawa," I replied calmly, my voice steady but firm. "Kaya mamaya, mauna ka nang umuwi sa bahay. Kayo na lang ni Edward ang magsabay kumain. 'Wag n'yo na 'kong hintayin. At please lang, pakihugasan na ang mga gagamitin n'yo. Wala tayong alila sa bahay," paalala ko. Nito kasing mga nakakaraang linggo ay pareho nilang napapakulo ni Edward ang dugo ko dahil sa pagiging makalat nila. Minsan ay inaabot ng magdamag ang hugasin sa sink dahil walang nagkukusa sa kanilang maghugas kahit na sila lang naman ang gumamit ng mga 'yon.

"Bakit kayo lalabas ni Mommyla?" Bakas ang kuryosidad sa mukha niya.

"May pag-uusapan lang kami."

"Tungkol saan?"

THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon