CHAPTER TWENTY-TWO
NEW HOME
★HOPE RYKER LEE★
"Matibay ba 'tong kama n'yo? Kaya ba nito ang magnitude 69?" I asked the showroom staff, grinning as I gave the bed a playful pat. The guy chuckled awkwardly, probably unsure if I was serious, habang si Elisse naman ay pinukol ako ng masamang tingin.
"Hope, can you be serious for five minutes?" she huffed, her arms crossed as she glanced at me with those piercing eyes of hers.
Kanina pa kami nagsimulang mag-ikot-ikot para tumingin ng mga gamit at furniture na kailangan sa bago naming bahay, pero ilan pa lang ang napipili namin dahil napakaarteng mamili ni Elisse. She's inspecting each piece we came across. So far, we'd only picked a few items, mostly because she was being so particular about everything. Ako, syempre, hindi na 'ko nag-iinarte at sumasang-ayon na lang sa lahat ng magustuhan at mapili niya. It was easier that way, less hassle. Plus, it kept the peace between us.
Napangisi ako lalo at bahagyang yumuko para ilapit ang bibig ko sa tainga niya. "Seryoso naman ako. Isa pa, kailangan natin ng matibay na kama sa dami ng gusto kong gawin sa 'yo," I whispered, winking at her.
Agad niyang inilayo ang ulo niya sa 'kin at hinampas ang braso ko. "Tumigil ka nga!"
Mahina akong natawa sa reaksyon niya, lalo nang makita kong namula ang mukha niya. I turned my attention back to the staff, who still seemed a little unsure how to respond to my joke. Tinuro ko sa kaniya 'yong kama. "Hindi ba 'to bibigay sa sunud-sunod na rounds? Like, five to ten rounds a night?"
"Hindi, Sir. Kahit bumente ka pa. Matibay 'yan. Mas matibay pa sa tuhod at likod mo," pabiro niyang sagot, natatawa.
Natawa rin ako. Siya ang nag-a-assist sa amin kanina pa, pero ngayon lang siya sumabay sa trip ko sa buhay. Kanina kasi ay sobrang seryoso niya, very professional. Pero dahil sa sagot niya, feeling ko ay para na lang kaming magtropa.
"At dahil d'yan, sige. Kukunin ko na 'tong kama. Pero dapat ikaw mag-d-deliver sa bahay namin. Gusto ko pasan mo sa likod."
⫘⫘⫘
For more than a week, Elisse and I had been busy fixing and designing our new house. 'Yong panahon sanang para sa honeymoon namin ay ginugol na lang namin sa pagliligpit at pag-aayos dahil 'yon ang gusto niya.
Nang tanungin ni Mommyla kung bakit hindi kami tumuloy sa honeymoon namin ay ako pa ang sinisi ni Elisse, na kesyo nawalan daw siya ng gana dahil iniwan ko siya sa hotel noong kinabukasan na naka-schedule sana ang flight namin. Pero ang totoo, dahilan niya lang 'yon. It was clear she was doing everything she could to avoid being alone with me, finding any excuse not to spend quality time together.
Habang lumilipas din ang mga araw ay lalo kong nararamdaman ang pagiging cold niya. Hindi ko alam kung dahil pa rin ba 'yon sa nagawa ko sa kaniya no'ng wedding night namin sa hotel. Samantalang hindi ko naman na siya ginalaw after no'n. Kahit noong sinundo ko siya at inuwi sa bahay, nagtabi kami sa room ko, oo. Pero hindi ko na siya hinawakan dahil kahit ako ay nakunsensya sa ginawa ko sa kaniya.
Ang problema, ngayong narito na kami sa bahay namin at solo namin ang isa't-isa, pakiramdam ko mahihirapan na naman akong magpigil. Lalo na at magsasama kami sa iisang kuwarto na kasalukuyan niyang inaayos.
Matapos kong ihanda ang pagkain naming ipina-deliver ko para sa tanghalian, tinungo ko ang elevator para puntahan siya sa second floor. Tinatamad akong maghagdan dahil kanina pa ako pagod sa pag-aayos sa kusina.
Pagtapat ko sa pinto ng kuwarto namin, agad akong kumatok. "Tok-tok, to-tok-tok! Elsa? Do you wanna build a snowman?"
Itutuloy ko pa sana ang pagkanta at gagayahin si Anna sa Frozen, pero biglang bumukas ang pinto at bumungad ang masamang tingin sa 'kin ng asawa kong dragon. "Elisse! Not Elsa!" she snapped.
"Elsa ang itatawag ko sa 'yo sa tuwing lalamig ang pakikitungo mo sa 'kin. Elisse naman kapag sweet ka." Nakipaglabanan ako sa kaniya ng tingin. Alam ko kasing ayaw niyang tinatawag siyang Elsa. Nagsimula siyang mairita sa 'kin kahapon nang tawagin ko siyang Elsa sa harap ng pamilya ko. "Kaya mamili ka, magpapa-cold ka o magpapaka-sweet? Mas masarap maging bukayo kaysa yelo."
Hindi siya sumagot. Iritable niya akong nilagpasan at sinadya pang banggain ang balikat ko. I couldn't help but let out a small chuckle, shaking my head in disbelief. 'Classic Elisse,' I thought. Always quick to show how much she didn't want me around.
Noong narinig ko na ang pagsara ng elevator na sinakyan niya pababa, naisipan kong pasukin ang kuwarto naming inayos niya para alamin ang lagay no'n. But the first thing that caught my eye was the bed. Napakunot ang noo ko.
There, right in the middle, were two pillows neatly lined up, forming a barrier between my side and hers. A literal wall of separation. Psh. Akala niya ba uubra 'yon sa 'kin?
Pagdating ko sa living room, naabutan ko na siyang kumakain. Naroon sa center table ang pagkain namin kaya nilapitan ko na rin siya. Pinagmasdan ko siya pag-upo ko at pansin kong medyo gulo ang buhok niya, laglag ang balikat at halatang medyo nanlalata dahil sa pagiging busy niya mula pa kaninang umaga.
"Cute ng asawa ko. Mukhang pagod na dragon." Dahil sa biro ko, muli akong nakatikim ng masamang tingin sa kaniya kaya iniba ko agad ang usapan. "Dahil dito na tayo matutulog simula mamayang gabi, kailangan na nating mag-grocery para hindi tayo magutom. Hindi naman p'wedeng ang isa't-isa lang ang kakainin natin. Masarap lang ako, pero hindi ako masustansya, you know?"
Bigla niyang binitawan ang pizza na kinakain at tiningnan ako nang seryoso, nakataas ang isa niyang kilay. "We're just roommates, Hope. Strangers living under the same roof. Wala akong pakialam kung para sa 'yo sagrado ang kasal natin kahit pa arranged marriage lang tayo. Ang sa akin, kapag ayaw ko, ayaw ko. At hindi mo 'ko mapipilit. Kapag pinilit mo 'ko, p'wede kitang kasuhan ng r@pe."
Saglit akong natahimik, pero natawa ako bago muling sumeryoso. "Kalimutan mo na 'yong ginawa ko no'ng wedding night natin. Tapos na 'yon. Simula ngayon, hindi na kita pipilitin o pupuwersahin, Elsa. Dahil sisiguraduhin ko na kapag hinawakan kita... gugustuhin mo rin."
⫘⫘⫘
Hapon na nang matapos kaming magligpit at mag-ayos ni Elisse sa bahay. Actually, hindi pa nga tapos. May mga dapat pang iayos, pero sabi ko ay bukas na lang namin ituloy dahil kailangan na naming mag-grocery bago pa kami mapagsarhan ng supermarket.
Ako ang tagatulak sa cart, habang siya naman ang kumokolekta sa mga kailangan naming supplies. As usual, hanggang dito sa supermarket ay nagkaroon pa rin kami ng pagtatalo dahil lang sa pagpili ng fresh milk. She wanted low-fat milk, while I preferred sterilized. At para hindi na lumala pa, pinakuha ko na lang siya ng sa kaniya at kumuha ako ng sa 'kin.
Nang mapuno na namin ang cart ay dinala ko na 'yon sa counter. Nakasunod pa rin naman sa 'kin si Elisse. Habang ini-scan ng kahera ang mga pinamili namin, napansin kong pasulyap-sulyap ito sa 'kin at malagkit ang tingin. Hindi na bago sa 'kin ang gano'n dahil sanay na 'kong maraming nagpapapansin sa 'kin lalo na sa company. But the way she looked at me made me think of pulling a little prank.
Habang hindi nakatingin si Elisse, kinindatan ko nang kinindatan 'yong kahera. Natigilan ito sa pag-scan at napatitig sa 'kin habang namumula ang mga pisngi. She was young, probably younger than Elisse, and clearly flustered by the attention.
Soon enough, Elisse catches on so quickly. I could feel her sharp gaze cutting into me from the side. Nang lingunin ko siya, nakataas ang isa niyang kilay sa 'kin at magkakrus ang mga kamay sa harap. 'Tsaka niya binalingan 'yong kahera.
"Do you want my husband's phone number? Pu'wede kong ibigay sa 'yo."
Woah. Effective.
And what?
My husband?
Tengene.
To be continued...
Don't forget to vote po if you enjoyed this chapter. Thank you :)
YOU ARE READING
THE HILARIOUS HUSBAND (LEE BROTHERS #2)
Romans🔞NOT FOR MINORS🔞 •READ AT YOUR OWN RISK!• Hope Ryker Lee, the ultimate prankster, is set to marry Elisse Garcia, an heiress with a temper hotter than the sun and social skills colder than Antarctica. Hope wanted a partner as fun and lively as he i...