Napaangat ako ng tingin at bumungad sa harapan ko si Martin na may dalang malalaking kahoy sa kanyang bisig. Agad din akong nagbaba ng tingin at nag-focus na lang sa paglalakad habang bitbit ang kahoy sa aking balikat.
Muli akong nag-angat ng tingin at halos mapasipol ako nang makita ko kung paanong nag-flex ang malaking biceps ni Martin nang i-adjust niya sa balikat niya ang malalaking kahoy.
Paano mo nami-maintain ang ganyang katawan kung hindi pa naman uso ang gym sa panahon ninyo? Siguro sa kakasibak niyo 'yan ng kahoy noh?
Tahimik lang ang lahat habang binabaybay ang daan patungo sa bagong lilipatan namin. Ilang sandali pa ay naging mataas ang mga talahib na nadaanan namin dahilan para mahirapan akong makita kung ano ang nasa harapan.
Ilang beses ding na-twist ang paa ko at makailang beses na ring nalusong ang paa ko sa putik. Napanguso ako habang tinitingnan ang paa kong maputik.
Kakaloka ha! Kanina pa nalulublob ang paa ko sa putik..wala man lang may care na pansinin ang nangyayari sa akin?
Napakadumi na ng paa ko compared sa ibang kasama ko na talsik lang ang meron. Lihim akong napanguso dahil ang unfair non eh. Kung madumi ako, dapat sila din.
Pataas ng pataas ang talahiban na dinaraanan namin at ilang sandali pa ay nasa harapan ko na mismo naglalakad si Martin. Napatingin ako sa kanya kaya agad niya akong nilingon.
"Batid kong hindi mo masumpungan ang kung anuman na nasa harapan mo" ika niya saka niya tinabas ang mataas na damo
Doon ko lamang napansin na ang mga kalalakihan ay nasa unahan at tinatabas ang mga damo habang may kanya kanya silang dala.
Naks! Taking theead yarn?
Makalipas ang dalawang oras na pagkalakad, feeling ko ay malalagutan na ako ng hininga kung kaya't pagbagsak kong ibinaba ang dala kong kahoy saka ako sumalampak sa sa sahig. Habol habol ko ang hininga ko habang nagpapaypay gamit ang aking palad.
Napatingin ako sa paligid umaasang may source of water man lang kahit papaano at halos nagningning ang mga mata ko nang may makita akong balon.
Dali dali akong umahon mula s pagkakasalampak saka ako nagtungo sa direksyon ng balon. Bahagya pa akong tumingkayad para tignan kung gaano kalalim ang kanilang balon.
Agad akong naghanap ng pansalok saka ko ito ikinabit sa magkabilang dulo ng lubid.
Sino kayang naglagay nitong balon dito sa bundok? Infairness ha, malaki ang ambag niya sa lipunan
Kahit pagod man ay agad kong inihagis ang maliit na pansalok sa tubig saka ko inayos ang manggas ko para sa gagawin kong paghila.
Hinawakan ko na ang lubid at akmang hihilahin ko na ito nang may nag-usog sa akin pagilid na para bang isa lang akong plywood na nakaharang sa daan.
Wow ha
Napakurap kurap ako at napatingala ako at napaismid nang makita ko na naman si Martin. Iba na ang suot niya ngayon, walang manggas ang damit niya kaya kitang kita ko sa harapan ko kung paanong gumalaw ang kanyang mga muscles habang naghihila ng lubid.
Feeling ko minamaliit ako nitong si Martin eh.
Napaiwas ako ng tingin dahil baka isipin niya pinagnanasaan ko siya.
Well, slight lang hihi come on! Biceps na 'yan eh!
Hindi na ako nag-abala pa na makipag-agawan sa kanya sa pag-igib ng tubig dahil aware din ako na sobrang pagod na ang katawan ko dahil sa dalawang oras na paglalakbay namin.
YOU ARE READING
Mi Amado Gobernador General
Historical FictionMeet Nathalia Shane Dimagiba ang echoserang nursing student from the 21st century who was involved in a car accident. When she woke up, she suddenly found herself in the past. Paano?! Bakit?! Habang nasa past, she met a man named Luis de Alejandro...