Kabanata 41

18 2 0
                                    

Nagimbal ang buong pagkatao ko dahil sa sinabi niya. Napailing iling pa ako at natawa ng bahagya na para bang may joke akong narinig.

Hindi pwedeng hindi siya si Luis..si Luis ay totoo..hindi pwedeng..

Pakiramdam ko ay maiiyak ako dahil sa rebelasyon na sinabi niya. Bigla kong naalala kung paano kami naglandian ni Luis kaya paanong..
paanong hindi siya ang totoo?

Ano 'yon? Ang ibig bang sabihin noon ay si..si Luis ay isa lang ding alter? Hindi siya..totoo?

Ramdam ko ang unti-unting pamumuo ng mga luha ko sa mata ko habang nakatingin kay Martin. Unti unting nanlaki ang kanyang mga mata na para bang hindi niya ine-expect na magiging ganito ang reaction ko.

"Nathalia? Anong nangyari? A-ayos ka lamang ba?" tila nagdadalawang isip pa siya kung lalapit ba siya at papatahanin ako o manonood lang siya

"S-sinungaling ka..siya si Luis eh" pumiyok pa ang boses ko, bagay na hindi ko na inabalang pansinin

Kung normal na pagkakataon lang ito ay tumawa na ako ng malakas at nahampas ko pa si Martin. Pero sa pagkakataong ito, ramdam ko ang unti-unting pagkadurog ng puso ko.

Umiling iling siya habang nakatingin sa akin. Bakas ko pa rin ang pagtatakha sa kanyang mga mata marahil ay nagtatakha siya kung bakit ganito na lamang ang aking naging reaction sa sinabi niya.

"Ngunit, hindi ako magsisinungaling sa ganoong bagay, Nathalia. Leon ang tunay na ngalan ng Gobernador Heneral kung kaya't paanong naging Luis ang pagkakilala mo sa kanya?" bigla akong natauhan sa tanong niya

Imposibleng wala ni isa sa kanila ang nakakahalata sa paiba-ibang kilos ni Luis..napaka-imposible ng bagay na iyon

Napailing iling na lamang ako at tumakbo pabalik sa direksyon kung saan nila kinukulong si Luis. Rinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Martin pero ni hindi ko na nagawang lingunin pa siya dahil wala din naman akong sasabihin sa kanya.

Kakausapin ko siya, kailangan ko siyang makausap

Hindi pa man ako gaanong nakakalapit sa kulungan ay agad nang nag-angat ng tingin si Luis..o Lucas. Ngumisi siya nang makita niya ako ngunit agad ding nawala iyon nang makita niyang umiiyak ako.

"Nasaan siya?" iyon agad ang tanong ko

"
(Who are you looking for? Can't you see I'm all alone here?) sagot niya

"Maaari bang magsalita ka naman sa lengguwahe namin? Hindi kita maintindihan..may nais akong malaman" naiiritang saad ko

Napailing iling siya at ilang saglit pa ay sumerysoo siya pero ang kanyang mga matatalim na tingin ay nandoon pa rin.

"Anong kailangan mo?" maangas na tanong niya

"Nasaan si Luis?" pagtatanong ko

Natawa siya nang bahagya na para bang ang weird ng tanong ko.

"Puedo ver que todavía estás buscando a ese bastardo débil"
(I can see you're still looking for that weak bastard)

"Hindi kita maintindihan!"

"Wala siya at hindi ako papayag na lumabas pa siya" natameme ako nang marinig ko ang sinabi niya

Bigla akong nakaramdam ng kung anong inis dahil sa sinabi niya kaya wala sa sariling hinawakan ko ang pintuan ng kulungan niya saka ako nagsisi-sigaw na para bang nawawalan na sa katinuan.

"Ibalik mo siya! Kakausapin ko si Luis!" naiiyak na sabi ko sa kanya pero ngisi lamang ang sinagot niya dahilan para mawalan na naman ako  sa sariling ulirat "May sasabihin ako sa kanya, may kailangan akong malaman!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 2 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mi Amado Gobernador General  Where stories live. Discover now