Gabi na at ang lahat ay kumakain na. Ngayon ay isda naman ang kinakain ng lahat. Buti na lamang ay may nabingwit silang isda habang naglalakbay sila patungo sa kabilang bundok kung kaya't masarap ang aming hapunan ngayon.
Abala ang lahat sa pagkain habang ako ay nagkanda haba pa rin ang leeg sa pasilip silip sa kubo nila Martin.
Hindi pa ba sila gutom?
"Lalabas din sila maya maya" napatingin ako sa kanan ko at nakita ko na naman ang babaeng nang-irap sa akin.
Napatingin ako sa kinakain ko dahil bigla akong nahiya. Feeling ko tuloy ay kanina niya pa ako nakikitang pasilip silip sa loob. Sana naman hindi
"A-ah..hehe iniisip ko lang baka gusto na sila" iyon na lamang ang nasabi ko saka ako muling sumubo ng isda.
"Hayaan mo na lamang sila, nag-uusap pa ang dalawang ginoo. Kumain ka na lamang diyan" sabi niya pa kaya tumango na lamang ako at kumain nang tahimik.
Bakit ba itong babae ang katabi ko? Huhuhu feeling ko tuloy bantay sarado ako dito. Hind kaya...iniisip niyang ako 'yung traydor dito sa samahan nila? Pero hindi naman ako part ng samahan nila eh kaya hindi nila pwedeng isipin na traydor ako.
Patuloy pa rin ang pagtatalo ng isip ko tila ba may agree sa akin at may disagree din syempre.
Tahimik lamang akong kumakain habang ang iba ay pasimpleng nagbubulungan.
Akala ko ba bawal magsalita habang kumakain? Bakit sila nagbubulungan kung ganon?
Makalipas lang ang ilang sandali ay may dalawang lalaking kumuha ng panibagong dahon ng saging, nilagyan ito ng tig isang isda saka kamote. Nagtanong ang isa sa mga nakakita na agad ding sinagot ng lalaki.
"Napag-utusan lamang kami ng pinuno na ipagtabi sila ng pagkain ni Ginoong Samuel. Sa loob na lamang daw sila kakain at mahalaga ang kanilang usapan para lumabas pa" mahabang paliwanag ng isa
Ano kayang binabalak niyong dalawa? Pwede kaya akong maging spy?
**
Palingon lingon ako sa paligid habang naglalakad papunta sa kinaroroonan ni Luis. Buti na lamang at natatandaan ko pa ang daan kung kaya't hindi ko na kinailangan pang maglaglag ng kung anong palatandaan para lang hindi ako maligaw.Bago ako tuluyang lumapit ay tinignan ko muna kung may nagbabantay ba sa kanya at labis na ipinagtakha ko kung bakit wala considering na muntik ng makatakas last time si Luis.
Paisa isang hakbang ang ginagawa ko habang papalapit sa kanya dahil panay pa din ang bantay ko sa paligid sa takot na baka may makakita sa akin at pagbintangan ako ng kung ano man.
"Psst" sitsit ko sa kanya ngunit nakayuko lamang ito habang nakatali pa din
Nakakaawa talaga siya. Bakit pa siya kailangang itali eh nakakulong naman na siya? Grabe ha
"Psst" sitsit ko ulit ngunit nakayuko pa rin ito kaya sa pangatlong sitsit ay nilakasan ko na ito "Pssst..Luis"
Bahagya siyang gumalaw at umungol ng mahina kaya bahagya kong tinapik tapik ang kulungan niya na para bang may magagawa ito upang makuha ang atensyon niya.
"Luis" muling tawag ko
Sa pagkakataong ito ay inangat niya na ang ulo niya dahilan para magtama ang aming mga mata. Napangiti ako dahil doon ngunit agad napawi ang ngiti ko nang makita ko ang kakaibang dilim ng kanyang mga mata palatandaan na hindi si Luis ang kaharap ko.
"U-uhm..Lucas?" paninigurado ko
Unti unting umangat ang sulok ng kanyang labi at saka siya bahagyang humalakhak sa mababang tono.
YOU ARE READING
Mi Amado Gobernador General
Historical FictionMeet Nathalia Shane Dimagiba ang echoserang nursing student from the 21st century who was involved in a car accident. When she woke up, she suddenly found herself in the past. Paano?! Bakit?! Habang nasa past, she met a man named Luis de Alejandro...