Kabanata 39

53 2 1
                                    

"Deja de llamarme Luis. No soy Luis, soy Le" (Stop calling me Luis. I'm not Luis, I'm Leon)

"Deja de llamarme Luis. No soy Luis, soy Le" (Stop calling me Luis. I'm not Luis, I'm Leon)

"Deja de llamarme Luis. No soy Luis, soy Le" (Stop calling me Luis. I'm not Luis, I'm Leon)

Tila ba ugong sa tenga ko ang huling sinambit ni Luis bago ako tuluyang makalayo. Hindi ko nga lang mabatid kung bakit may narinig akong pangalang Leon.

Impit akong napatili saka napasabunot sa aking buhok dahil feeling ko ay mababaliw na ako.

Napabangon ako mula sa kinahihigaan ko saka ko nilingon ang mga kasama kong mahimbing na natutulog.

Imposibleng wala man lang nakaramdam sa kanila na tumakas ako? Ano sila? Manhid?

Napatingin ako sa kawalan habang nag-iisip.

Buti na lang nakita ko na siya

Pagkatapos kong malaman kung nasaan siya ay nakaramdam ako ng kung anong kaginhawaan sa loob ko. Pero hindi din maalis sa isipan ko ang itsura niyang nakatali sa loob ng kulungan.

Babalikan ulit kita

**
Umaga na at abala na ang lahat sa kani-kanilang gawain. As usual, mga babae ang nakatoka sa pagluluto ng kakainin at ang mga kalalakihan naman ay may kanya kanyang pinagkakaabalahan.

Ang ilan ay abala sa paghahanap ng mga kahoy at pawid na gagamitin nila sa paggawa ng mga kubo. Iilan lang kasi ang nagawa kahapon at talagang inuna nilang gawin ang kubo na para sa mga kababaihan.

Bale, sa labas natulog ang lahat ng lalaki. Hindi ko nga lang alam kung paanong hindi nila ako naramdaman kagabi eh ang dami dami nila.

Habang busy ang lahat ay dumating si Martin na may seryosong ekspresyon. Nagpunta siya sa gitna saka niya tinawag ang atensyon ng lahat.

Unti unti silang nagsilapit kaya lumapit na lang din ako para makiusyoso.

Rinig ko ng bulungan ng iba habang nakatingin kay Martin na ngayon ay seryoso. Oo, seryoso talaga siya pero mas seryoso siya ngayon at hindi ko alam kung bakit.

"Katahimikan" sa isang salita niya lang ay nanahimik ang lahat

Wala akong ibang marinig kundi ang tunog ng mga naghahampasang dahon sa puno.

Naglakad si Martin papuntang kanan at ilang sandali pa ay pakaliwa naman ang lakad niya. Matalim ang kanyang mga tingin habang sinusuyod niya ng tingin ang bawat isa sa amin.

"Sino sa inyo?" panimula niya

Nanatiling tahimik ang lahat tila ba hindi batid ang kanyang tinutukoy.

"Sino sa inyo ang nangahas na traydurin ang samahan?" pagtatanong niya na dahilan para mapasinghap ang karamihan

May traydor dito?!

Napapikit si Martin saka siya huminga ng malalim tila kinakalma ang sarili.

"Kagabi..." seryosong aniya "Isa sa inyo ang nagtungo sa piitan ng bihag, ng Gobernador Heneral"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Ramdam ko ang palakas na palakas ng kabog ng puso ko na tila ba gustong kumawala sa ribcage ko.

Pigil pigil ko ang hininga ko nang muling suyudin ng tingin ni Martin ang bawat isa hanggang sa nagtama ang aming paningin.

Pinilit ko ang sarili ko na huwag ipakita ang kinakabahang ekspresyon ko na sana ay hindi niya talaga makita. Itinago ko ang kamay ko sa likuran ko dahil ramdam ko ang kaunting panginginig noon.

Mi Amado Gobernador General  Where stories live. Discover now