Patrick: "Baby kath... Paano kung sabihin kong, ang taong ultimate celebrity crush mo at ang taong mahal ka at mahal mo ay iisa, anong magiging reaksyon mo?"
Kath: "Huh?"
>Patrick: "Paano kung ako at si Daniel Padilla ay iisa?"
Natameme ako sa sinabi niya. Loading... Nagsmile ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, basta nag smile lang ako...
Patrick: "Hahahahahahaha... Joke lang! Sa gwapo kong to, si Daniel Padilla?!!!Malabo ang layo kaya ng mukha niya sa mukha ko!" -nakakalokong smile
Kath: "Talagang malayo yang mukha mo sa kanya! Pang pwet ka lang ata nun! Teeehhhheeee.... Hahahahha"
Patrick: "Tsss... Kunwari ka pa!"
Kath: "Lumagpas ka na po sa bahay namin Patrick Rivero... Andun lang bahay namin oh~" sabay turo sa bahay. Hindi naman malalayo-layo pero malayo pa rin.. Aisshh.. Gulo!
Hininto niya bigla yung sasakyan. At natama ang ulo ko sa may bintana ng kotse niya.
Kath: "Aooossshhhhh!"
Patrick: "Sorry~ Hindi ko sinasadya Kath... Masakit ba?"
Kath: "Hindi naman... Nagulat lang ako..."
Hinalikan niya ang noo ko.
Patrick: "Masakit pa?"
Kath: "Hi--- Hindi na! Sige baba na ako! Ahh.. Gabi na! Tama gabi na! Si-- Sige! Salamat!"
>Baka sumabog pa ako dito... Nauutal pa ako, kahiya... Baka namalayan niyang nauutal ako... Dahil sa paghalik niya sa noo ko...
Patrick: "Okay... Good night baby... Dream of me. I love you..."
>Bumaba na ako sa sasakyan niya... Hindi lang man ako sumagot sa 'i love you' niya... Eh kasi naman... Yung halik niya...
Aissshhh.!!. Ano ba...?!! Diba nahalikan ka na niya sa pisngi bakit ka pa nagkakaganyan???Eeeehh... Iba na ngayon girlfriend na niya ako... Kahit HINDI TOTOO... pero parang nahuhulog na ako sa kanya... Pero hindi pwede baka masaktan lang ako pagkatapos ng 1 month... Aiisssshhh! Bahala na, sa loob ng one month na yun... E fe-feel ko yung mga moments na parang totoo..
Naglakad na ako papunta sa bahay. Hindi ko na tiningnan ulit yung kotse niya kung nakaalis na ba siya... Naglakad lang ako nang dahan-dahan... Iniisip ang mga bagay-bagay... Nang...
Patrick: "Baby..."
Niyakap niya ako mula sa likod at yung baba niya nasa balikat ko.
Kath: "Patrick? Baby..."
Patrick: "Miss na kita..."
Kath: "Ano ka ba kanina lang magkatabi tayo sa kotse... Miss mo na ako agad..."
