Kath's POV
Ang bango naman ata ng kwarto ko ngayon... Bagong linis ko ba? Teka, eh? Hindi ako naglinis kahapon ah... Ah... baka naman si mama yung naglinis... Eh? Pano mangyayari yun? Eh, out of town yun ngayon eh...
May dumampi sa pisngi ko..
O.O
"P-Pat- Da-Daniel??! Anong ginagawa mo dito?" napatanong ako bigla. Kase naman eh...
"Wala lang... Ginigising ang mahal kong prinsesa..." Makata? hahahahaha!
"Eh? Mahal kong prinsesa...corny mo!"ginaya ko yung pagkakasabi niya. Hahahaha.. Napa-crossarms tuloy siya.
"Bumangon ka na nga diyan! Kanina pa ako dito eh... Naghihintay na magising ka... Pero ang tagal, kaya hinalikan na lang kita sa pisngi... Eh, hindi ko naman alam... na magigising ka na sa isang halik ko pa lang! Hahahahahaha! " Loko to ah! Feeler... Yung pabango lang naman niya talaga yung nakapagising sa akin, hindi yung halik niya! Kung makapagsalita naman...
"Hmmmp! Yabang mo! Pano ka nagpasok dito??!!"Sabay irap ko sa kanya.
"Totoo naman eh! Hahahaha! May susi ako, binigyan ako ni Tita. Hahahaha!"Ang lakas ng boses ng siraulo... -__________-
"Ahhhh.. Ugh! Hindi ah! Yung pabango mo naman talaga yung nagpagising sa akin! Kapal mo!" Ikalawang irap.
"Hahahahaha! Kunwari ka pa!" Loko-loko talaga to ah! Isa na lang pepektusan ko na to!
"Hindi naman talaga! Anong oras na ba?!! Ka bad trip ka! Tsss."Kainis talaga! Ugh!
"6:30 pa. ^________^v "
6:30 pa pala! Ang aga naman --- Ano daw?!! 6:30??!!
"6:30?!! Ba't ba hindi mo ko ginising??!! Malelate na tayo nito! Uggh!" Dali-dali kong kinuha yung towel ko tapos pumasok na agad ako sa banyo... Iniwan ko lang siya.
--------------------------
Aiiisssh! Nakalimutan ko pa yung relo ko... Anong oras na ba? Hindi pa naman pumapasok yung mga estudyante... Pumunta kaya ako sa tambayan, baka andun pa ang barkada...
"Daniel! Aiiisssh! Patrick! Sa tambayan lang tayo magkita!!" sigaw ko sa asungot, ang bagal kasing gumalaw... Parang babae...
"Teka Kath! Kath! Kaaaaaaaatttthhhhhhhhhhh!" Natigilan ako sa pagtakbo... Narinig ko yung sigaw niya. Tiningnan ko siya... Patakbo na siya kaya tumakbo na rin ako.
"Bes!!"Tawag ko kay Julia... Habang tumatakbo na kumakaway. Napatingin naman ang barkada sa akin...
"Bes! Antagal nating hindi nagkita, kahit text man lang simula nung Mall show ni Daniel! Oh~ Kamusta? Kinilig ka dun noh?! Ayyeeeeeiiiiii swerte mo talaga!" Talon pa ng talon. Silang dalawa ni Kiray kilig na kilig... Naku! Kung Alam niyo lang...
"Hahahaha! Ba't hindi pa kayo pumapasok sa room?" Tanong ko bigla. Tapos dumating si Daniel, hingal na hingal. Hahahaha!
"Huh? Ang aga pa kaya 6:30 pa nga!" Latena kaya, 6:30 na kayaaaaaaaaaa!