severe affection

74 0 0
                                    

KATH'S POV 


Hindi ko parin makalimutan yung sinabi sa akin ni
Patrick.

Kath.... Wag mo na akong saktan pls... Hindi ko na
kaya... Kath... Wag ka namang manhid... Kath....
Wag mo na akong saktan pls... Hindi ko na
kaya... Kath... Wag ka namang manhid...

Kahapon pa to pabalikbalik sa isip ko. Halos hindi na
ako nakatulog dahil dito. Hindi ko na naiintindihan
ang feelings ko para kay Patrick. Nalilito na ako.
Nung nakita kong basang basa siya, gusto kong
lumapit sa kanya... at yakapin siya ng sobrang
higpit. Nakita kong nahihirapan siya, gusto kong ako
na ang magpunas sa kanya. Nung sinabi niyang
"Nakakahiya..." , hindi ko alam ang isasagot ko...

Hindi ko lang masyadong pinakitang naapekuhan ako
sa ginawa niyang pag papaulan. Pero nung
sinabi niyang wag daw akong maging manhid, hindi
ko na kinaya... Nasabi ko na kung ano ang nasa isip
ko at ang sinisigaw ng puso ko... Nagpamaang-
mangan pa ako, kunwari hindi ko siya nakuha, pero
sa loob ko, para na akong sasabog. Hindi ko alam
kung ano na ba talaga sa akin si Patrick... Ano na ba
talaga siya sa buhay ko? Umaga na pala.
Kanina pa ako gising pero parang
hindi ako makagalaw.



Mom of Kath: "Kath! Anak! Bangon na! Maligo
kana!" 

Kath: "Opo." Natapos na ang mga rituals ko para sa umaga. Kaya
pababa na ako. 

Mom of Kath: "Mukang matamlay ka nga ngayon
anak..." Kath: "Gutom lang po ako ma..."

Mom of Kath: "Muka nga... Ahmm. Kath... Mawawala
pala ako dito sa bahay for 2 days... May aasikasuhin
lang ako sa business natin... Ikaw lang mag-isa dito
sa bahay... Be safe huh?" 

Kath: "Opo ma."



Beep! Beep!


Mom of Kath: "Anak andiyan na sundo mo... Bye
na.." Kath: "Bye po mom, ingat ka po ha.." 

Mom of Kath: "Mukang ako dapat ang magsabi sa yo
niyan.... Patrick, good morning!"

Patrick: "Good morning din po... Good mor----" 

Kath: "Sige po ma, alis na po kami... Bye.. I love
you.." 

Mom of Kath: "I love you too anak, bye.."


Pumasok na ako kaagad sa kotse nila Patrick.
Walang imik, hindi ko lang siya pinansin. Kasi mas
lalo lang akong naguguluhan... Gusto kong hindi
makita mukha niya... Nalilito ako... 
Ang tahimik dito sa kotse... Nakakabingi na.. Hindi
rin siya kumikibo, kaya hindi din ako nagsasalita...


Patrick: "Ahmmm.... Kath?..." 

Driver: "Sir... Maam andito na po tayo..." 

Kath: "Salamat po... Salamat din." -sabay fake smile kay Patrick.

Patrick: "Ahmmm. Teka lang Kath...!" 


Napatingin na man ako sa kanya. Pero hindi na niya
natuloy ang gusto niyang sabihin kasi, lumapit na sa
kanya si Hannah... Binigyan ko na lang siya ng Okay-
lang-mauna-na-ako look... at sakto namang
dumating din si Albie. Hinatid niya ako sa classroom
at pumunta na rin siya sa room nila.


Neil: "Good morning!"

Kath: "Good morning!" -fake smile. 

Julia: "Bes, okay ka lang. pede mo kong pag sabihan
ng feelings mo..." 

Kath: "Okay lang ako bes, stress lang siguro..."


.Julia: "Naku, bes, lihiman mo na ang lahat wag lang
ako... Kilalang kilala na kita bes... Sabihin mo sa akin
mamaya, may sasabihin din ako sayo."

Hindi na lang ako kumibo. At dumating na rin ang
teacher namin. Kaya nag start na ang boring na
klase... LUNCH! Nasa garden kami ngayon ni Julia. Humiwalay lang
kami saglit sa barkada. 


Julia: "Bes... so, ano na?" 

Kath: "Bes... Kasi... Ano..." 

Julia: "Dali na... " Kath: "Parang ano kasi...
Parang... may feelings na ako kay Patrick..."

Julia: "Talaga??!!! )" 

Kath: "Pero hindi pa ako sure... Hindi ko pa alam
kung ano ba talaga siya sa buhay ko ngayon..." 

Julia: "Naku, bes, makakarelate talaga ako sa yo
niyan..." Kath: "Bakit bes, may Patrick ka ba din." 

Julia: "Eh... Si Diego, yung pinsan ni Patrick... Feeling
ko may gusto ako sa kanya... Napapadalas na rin ang
pagtetext niya sa akin... kaya mukang mahuhulog na
ako sa kanya..." 


[A/N: Kung nagtataka kayo, kung hindi napapasali si
Diego sa story... kase 4th year na siya... at sila 3rd
year pa lang at naka focus ako sa KATHNIEL, kakilig
kasi.. hehehhehe..]

Kath: "Buti pa yun sa yo bes, mukang may
dereksyon... Eh.. etong akin, mukang wala talaga..."

Julia: "Bakit bes, ... kasi ang dami mong kaagaw...
eh... Hindi ka nga sumuko dun kay Daniel Padilla...
Kay Patrick Rivero pa kaya... "

Kath: "Eh.. magkaiba yun eh... Celebrity crush ko
yun, natural madaming kaagaw... Eh yung unggoy na
yun real life crush ko... Oo bes, crush ko na talaga
siya..." Julia: "Ayyyiiiieeee...!"

Kath: "pero bes... BTW... Si DANIEL PADILLA. NEXT
NEXT week na ang mall show niya dito...!!!! ^__^" 

Julia: "Iba ka rin no? Pag dating kay Daniel, nag iiba
ang mood mo..! Pero excited na rin ako bes!!! Sa
wakas makikita na rin natin siya!!! Sa personal!!!"

Kath: "Oo nga bes! Pero mukang hindi talaga tayo
makakakuha ng VIP... sa kadami dami ba namang
gusto siya mahawakan... Panigurado ubos na yung
ticket nun." 

Julia: "Anoka ba bes... Makakakuha tayo niyan! Oh~
Dali na punta na tayo dun sa classroom natin..." 

Kath: "Mauna kana bes, punta muna ako sa locker
ko..." 

Julia: "O sige..Excited na ako!!! Haahahhahahaha" 




Sa locker room.


Kath: "Wow~ ang dami na mang flowers! Para sa
akin ba to...? Lahat??"


Tiningnan ko isa-isa yung flowers, at para sa akin
nga lahat... May mga letters pa... Galing sa mga
secret admirers ko daw... )

Nakangiti ako ng wagas, nang nakita kong ang
daming naghahabol na girls kay Patrick... Kita ko na
mang mukang ginaganahan siya... Todo ngiti eh...
Buti na lang nakita ako ni Albie... Hero ko talaga to...
Nakita kong nakita kami ni Patrick, magkasama... At
sumunod pa siya sa amin...

Papasok na sana ako nung hinalikan ako ni Albie sa noo.


ALbie: "Kaya mo yan, wag kang papadala sa selos
^___^"

Kath: "Hahahahah... Hindi nga sabi eh.! Kulit lang
no?" Nakita kong napatigil saglit si Patrick sa paglalakad
ng nakita niya kami ni ALbie kaya, pumasok na ako
kaagad sa room at uupo na sana... Nang biglang
hinawakan ni Patrick yung braso ko. Kath: "Ano?" 

Patrick: "Nanliligaw ba sayo yun?" 

Kath: "...." Patrick: "Tsss... Gawa na lang tayo ng SIP sa bahay
ninyo sa bahay, hindi natin yun nagawa kahapon..."

Kath: "Kasi nagpaulan ka... O sige... Dalhin mo lahat
ng gamit at mga infos about dun..."

Patrick: "Okay ^_^" Natapos na ang klase.



At umuwi ako agad. Kasi alam
kong ihahatid ako ni Patrick, papuntang bahay... Eh
hindi pa ako handang kausapin siya...






.Sa bahay.


Nagluto muna ako. At gumawa ng draft para sa SIP
na min. Nang bumukas ang pintuan.


Kath: "Hindi ka ba marunong mag 'tao po?' "

Patrick: "Pasensya na... Wala ba si Tita?" 

Kath: "Wala." Tahimik na naman agad.

Patrick: "Bakit hindi mo ko hinintay kanina, sana
nahatid kita dito---" Kath: "Ayoko." 

Patrick: "Kath naman..." puppy eyes 

Kath: "Patrick, tapusin mo na nga lan tong draft na
ginawa ko para sa SIP, nahihirapan na din ako eh..." 


Hindi ko talaga kinaya, kaya iniba ko na lang yung
topic. At kinuha ko ang laptop ko at nilapag sa
center table. Nakatalikod ako kay Patrick, medyo
malayo rin ako sa kanya, nakaupo ako sa isang
upuan na walang likuran... Tahimik masyado nang...

Naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa
likod. Dahan-dahan niyang hinawakan ang bewang ko
hanggang sa nakayakap na talaga siya sa akin.
Hindi naman ako makakilos... 


Patrick: "Ang ganda pala ng hugis na katawan mo."

smile, yung smile na hindi mo masyadong makikita
sa kanya, yung pinaka guto kong smile niya, yung
smile na nakikita ang ngipin niya...

Yung ulo niya nasa balikat ko. Magkalapit na
magkalapit na ang mga mukha namin. Tinitigan niya
ako. Tinitigan ko lang din siya. Ewan parang hindi
ako makagalaw. Kath: "Manyak!"


Napatawa lang siya. At bumalik sa dating seryosong
mukha. Nang sinabi niyang... 


Patrick: "Miss... Galit ka ba? Sorry na... I love you."

Kath: "Baliw!" 

Patrick: "Kath... Sorry na... Alam mo na man hindi
kita matiis... Hindi ko kayang hindi mo ko
pinapansin, at nagagalit ka pa sa akin..." 
tinititigan niya naman ako ulit. Sabay baby face at puppy eyes.
Hindi ako makapagsalita. Tinitigan ko lang din siya.

Kath: "Kumain na nga lang tayo... Gutom lang yan
Patrick." At bumitaw na ako sa yakap niya.
Ngayon ko lang naramdaman ang ganoong feeling.
Para akong lumilitaw. Hindi ko alam... Pero kinikilig
ata ako.. :") 

Patrick: "Kath... Patawarin mo na ako..." 

Kath: "Haahahhahaha... Natatawa na talaga ako sa
yo... Corny mo!" 

Patrick: "Ibig sabihin ba niyan pinapatawad mo na
ako..." 

Kath: "Oo na nga, kulit mo... May payakap-yakap ka
pang nalalaman diyan..." 

Patrick: "Kinilig ka na man!" 

Kath: "Hindi ko kayang hindi mo ko pinapansin...
Hahahahha.. Corny talaga!" 

Patrick: "Pinatawad mo naman ako..." 

Kath: "Kain mo na nga lang yan.. Hahahahha..
Natatawa lang ako sayo eh..." 

Patrick: "Kath...Alam mo ba kung anong pangarap
ko?" Kath: "Hhahahhaha... Hindi ko alam." 

Patrick: "Isang lang naman ang pangrap ko... Ang
maging pangarap mo..."

Kath: "Naku! Ha! Patrick... Tigil tigil mo na nga
ako..." Tapos na kaming kumain. At late na rin...

Kath: "Hindi ka pa ba uuwi Patrick?"

Patrick: "Bakit? Gusto mo na akong pauwiin?
Susunduin naman ako." 

Kath: "ah.. oo. Hhaahhaha. Hindi naman sa ganun,
pero late na kasi.. Baka hinahanap kana sa inyo..." 


Beeep! Beeep! 


Patrick: "Ang lakas mo talaga kay Bro eh no?"

Kath: "Hahhaahahhaha. Naman! Mabait ata to!" 

Patrick: "Talaga lang ha?!"



.Kath: "O sige na... " 




Sa gate.



Patrick: "Bye... Kath... Ahmmm. Hindi pala kita
masusundo bukas... Kasi mag aabsent kasi si
manong..." 

Kath: "Okay lang, mag jejeep na lang ako.. Sige
bye." Nung nakaalis na ang kotse nila... Talon lang ako ng
talon, ewan hindi ko lang alam...! Hahahhaah! Ang
saya! 




PATRICK'S POV 

Yes! Pinatawad na ako ni Kath! Ang saya-saya ko
talaga ngayon! Ang ganda pala ng hugis ng katawan
niya... At ang mga mata niya kanina... Nung
tinititigan ko siya... Ang ganda niya talaga, lalo
siyang nagiging maganda pagmalapitan... Napaka
kissable ng lips niya... Pero two months na lang...
Babalik na rin ako sa
showbiz.... ( Pero sa ngayon magpakasaya muna
ako. at sisiguraduhin kong bago ako bumalik sa busy
life ko, mahal na ako ni Kath...

May supresa pala ako sa kanya bukas. Sigurado
akong matutuwa yun sa ibibigay ko... !

boyfriend kita :* (chapter 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon