Kath's POV
Tatlong linggo na ring nanliligaw si DJ... Tatlong linggong hatid sundo... Paano niya yun nagagawa, artista siya, tapos nakakapagtiis siya ng ganito katagal. Alam kong maraming projects ang naghahabol sa kanya, crush ng bayan kaya siya! Mahal ko naman siya... Kaso hindi din naman niya ako tinanong kung sasagutin ko na ba siya, so I guess gusto niya pang manligaw...
Teka nga... Umaga na naman eh! May pasok ulit
"Anak! Gising na!" Sigaw ni Mama.
"Opo ma! Maliligo na po!"Sagot ko...
Eh? Walang text galing sa kanya? (( Baka na busy lang... Mamaya din susunduin na man niya ako...
"Anak, kung ulam yang cellphone mo, kanina pa ubos..."sabi ni mama.
"Ma naman..." Sagot ko..
"Eh kasi kanina ka pa hindi mapakali diyan, mas marami pang tingin sa cellphone na yan kesa sa pagsubo mo..." Paliwanag ni mama.
"Eeee kasi may hinhintay lang akong text..."
"Alam ko... Siya ang hinhintay mo... Kaya umayos ka diyan! Etetext ka din nun! Sige na..."
"Oo na po... Kilalang kilala mo talaga ako mama.. Wala talaga akong maiilihim sa inyo..."Sabay hug ko kay mama.
"Wag ka talagang maglilihim sa akin, magtatampo talaga ako..." Sagot niya at hinug
"Siyempre naman po... Ahmmm Ma?" Kinakabahan ako, hanggang ngayon kasi hindi ko pa nasasabi kay mama na artista si Daniel este si Patrick, at siya at si Daniel Padilla ay iisa.
"Ano yung anak?"
"Ahmmm... Si Daniel Padilla po at si Patrick Rivero ay iisa..." Tulo tuloy kong sabi... Kinakabahan kasi ako...
"Ahhhh... Si Daniel Padilla yung celebrity crush mo? Edi mas mabuti..." O_O
"Ma?!! Yun lang yung reaksyon mo??"Napahiwalay ako sa yakap ni mama dahil sa reaksyon...
"Eh ano gusto mong reaksyon ko??" Taas kilay ni mama.
"Wala... Ma... Tatlong linggo ng nanliligaw si Daniel sa akin..." sereseretso kong sabi kay mama.
"What??! Nanliligaw siya sayo???!"sigaw ni mama
"Opo. Opo." sagot ko naman, kinakabahan ako baka sabihin ni mama yan lang ang inaatupag ko sa skwela... Hindi naman eh! Sa katunayan inpirasyon ko yun..."My God! So tama ang hula ko! Na fake relationship lang yung sa inyo ni Patrick!"Huwooooow!
"Ma?! Paano niyo nalaman???"
"Anak mama mo ako, wala kang maiilihim sa akin... Halatang halata sa kilos niyo ni Patrick... Nagiilang kayo sa isa't isa..."Ang galing ni mama!
"Ahhmmm.. Hehehehe!"
![](https://img.wattpad.com/cover/4892794-288-k89b174.jpg)