first date part3

53 0 0
                                    

"Bes! Kiray! Mauna na ako!!" Sigaw ko habang tumtakbo.

"Bes! Teka! Saasadnjdnsjfndsnmf"Hindi ko na naintindihan sinabi ni Julia.. Kasi ang bilis kong tumakbo...

Ansakit na ng paa koooo... Ikaw ba naman tumakbo sa buong mall ng nakaheels... Pinasuot kasi nila Kiray sa akin yung mga pinamili namin... Tuloy, ito... Nakakapagod...

------------------

CONDO.

Alam kong andito si Daniel. Dito naman yun umuuwi... Buti na lang binigyan niya ako ng susi dito sa condo niya. Ugh. Nahihiya akong pumasok... Panigurado nagtatampo yun sa akin...

Pagbukas ko ng pinto... Hindi man lang naka-lock... Ang tahimik ng condo niya...

Nakita ko siya nakaupo sa couch tapos hawak hawak phone niya... Teka lang... Eh hindi to maknotak kanina ah...

Hindi niya parin namalayang may pumasok sa condo niya... Parang ang lalim ng iniisip... Tapos bumuntong hininga...

"Daniel..." Sabi ko.

Napatingin naman siya sa akin... Ang lungkot ng mga mata niya...

"Ahmmm.. Daniel pasensya na nakali------"Hindi ko natuloy yung sasabihin ko. Kasi bigla siyang tumayo at naglakad papuntang kusina...

Kumuha siya ng maiinom...

Hindi ko alam pero parang may tumulak sa akin...

Tapos niyakap ko siya mula sa likod... Naramdaman kong natigilan siya sa ginagawa niya.

"BABY... Huwag ka ng magtampo... Alam kong mabigat ang loob mo sa akin ngayon, kasi hindi ko natupad yung promise ko... Matagal ko na kasing hindi nakakasama sila Julia at Kiray... Nadala lang ako... Wag ka ng magtapo... Hindi na mauulit..." Tapos binitawan ko ang pagkakayakap ko sa kanya...

Pinagpatuloy niya lang ang pag lagay ng juice sa baso niya... Parang wala lang para sa kanya... Nasaktan ko talaga siya... Napabuntong hininga na lang ako... Tapos tumalikod na... Aalis na lang siguro ako...

DANIEL'S POV

Niyakap ako ng babaeng pinakamamahal ko... Alam kong nagtatampo ako sa kanya kasi nakalimutan niya...

Napabuntong hininga siya... At naglakad papalayo...

"Nakalimutan mo na nga ako... Iiwan mo pa ako..." bulong ko sa kanya...

Niyakap ko siya mula sa likod... Hindi ko talaga matiis tong babaeng to... Nyeta. Ang baduy!

"Akala ko -----" Sabi niya. tapos hinawakan niya ang dalawang kamay kong nakapalibut sa waist niya...

"Ano nga ulit yung tinawag mo sa akin kanina?"Sabay smirk ko...

Bumitaw naman siya sa yakap ko at humarap sa akin...

"Aaahhhhhh...Hehehehe... Eh soryy talaga kanina..." Nahihiya niyang sagot.. Tapos tumungo... Ang cute...

Tapos niyakap ko siya ng mahigpit...  Tapos niyakap niya naman ako pabalik...

"Kaya hindi kita matiis eh... Mahal kita..."Bulong ko sa kanya... Hindi lang siya sumagot.

"May dala ka?" Tanong ko sa kanya...

"Ahhh.. Ehh... Para sayo..." Sagot niya...

"Halika... Tutal gutom narin ako... Kainin na natin yan!"Sabi ko tapos hinila ko siya papuntang couch.

"Aaaray naman! Dahan dahan naman Dj! Ang sakit na ng paa ko!" Reklamo niya... Eh? Tinawag niya akong Dj... First time yun ah!

"Ano nga ulit yung tinawag mo sa akin??" Tanong ko.

"D- Dj..."Nauutal niyang sabi..

"At kelan at saan mo naman nalaman yan??" Tanong ko na naman...

boyfriend kita :* (chapter 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon