Kath's POV
"Eeeeeeee... Naman eh! Nakakahiya na nga, pinagtatawanan niyo pa ako! Hmmp! Para namang hindi din nakakatawa yung mga mukha ninyo nung na follow ako ni Daniel... Tsss..." Sigaw ko sa kanila.
"Hahahahaha! Alam mo kath... Ikain na lang natin to... Para naman makalimutan mo na yung mga kahihiyan na ginawa natin noon..." Sagot ni Ej.
"Oo nga! Gutom na rin ako eh... Pero hindi ko talaga makalimutan ang nangyari kay Kath... Hahahaha!" Sigaw naman nitong Neil, na akala mo hindi kasali sa mga nangyari sa akin...
"Tama na nga yan! Kasing kulay na ng kamatis si Kath eh... Hahahaha! "Daniel
"Mall na lang tayo!" Sabat ni Kath.
"Oo nga! Namiss ko na kayong kasama sa isang mall..." Bes. Oo nga! Matagal-tagal naring hindi ko nakasama ang buong barkada sa iisang mall...
"Tara na!" Sigaw ni Kiray! Ang ingay talaga ng barkada kahit kelan! Kaya mahal ko tong mga to eh! Nakakagaan ng loob. -_______-" Eh? Nakakagaan? Pinagtatawanan nga ako ng mga to! Mga loko-loko talaga!
---------------
MALL.
"So saan tayo? ^____^v" Tanong ni Julia, at kinalabit kaming dalawa ni Kiray.
"Shopping!" Sabay naming sigaw ni Kiray. Hahahaha!Yan naman talaga ginagawa namin tatlo pag kami ang magkasama... Namiss ko talaga tong mga to!
"Eherm."Tatakbo na sana kaming tatlo, eh kaso may asungot pang nakisingit... Daniel.
"Andito pa po kami..." Sabi ni Neil. -_____- Ano naman kung andiyan pa sila... Gumala kaya silang tatlo para walang istorbo sa amin?!
"Eh? Sasama ba kayong mamili ng damit namin?" Kiray. Slow din to eh! Syempre hindi noh! Ano naman ang gagawin ng mga yan sa pamimili ng mga damit natin?? -____-
"Hindi noh! Kakain pa kaya tayo! Tsss."Masungit na sagot ni Daniel. Aiee! Napikon? Tahahaha!
"Pikon?!! Hindi lang naalala ni Kath, pikon na agad?! Hahahahha! Kath... Samahan mo na lang ang isa diyan, baka magtampo eh... Sa amin pa magalit... Hahahaha!" Panunuksong sagot ni Julia...
Ano?!! Sasamahan ko siya? Eh ang tagal natin hindi nagkasama sa iisang mall tapos siya din pala ang kasama ko? Isa pa, ano naman ang gagawin namin dito sa mall??
"Huh? Ano?! Ang tagal natin hindi nagshopping na magkasama... Tapos ganun lang ang mangyayari... Sabay nalang tayong kumain, pagkatapos... Mahihiwalay tayo, kami n mga girls mamimili ng mga damit, at kayo naman bahala na kayo sa buhay niyo!" Sabi ko!
"Sige na! Kain na tayo! Gutom na ako eh! Dali na!" SAbi ni Neil.
"Tsss." Sabi ni Daniel. Halatang hindi siya ginanahan sa plano ko... Bahala siya! Basta matagal kong hindi nakasama tong sila bes at Kiray... Kaya mas pipiliin kong maksama tong mga to ngayon kesa sa kanya...
"Burger lang akin..." Daniel. Eh? Napatingin kaming lahat sa kanya... Kadalasan kasi andami niyang order, kahit payat yan... Ang lakas niyang kumain... Seriously, ano bang problema nito ngayon??
"Sure ka pare?" Tanong ni Neil sa kanya.
Tiningnan niya ako. Seryosong tingin. Wala man lang sagot, umalis na lang siya bigla tapos umupo sa table namin... ?___?
"Anong nangyari dun bes?" Tanong ni Julia, ngumuso pa.
