i love you too part1

55 0 0
                                    

Kath's POV

Hindi ko alam kung bakit ako umiyak... Hindi ko alam kung bakit ako lumayo... Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako... Hindi ko matanggap na siya at siya ay iisa... Naguguluhan parin ako...

Posible pala na ang crush ng bayan... At ang taong MAHAL KO at MAHAL AKO ay iisa? NAGING boyfriend ko siya?! O baka pati yun guni-guni lang?

Hindi ko parin halos matanggap, pero ba't ako umiiyak? Dapat kiligin pa ako diba? Pero to the point na niloko niya lang pala ako... Dun ako nasaktan... Dun ako nanghina...

Minahal ko siya sa ibang pagkatao... Paano ako makaka-adjust kung yung pagkataong yun ay gawa-gawa lang? Lahat ng minahal ko sa kanya ay hindi totoo?

Pati ba yung sabi niyang MAHAL NIYA AKO ay joke lang?Gawa-gawa lang?

Hindi niya daw sinabi ang katotohan kasi ayaw niyang mawala ako? Nakaya niyang wag sabihin sa akin, sa amin, nang ganun katagal...Hindi niyo ako masisisi kung magtampo man ako o masaktan... Yun na ang katotohanan... yun ang dapat kong paniwalaan...

Kung siya at siya ay iisa... Wala na akong magagawa... Ano pa ba? edi tanggapin ang katotohanan...

Kung hindi siya nagpanggap nang ganun katagal... Sana hindi ko siya nakilala... Hindi ko siya nakasama... Wala lahat ang andito ngayon... Nalilito man ako kung anong dapat kong gawin... Isa lang ang alam ko...

HINDI AKO GALIT at HINDI NAGBAGO ANG NARARAMDAMAN KO PARA SA KANYA...

After all... Siya pa din ang taong minahal at mahal ko...

E siya, mahal niya ba ako? O pati yun lahat ay wala lang... Gigising na naman ako, na wala na siya... Na hanggang poster ko lang siya? 

DANIEL'S POV

Hindi ako umuwi sa bahay... Stress na naman dun... Madaming tapings... Andito ako ngayon, nagmumukmok... Iniisip ang babaeng mahal ko... Paano kung mawala siya, kakayanin ko ba? 

Wala namang mangyayari kung magmukmok lang ako dito... Tatawagan ko na lang siya...

Ang tagal niya makasagot... Siyempre... Mabigat ang loob nun... Nagiisip pa yun kung sasagutin niya...

Call Ended.

Try again.

Call ended.

Try again.

Call ended.

Hindi niya talaga sinasagot ang mga tawag ko... Nagaalala na ako...

Try again.

Then...

Daniel: "Hello Kath?"

Hindi siya umimik...

Patrick: "Kath? Alam kong mabigat ang loob mo sa akin... Pero Kath please... Intindihin mo ako... Ginawa ko lang yun dahil mahal kita..."

Kath: "D-Da- Daniel..."

Huminto sandali ang pagtibok ng puso ko... Tinawag niya ako sa totoo kong pangalan...

Daniel: "Kath... Patawarin mo ko..."

Kath: "D- Daniel... Maginaw..."

Patrick: "Huh? Kath?"

Kath: "Maginaw..."

Call ended.

Anong nangyari kay Kath? Baka kung napaano na siya! Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa kanya...

Aissssh! Kath ano bang ginawa mo?

Nagmadali akong pumunta sa bahay nila...

Daniel: "Kath??!"

Daniel: "Kath?"

Nakapasok ako agad sa bahay nila... Wala yung mama niya, tapos bukas pa ang pintuan... Kinakabahan na ako...

boyfriend kita :* (chapter 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon