Ang tagal pa bago sumagot.
'Hello? Baby.' -ako. Salamat naman sumagot
'Huy! Mr. Rivero! Papatayin mo ba ako sa pag-aalala??!! Alam mo bang andito ako ngayon sa condo mo??!! Bakit wala ka dito?! Saan ka?!! Bakit ka absent?!! Huh?!! Sagutin mo ko!!"
'Nasa condo ka??! 2:30 am na ah!"
'Asan ka ba kasi??!"-kath'Papunta na diyan! Hintayin mo ko diyan!'
Ano bang gingawa ni Kath sa condo? Alam ko, hindi nagpupuyat si Kath... 2:30 na! Kath naman... Nag-aalala talaga yun sa akin panigurado... Hindi ko lang man kasi siya natawagan... Ni reply wala akong nagawa... Busy talaga eh... Halos hindi na nga ako makakain...
Nasa condo na ako.
Pagbukas ko.
Wala man lang sumalubong sa akin... Asan na ba yung babaeng yun?
Ayun nasa couch, tulog.
Patrick: "Baby... Bakit ka ba nagpagod... Hinintay mo ba ako dito? Pasensya ka na ah... Hindi ko masabi-sabi yung lihim ko. Natatakot ako, baka magiba pagtingin mo sa akin... Ginagawa ko lang naman to dahil mahal kita... Sana hindi mo ko layuan pag nalaman mo yung totoo... Mahal lang kita baby... Kaya ginagawa ko to..."
Kinausap ko siya habang tulog. Hinimas-himas ko yung buhok niya. Alam kong pagod to... Hawak hawak niya pa cellphone niya... Napatingin tuloy ako...
Awwwwwww... Wallpaper niya yung kaming dalawa...
Patrick: "I love you." -hinalikan ko siya sa noo.
Gumalaw. Nagising ko ata. Humanda!
Kath: "Patrick???"
Patrick: "Good morning baby..."
Kath: "Anong good morning! Hindi mo ko tinawagan ng tatlong araw tapos good morning ang sasabihin mo??!! Asan ka ba kasi??!!! Bakit ka nag absent?!! Mapapatay mo ko sa kaalala sayo! Hindi mo ba alam na ngayon lang ako nagpuyat ng ganito??!! Hindi mo pa sinasabi yung---"
Patrick: "Namiss kita Kath..." -At niyakap ko siya... Nang mahigpit.
Ang tagal bago niya ako niyakap pabalik... Alam kong nag-alala siya sa akin. ang masakit, hindi ko masabi yung totoo...
Kath: "Asan ka ba nanggaling? Ba't tatlong araw kang hindi nagparamdam?"
Patrick: "Hindi ko pa masasabi sa yo.."
Kath: "Anong hindi??!" humiwalay na siya sa yakap ko.
Patrick: "Basta..."
Kathryn: "Ba't ba palaging hindi mo dapat sabihin sa akin??!!"
Patrick: "Kasi hindi pa ako handa..."
Kathryn: "Handang ano??!"
Patrick: "Ano...Ano kase... Kasi... Ahhh.. Eh..."
Kathryn: "Ano ba talaga??!"
Patrick: "Kasi nga hindi ko kayang mawala ka!"-sumigaw na ako.
Kath: "Anong mawawala? Ba't naman ako mawawala... Naguguluhan na ako..." -mahinang sabi niya.
Patrick: "Pasensya na baby... Pero hindi ko pa masasabi, siguro sa tamang panahon kung kelan handa na ako..."
Kath: "Kung kelan man yang tamang panahon... Hindi ko alam kung kakayanin ko... Pero maghihintay ako..." -mahinang sabi niya at natumba siya...
Pero nasalo ko. Nahimatay siya.
Patrick: "Baby... Baby..." -tinapik tapik ko yung pisngi niya pero nahimatay talaga...
Dinala ko siya sa hospital. Tinawagan ko yung mommy niya, kaya ayun, buti hindi ako napagalitan... Kasalan ko naman talaga... Andun din ang barkada... Hindi ako nakalusot... Ayun napagsabihan ako...
Ang sakit na sa pagmulat niya wala ako... Kasi andito na naman ako... Nagtatrabaho...
