making a mango float for SIP part4

59 0 0
                                    

Patrick: "Oh~ Saan mo ilalagay yang hindi pa tapos na mango float???"

Walang imik.

Patrick: "Tapusin na natin yan... Sayang eh~"

Walang imik.

>Patrick: "Tingin ko kulang pa tong kondensada... Naubos mo kasi sa kakapahid sa akin..."

Walang imik.

Patrick: "Kath... Baby... Galit ka ba?"

Walang imik.

Patrick: "Huy! Nilalambing lang naman kita... Wag ka ng magalit..." niyakap niya ako mula sa likod.

Kath: "Hindi tayo bati Patrick."

Patrick: "Kath naman... May sakit pa tong tao eh... Ganyan ka pa sa kanya..."

Kath: "Wag mo akong daanin sa mga ganyan mo Patrick..."

Patrick: "Kath... naman eeeee... Wag kanang pikon..."

Kath: "Kumain ka na lang muna diyan... Magpupunas lang ako sa taas..."

Patrick: "Ayoko."

Kath: "Bahala ka!"

Humiwalay na ako sa yakap niya, at nagmadaling umakyat sa taas.

Nagpunas na ako. At bumaba na naman...

Kath: "Oh~ Anong ginagawa mo diyan??"

Patrick: "Tinatapos ko tong mango float... Sayang naman yung pinagpaguran ng girlfriend ko kung masasayang lang to..."

Kinikilig ako. Pero nakasimangot pa rin... Gulo!

Kath: "Ako na nga diyan! Mamaya hindi ka pa marunong... Kumain ka na lang dun... At pagkatapos Tatapusin natin yung SIP..."

Patrick: "Sabi mo eh..."

Kumain na siya habang ako tinatapos tong mango float... Pero malapit na naman..

At natapos ko rin... Pagtingin ko sa kanya... Nakakatitig lang siya sa akin.

Kath: "Oh~ Anong tinitingnan mo diyan?? Dalian mo ang pagkain... Gagawa pa tayo ng SIP..."

Hindi lang siya umimik... Nakakatitig pa rin siya sa akin...

Nilagay ko na yung mango float sa freezer at pinalakasan medyo yun refrigerator.

Pagtingin ko uli sa kanya... Walang nagbago sa posisyon niya... Walang imik. Nakakatitig lang sa akin...

Kath: "Mag search ka na lang dunPatrick... Kakain muna ako..."

Hindi parin siya umimik... At sinundan pa ako ng titig hanggang sa makaupo na ako sa mesa... Magkaharap kami, nakakatitig pa rin siya sa akin... ang awkward nga eh...  Kakain na lang ako...

Patrick: "Kath... Baby... Sorry na... Wag ka nang pikon... Alam mo namang hindi ko kayang galit ka sa akin eh... Bati na tayo..."

Hinawakan niya yung kamay ko nang abutin ko yung ulam... Napatingin lang ako sa kanya, habang siya nagsasalita at nagsosorry... Hinigpitan niya pa lalo yung pagkakahawak niya sa kamay ko nung tapos na siya magsalita... Tiningnan ko lang siya... Ang tagal kong makasagot...

Kath: "Oo na... Bati na tayo..."

Patrick: "Talaga???"

Kath: "Oo nga... Wag mo kasi akong pinkunin... Alam mo namang----"

Patrick: "Oo... Hindi na mauulit... Baby..."-niyakap niya ako nang mahigpit..

Kath: "Patrick... Hindi ako makahinga..."

Kath: "Patrick??!! Ang init mo???!!!!"

>Patrick: "Hindi okay lang ako..."

Kath: "Anong okay? Ang init mo... Bakit hindi mo sinabi sa akin??!!"

Patrick: "Okay lang talaga ako... I-uwi mo na lang ako... Para hindi ka na mag-aalaga sa akin..."

Kath: "Hindi pwede! Dito ka matutulog ngayon... Papadalhan ka na lang ni manong ng susuotin mo pati uniform mo... Kung sakaling makakapasok ka bukas..."

boyfriend kita :* (chapter 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon