Napalingon ako sa kanila at nagwave ng hand. Pag harap ko ulit...
Wala na siya.
Kath's POV
Hindi ko alam ba't napatakbo ako... Hindi ko alam saan ako pupunta...
Ano daw? Si Daniel Padilla at si Patrick Rivero ay... IISA?!
Napaisip ako kung posible?
Nawawala pabigla-bigla si Patrick, at pasulpot-sulpot namang bumabalik... Hindi pa namin nakita mga magulang niya... Nung pumunta kami ng mall... Tinanggal ko yung glasses niya... Hindi ako mapakali... Kasi kamukha niya talaga si Daniel Padilla... Yung sinundo siya... Nakita ko naman talaga yung katabi niya sa kotse nila, pero sabi ko... IMPOSIBLE namang mama niya yun... Baka namalik mata lang ako... Tapos ngayon... During na nilapitan niya ako... May marka ng pasa pa siya...
Hindi ko namalayang tumulo na ang aking luha...
Napahagulhol na ako... At napasigaw...
"SINO KA BA TALAGA??!"
Patrick's POV
Andito ako ngayon sa harap ng bahay nila Kath... Naghihintay sa kanya... Mga tatlong oras na matapos ang mall show pero wala parin siya... Kinakabahan na ako... Baka...
Nakita ko na siya... Nilapitan ko kaagad...
Patrick: "Kath!"
Tumingin lang siya sa akin... At napahinto sa paglakad...
Patrick: "Saan ka ba galing? Nagaalala ako sayo..."
Nakita kong mugto ang mga mata niya...Pero... Pilit siyang ngumiti..
Kath: "Ba't ka nawala kanina? May binili ka no? At suot mo na ngayon yung polong bigay ko... May supresa ka no? Alam ko namang suot mo yang polo na yan... "
Patrick: "Kath..."
Kath: "Ba't ka ba nawala... Alam mo bang niyakap ako ni Daniel Padilla kanina!!!" sigaw niyang matamlay.
Akala ko ba nasabi ko yung totoo... Ba't parang...
Patrick: "Kath..."
Kath: "Asan ka ba kanina.?.. Hinintay kita ah~ Pero wala ka..."
Patrick: "Kat----"
Kath: "Alam mo bang ki---kilala ka ni Da--Daniel Pa---Padilla?"
Umiyak na siya...
Kath: "Alam mo bang magkapareho *sobs* pa kayo ng polo... akala ko nagiisa lang ang polo na yun... *sobs* Hindi pala... "
Eto yung ayaw kong mangyari... Ang umiyak ang taong mahal na mahal ko dahil sa akin... Ayoko siyang makitang nasasaktan sa harapan ko...
Niyakap ko siya ng mahigpit... Nararamdaman ko ang pagtibok ng kanyang puso..
Kath: "Hindi mo man lang *sobs* sinabing mag *sobs* kaibigan pala kayo..."
Patrick: "Ka----"
Kath: "Alam mo bang *humagulhol na siya* --- Ang galing niya palang magpatawa... Sinabi niyang ikaw daw at siya ay iisa... Haha *pilit na pagtawang umiiyak*..."
Patrick: "Kath hindi biro yung sinabi ko kanina..."
Kath: "Sabihin mo nga Patrick... *hagulhol* Sino ka ba talaga??"
Patrick: "Kath... Si Patrick Rivero at si Daniel Padilla ay iisa... Ako at si Daniel Padilla ay iisa..."
Humiwalay siya sa yakap ko...
Kath: "Isipin mo nga... Panong magiging posible yun... Ikaw at si daniel ay iisa?"
![](https://img.wattpad.com/cover/4892794-288-k89b174.jpg)