Nasa kotse na ga pala kami ngayon... Malapit na sa school.
Patrick: "Asa!"
Kath: "Weh? ... Mamatay man ako ngayon?"
Patrick: "Wag naman....! Papakasalan pa kita... Oo na... Dahil nga dun!"
Kath: "Dahil dun sa?" -pang asar ko.
Patrick: "Eeeeeee.. Dahil dun sa kiss mo kagabi..."-namumula niyang sabi.
Kath: "Ang cute mo lang talaga! Eeeeeeeee.. Kinikilig siya!"
Patrick: "Wag nga Kath... Baka maging kasing kulay na ako ng kamatis niyan eh... Pagdating sa school..."
Kath: "Hahahahha.. Cute mo kasi...! Ganyan pala kiligin ang isang Patrick Rivero... Ayiiiieeee...! Oh~ Andito na pala tayo..."
[FAST FORWARD]
LUNCH!
Andito ako ngayon sa CR... Nae-ihi ako eh... Andun ang barkada sa garden... Nagkukulitan...
Pumasok na ako sa cubicle. At naupo na. Nang may narining ako pumasok sa kabilang cubicle at...</p>
Binuhusan ako ng tubig! Kinulayan pa ang tubig ng pula. Duming-dumi na ang uniform ko.
Basang basa na ako. Pano ako lalabas ngayon.
Kath: "Sinong andiyan?"
Walang sumagot. Lumabas na lang ako ng cubicle. Pano na to... Wala pa naman ang cellphone ko dito, hindi ko matawagan ang barkada para tulungan ako.
Patay! Wala na akong choice, lumabas na ako ng CR.
Lahat ng tao nakatingin sa akin... Halatang tinatawanan ako. Malayo pa naman ang room ko dito... Uuggghhhh.. Sino naman ang gagawa sa akin nito. Wala naman akong kaaway...
Julia: "Bes!!!"
Kiray: "Anong nangyari sayo??!!! Basang basa ka???"
Patrick: "Kath??? Anong---"
Kath: "May nagbuhos sa akin nito... Hindi ko nakita ang mukha... Paglabas ko sa cubicle ng CR wala ng tao..."
Patrick: "Malalagot talaga ang gumawa nito sa yo... Pagbabayaran nila 'to!"
Hinila niya ako...
Nasa principal's office kami ngayon... Tamang tama naman wala ang principal... Ang assistant principal lang ang andito...
Nagpapaging siya...
Nakalimutan ko atang campus BAD BOY heartthrob tong lalaking to...
Patrick: "All students are required to go to the gym... Immediately!"
Kath: "Ano ka ba Patrick?!! Ano bang ginagawa mo???"
Patrick: "Hindi ako papayag na gaganyanin ka lang nila... Baby..."
Kath: "Okay lang naman eh... Wag na.. Nakakahiya."
[FAST FORWARD]
Patrick: "Umamin na kung sino man ang gumawa nito kay Kath!!!!!!!! "
Ang lakas ng boses niya... Naka mic pa siya!
Patrick: "Umamin na kayo kung sino kung hindi!!!!!!!!!!!!!!" -nasa stage siya habang sumisigaw.. Nakakabingi na nga.
Hannah: "Hi Darling... Hi Kath..."
Patrick: "Ikaw ba ang may gwa nito?!!!"
Hannah: "Ahhhh-- Darling..."
Patrick: "Ikaw ba ang gumawa nito sa kanya?!!!!!!"
Hannah: "Oo ako ang gumawa niyan sa kanya! Bakit ka ba nagagalit? Darling.."
Patrick: "Wala kang karapatan para gawin yan sa kanya!"
Hannah: "Bakit?!!! Bagay naman sa kanya... Hahahhahaha... I love you Darling... "
Patrick: "If you love me... Hindi mo sasaktan ang tanging babaeng minahal ko ng ganito!!!"
Nagulat ako sa sinabi niya..
