Mom of Kath: "Anak!! Gising na!"
Kath: "Mom! Wala po kaming klase ngayon..."
Mom of Kath: "May naghihintay sayo dito!"
Sino naman yung naghihintay sa akin? Wala namang klase... Wala rin kaming napagkasunduan ni Patrick na puntahan... Wala rin sa barkada... Sino kaya yun? At 6:30 pa ng umaga... Bababa na..
Kath: :"Ma--- Sino p--"
Barkada: "Good morning Kath!!!"
Kath: "Aray! aray! Ang sakit sa tenga... Ano bang ginagawa niyo dito??"
Kiray: "Naisipan kasi naming... Mag bonding tayo... Kaya ayun pinuntahan ka namin dito para sabihin sa yo.."
Neil: "At nakikain na rin kami.. Hehehe"
Kath: "Tsss... Eh.. Saan si Patrick?"
Ej: "Miss mo na agad?"
Kath: "Hindi. Wala kasi siya. Kaya natanong ko lang..."
Julia: "Eh.. Hindi namin alam kung saan ang bahay nila eh... Hindi rin sumsagot sa mga tawag namin..."
Kath: "O siya! Magaayos lang muna ako... At pupunta na tayo sa bahay ni Mr. Rivero."
Barkada: "Alam mo kung saan??!!"
Nag nod lang ako.
Barkada: " Ayyyyiiiiieeeee!"
Neil: "May nangyari na ba?"-binatukan ko nga eh.
Kath: "Sira! Natural alam ko yun kasi diba... Boyfriend ko siya..."
Kahit hindi totoo.
Kath: "Sige na... Maliligo na ako..."
SA LABAS NG CONDO.
Julia: "Dito siya nakatira bes?!!!"
Kath: "Oo."
Kiray: "Grabe! Ang yaman pala nila!"
Kumatok kami. Pero walang sumasagot eh. Kaya pumasok na kami sa condo unit niya. May susi naman ako.. Binigyan niya ako.
Kath: "Patrick??? Guys... Dito muna kayo ah.. Hanapin ko lang si Patrick."
Nasa kwarto ako ngayon ni Patrick... At andun nga siya! Tulog pa rin! Hindi pa talaga humihilom lahat ng sugat sa mukha niya... May mga pasa pa siya.
Kath: "Patrick... Baby... Good morning! Gising na..."
POKE.POKE.POKE
e naman ang taong to, kahit sa pagtulog naka glasses.
Ang gwapo niya, kahit natutulog.
Yung pisngi niya mamula-mula.
Yung ilong niya ang tangos.
Yung mga kilay niya...
At yung labi niya na pagdumadampi sa pisngi ko parang may kuryenteng dumadaloy...
Patrick: "Matutunaw na man ako niyan baby sa kakatitig mo..." -at dumilat yung mga mata niya sabay smirk.
Kath: "Ahhh... Eh... Ang tagal mo naman gumising!"
Patrick: "Good morning baby!"-at hinila niya ako.
At nakayakap na naman ako sa kanya. Yung dating posisyon ko, nangyayari na naman.