I love you too."
Siyempre sa isip ko lang sinabi yun... Hindi lang ako kumibo... Niyakap niya parin ako, pero ngayon mas mahigpit pa... Gumalaw ako, naiilang kasi ako...
"Kath... Patawarin mo na ako... Please? Kath.... Hindi ko naman intensyon na lokohin ka... Mahal lang talaga kita kaya nagawa ko yun... Sana patawarin mo ko... Please Kath? Please?" Grabe na ang mga ginawa niya para sa akin... Inalagaan niya ako... Tapos, parang sincere naman siya sa pagso-sorry..
"Nasaktan lang talaga ako sa ginawa mo Patr--- Da-- Patr-- Aisssshh! nalilito na ako!" Kaasar naman eh... Nakakalito na, ano bang itatawag ko sa kanya.
"Daniel..." </strong>sabi niya... So, siya na talaga to... Siya talaga si Daniel Padilla... Hanggang ngayon kase hindi parin ako makapaniwala...
Biglang tumunog cellphone niya... Eeeeee naman eh... Panira ng moment!
Lumayo muna siya sa akin... Pero rinig ko parin yung boses niya, hindi nga lang yung boses ng kausap niya...
[Hindi nga ako pede ngayon... May sakit ako...]
[Okay? May sakit ako... Ipa-cancel mo na lahat yan...]
[May mas mahalaga akong ginagawa ngayon... Mas importante to kesa sa lahat...]
Pagkarinig ko dun... Parang nahulog ang puso ko... Ginawa niya yun dahil lang sa akin? Ganun ako kaimportante para sa kanya? Hindi hamak na isang fan lang naman niya ako... Bakit ba siya ganito sa akin?
Humarap na siya sa akin... Tapos naglakad papalapit sa akin...
"Bakit mo ginawa yun?" Tanong ko kaagad sa kanya... Napakunot noo naman siya...
Ginawa ang alin?" sagot niya... Ang sikat niyang artista tapos ipapacancel niya lang lahat ng appointments niya para lang sa akin?
"Bakit mo pinacancel lahat yun? Hindi mo naman kailangang gawin yun..."
"Mahal kita." Sagot niya habang nakayuko... Nakatayo siya sa harapan ko...
Parang nahulog na naman yung puso ko nung narinig ko yun... Hindi ko kayang nakikita siya ganun dahil lang sa akin...
Tumayo ako.... Napatingin siya sa akin... Naglakad ako papalapit sa kanya... Tapos hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya... Napatingin din siya sa akin... Nagtitigan kami...
"Hindi mo naman kailangang gawin yun para lang sa akin..." Tapos nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko... As in, sobrang lapit...
"Hindi ka 'lang'sa buhay ko... Ikaw ang taong mahal na mahal ko..." tiningnan niya ang mga mata ako...
Nagtitigan lang kami ng ilang minuto... Tapos na gulat na lang ako nang tumingin siya sa labi ko... Naku po! Anong gagawin niya?!!
Naiilang na ako sa posisyon namin... Hinawakan niya labi ko... Tapos hinila niya ako ng mas papalapit pa sa kanya... Nagulat ako sa ginawa niya... Nakakailang na talaga... Pero hindi ko kayang kumawala... Ayokong kamawala, yan ang totoo...
"Salamat ha, sa pagaalaga... Kahit na tinataboy na kita... Andiyan ka parin para tulungan ako... Da- Daniel... Pinapatawad na kita..." tapos ngumiti siya...