Nagkibit balikat na lang ako. Tss.. Hindi ko nga rin alam kung anong nangyari dun. Ang ganda ng mood kanina, tapos ngayon...-________-
"Huy! Asungot! Yan lang ba talaga kakainin mo?"Sabi ko kay Daniel. Paupo na ako.
Death glare lang ang natanggap ko. -_______- KFINE.
"Hahahahaha!Kath!Nakakatawa talaga yun mukha mo nun!" hagakhak na naman ni Neil. Hindi matapos-tapos ang asaran sa akin. Ugh. Pulang pula na naman ako. o///////////o
"Bes! Dali na! Shopping na tayo! Nakakainis na tong si Neil! Pinagtitinginan na tayo dito!"Sabi ko kay Julia.
"Eto naman si Kath... Ang daling mamula... Hahahahaha!" Kiray. O de deatch glare ang natamo ng isa.
"Oo na nga shopping na nga tayo..." Sabay tayo nilang dalawa. At nauna pang lumabas sa akin.
"O sige na, mauna na kami, kita na lang uli tayo mamaya... text text lang huh?" Ako.
Lalakad na sana ako nang biglang hinawakan ni Daniel ang kamay ko nang sobrang higpit...
Binigyan ko lang siya ng Ano-Naman-Look. Tapos yung mukha niya seryoso lang... Tinitigan niya lang ako... Ang lungkot ng mga mata niya... Tapos bigla niya lang binitiwan ang kamay ko at kinain yung burger niya. Weird. -____-
---------------
Shopping. Shopping. Shopping.
Ang sarap talagang kasama ng dalawang to. Hahaha! 5 pm na pala! Halos magse-seven hours na kaming andito sa mall! Grabeh talaga tong mga to! Magpapaalam na din ako kay mama na matatagalan ang paguwi ko... Asan na kaya sila Neil... Ma text nga.
Eh?Nag text si Daniel.
From: Patrick
Nakalimutan mo na ako...
From: Patrick
Uuwi na ako. Hindi mo naman naalala...
Huh?
FLASHBACK
Nasa bahay si Daniel ngayon... Kasi pinapunta siya ni mama sa bahay kasi wala daw akong kasama... Kaya andito siya ngayon... Pauwi na rin siya...
"Ahmmm... Kath..." Daniel
"Hmmm??" Ako
"Mall naman tayo minsan!Miss na kita eh!" Daniel. Eh? O//////////////O Namumula na ata ako.
"Eh? Buong maghapon tayong magkasama! Miss mo na ako! Hahahaha!" Pangaasar ko."Naman Kath eh..." Nagpout siya. Ang cute niya. ^//////^
Totoo ba to? Si Daniel Padilla inaaya akong mag mall kasama siya??
"Eto naman hindi maasar... Siyempre naman pwede! Hahaha! Ang cute mo!" Poke. Poke. Sa pisngi ng taong nakapout ngayon sa harapan ko...
"Promise?!"Tuwang tuwa niyang tanong
"Oo nga kulit!" Sagot ko.
"Yesss!Hahaha! Sige alis na ako." Ang laki ng ngiti ah! Loko-loko talaga! Pinaandar na ng driver niya yung kotse nila.
Hahaha! Hanggang sa pagpasok sa kotse niya ang laki ng ngit... Ang saya lang?! Hahaha! Ako din.. ^____^v
"Monday ah! Wag mong kalimutan ang FIRST DATEnatiiiiiinnnnnnnnnn!"Sigaw niya at pinaharurot yung sasakyan niya, kahit hindi naman siya yung nagdadrive.
Okay, Mond--- Ano daw??!! first date??!!! Loko yun ah! Sabi niya malling lang... Anong date??! Alam niya bang hindi pa ako nakikipag date kahit kelan??!! Loko yun ah! Pero aminin mo Kath, kinikilig ka! Nooooo! Yesssss! KDOT.
END OF THE FLASHBACK
---------------
Ugh. Pano ko nakalimutan yun! Errrggghhhh! Naman Kath! Ano na bang gagawin ko... Hindi rin siya matawagan... Panigurado... Nagtatampo yun... Kath kasi eh...
