desisyon..argumento

3.7K 81 2
                                    







         "Mano po Nay..pwede ka po ba makausap?"pinasya ko bisitahin si Nanay
   


         "O anak,.kumain ka na ba..ano ba gusto mo pag usapan natin."?








        "Nay..gusto ko po sana bumalik sa serbisyo.hindi ako matahimik..gusto ko po mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni tatay.."




       "Anak..nawala na ang kapatid mo,,sumunod si tatay mo..di ko na kakayanin kung pati ikaw ay mapahamak..hindi kasagutan ang pagbalik mo sa serbisyo,may mga anak ka,,asawa.sa tingin mo ba anak magiging mabuti kang alagad ng batas kung paghihiganti ang nasa puso mo.?alam kong nasa isip mo.pero anak.marami ang masasaktan kung babalik ka sa serbisyo."





       "Hindi po ako makatulog sa gabi nay,boses ni tatay ang naririnig ko,humihingi ng tulong,nagmamakaawa..hindi ako matahimik na alam kong may magagawa naman po ako,,hindi ko maubos maisip  na nakakalaya ang kriminal na gumawa ng krimen kay tatay."





         "Anak..lahat tayo nasaktan..mas mapapanatag ako kung tutulong ka na lang magbigay ng impormasyon sa mga kasamahan mong pulis.Makipagtulungan ka sa mga kasamahan mo.magbigay ka ng impormasyon.ipinapayo ko yan sa iyo dahil alam kong iyan ang tama.At alam kong iyan din ang ipapayo sa iyo ni Tatay mo .."




            "Sige po nay..pag iisipan ko po ang payo mo..kakausapin ko po si Ninong Hepe..baka po mas malinawan ang isip ko."





           "Tama anak..malaking bagay ang makausap mo ninong mo..nga pala...sa isang linggo ay birthday na ni Horacio..nagkabati na ba kayong dalawa?





           "Di pa po nay...sa tagal po namin magka ibigan ngayon lang niya ko sinigawan.."





         "Paano naman anak ang tigas din ng ulo..sino bang magmamalasakit sa iyo kung di kaming mga mahal mo sa buhay..si partner mo...apektado din siya sa pagkawala ni Tatay mo.madalas naaabutan ko siya sa puntod ni tatay mo,alam mo naman malapit sa tatay mo yun at kulang na lang nga sa akin lumabas si Horacio,mula limang taon gulang ninyo magkasama na kayo.kaya pagpasensiyahan mo na ha..wag na ninyo patagalin ang di ninyo pagkakaunawaan,concern lang sa iyo si Horacio."





        "Uuwi na po ako..love u po nay...dont worry nay tatawagan ko si partner mamaya." sa pagyakap ko sa nanay ko...bigla kong naramdaman na tama ang payo niya..tama nga ang kasabihan...mother's knows best..hindi pa ako nakakalabas ng bahay alam ko nakapag desisyon na ako..sinulyapan ko ang litrato ni Tatay na naka uniporme..."permission to leave sir"miss ko na sabihin s yo yan Tay...











     ----------    





           "Cristina Tayson..anu ginagawa mo dito.."?



          "Horacio...dumaan lang ako kay Ninong Hepe..may sinabi ako.."kaswal kong sagot..naghihinanakit pa din ako sa mokong na ito sa pagsigaw niya sa akin..





        "Ahhh ganun ba..bati na tayo ha..sorry sa nangyari..nasigawan kita..tigas kasi ng ulo mo e..ayaw mo tumanggap ng payo.."




         "Ok lang.."sabay irap



        "Ung ok mo nagdaan sa ilong..nag sosorry na nga ako..gusto mo sumayaw pa ko kahit na naka uniform pa ako.."?




         "Hmmmmm..sige nga sumayaw ka..."?

       "Hahahahaha..wag na baka masira image ko...hamfogi ko pa naman..lika sa canteen..libre mo ko"





Pulis si MisisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon