PART 16
Kinabukasan....pinagplanuhan namin ni partner kung paano gagawin kay Edong,,,sa hapon kami lumalalabas na dalawa...nag jacket lang ako para hindi halata ng kasera namin ang get up ko,,sa isang public c.r lang ako nag ma make up..nakatambay na ko sa beauty parlor na usapan namin ni Edong,,si partner naman ay nasa di kalayuan...
Malapit na mag alas nueve..nakita ko na si Edong sakay ng trycycle niya na huminto sa tapat ko.
"Hi..beautipol....hahatid na ba kita sa langit...."? Tanung nito na halos lumuwa ang mata sa pagtingin sa katawan ko...
" mas pogi ka pala pag gabi lover boy..." sabi ko na sinabayan ko pa ng haplos sa pisngi niya,,,halos mandiri naman ako sa gaspang ng muka nito.
" San ba ang punta natin beautipol.."?
"Sa langit lover boy..."
"Ayos ah,,,,matagal ko na din di nagagamit si manoy,,,at tsampion pa ang ganda mo...kahit bayaran kita ok lang sa akin..."si Edong
"Masyado ka namang hot loverboy...darating tayo dyan wag ka mainip..." sinenyasan ko si partner na aalis na kami,sa tagal naming magka partner,,alam na namin ang sign languages namin...nakita ko na nagtapon na si partner ng sigarilyo...ibig sabihin..ok na..
Umangkas ako sa trycycle ni Edong,,,naka angkla pa ko sa bewang niya,,,yuck,,halos maduwal ako sa baho ng hininga niya...amoy araw pa....tiis lang,,malapit ka na namin mapakanta..
May nakausap na kami kapwa pulis sa Nasugbu Batangas..tinulungan pa kami na gamitin ang hide out ng mga kasamahan namin sa trabaho...inaanak ng Daddy ni partner ang pulis na tumulong sa amin,,
Nung makita ko na ang hide out,,,alam ko nandito na si partner at ang kinakapatid niya na si Luis..
"Pwede ba dito na lang tayo magpalipas ng gabi lover boy,,," sabi ko na nang aakit pa ang tingin,,pinapadaanan ko din ng daliri ko ang dibdib niya..
"Kahit sa eskinita nga pwede na,,," sabi naman nito na nagmamadaling pumasok sa bahay na di niya alam na hide out pala.
Pagbukas ko ng ilaw nakita ko na ang isang silya at nagkalat na lamesa...agad naman akong hinawakan sa bewang ni Edong,,halatang gigil na gigil...gumawa na ko ng sinyales na lumabas na sila..
Pero,,walang lumalabas na partner at Luis...habang ngising manyakis na si Edong.nasan na kaya ang dalawang iyon.dapat nandito na sila.
Nakikipag patintero pa ko kay Edong para lang mag aksaya ng oras...anak ng teteng,,nasaan na ba ang dalawang ito...hanggat maari ay ayokong gamitan ng dahas ang Edong na to..
Nung mahabol niya ako at mahawakan ang kamay ko..
"Pinapagod mu pa ku beautipol ha,,sa tanang buhay ko ngayon lang ako makakahawak ng ganitong kagandang babae...parang asong ulol na siya sa paghabol ng halik sa akin ako naman ay panay ang iwas..takbo...ikot ang ginagawa ko.
BINABASA MO ANG
Pulis si Misis
RomanceAnu nga ba ang buhay kung ang magiging asawa mo ay isang alagad ng batas,,,matapang..maganda...matalino...champion sa arnis,,black belter...sharp shooter..anu ang magiging buhay mo kung araw araw takot ang namumutawi sa iyo kapag papasok na siya sa...