Obligasyon sa bayan...

4.2K 129 2
                                    

                 

Maaga ako dumaan sa ospital na pinagdalan kay Monica..itinawagsa akin ni Art na pinalipat niya ng ospital si Monica para isang ospital na lng sila ng tatay niya..naka private room ito..









" ate ganda..." nakangiting bati ni Monica...bakas sa muka nito ang sakit pero nakukuha pa ding ngumiti.










"Musta na pakiramdam mo... masakit pa ba"?














"Masakit pa po pero sabi ni kuya at ni tatay gagaling na po ako.." nilingon ko naman ang tatay niya na nakangiti sa akin.











"Maraming salamat Cris sa pagligtas mo sa buhay ng anak ko,,,maraming beses na kita gusto kausapin pero di kita matyempuhan..."












"Anu po un,,may maipaglilingkod po ba ako.."
















"Maraming salamat sa pagtulong mo sa mga anak ko,lalo na sa pag aaral ng panganay ko,bukang bibig ka nila...utang ko sa iyo ang mga nangyayari ito sa amin,,napakabuti din ng iyong kasintahan..dumalaw siya dito kagabi at sinabi sa akin na bibigyan niya ako ng puhunan sa pagtitinda,,para hindi na ko umalis ng bahay at nang may magbantay daw sa mga anak ko..."











"Wag nyo pong intindihin yon,,obligasyon ko pong tumulong sa nangangailangan,,tungkol naman po kay Art...masaya po siya sa ginagawa niya kaya po magdasal na lang po tayo na sana maging ok na kayo mag ama."












" hindi ka lang maganda sa panlabasCris..maganda din ang kalooban mo,,,hindi sapat ang pasalamat lng sa ginagawa mo sa mga anak ko. Ngayon pati ako naging obligasyon mo na din..kayo ng boyfriend mo.."












"Ate ganda...sabi ni kuya alam na niya arnis at nagpatuli na din siya,,ako po ba pwede turuan ng arnis,,gusto ko po matuto..."












"Oo naman Monica,,pag magaling ka na sasama ka na kay kuya sa gym..may mga kasing idad mo kagaya mo dun na tuturuan magbasa at magsulat,,,gusto mo ba yun...?










"Opo...gusto ko po gusto ko na nga po mag aral...."sabay tango












"Sige magpagaling ka at ng makasama ka kay Darwin pag pupunta sa gym ha.."









"Pano po tay una na ko,,,may pasok pa kasi ko..kung maaga po kami matatapos sa presinto pupunta kami dito ni partner.wag na po kayo mag intindi sa lahat pati sa gastos...importante po gumaling kayo."











"Salamat ulit Cris...nga pala..hindi pa kumpilan si Darwin ko..maaari bang kayo ng boyfriend mo ang tumayong pangalawang magulang niya...kung hindi ito kalabisan..." nahihiya pang sabihin ng tatay ni Darwin at monica.












"Isang karangalan po iyan tay...tinatanggap ko ...magpasabi po kayo kung kailan at darating kami."












''Ako din tatay,,,gusto ko maging ninang si ate ganda..." sabat ni Monica na nangingiwi pa dahil sa biglaang pagkilos ay may sumakit.











" opo sige po..basta magpagaling ka Monica...o pano po tay tuloy na ko..." isinara ko na ang pinto ng kwarto nila at diretso na ko sa presinto.









Pulis si MisisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon