Siopao....

4K 135 4
                                    

PART 18










"Partner siopao..." alok ni Horacio sa akin ng siopao,,tiningnan ko lang ito at kinuha ang siopao...tumayo ako at ng nagpunta sa time card,,nag out ako..nakasunod naman siya sa akin,,alam ko na ang pupuntahan ng siopao na bigay niya...as usual,,nasa dulong bahagi kami ng bleacher ng gym.










"Speak partner..ano problema..mukang byernes Santo muka mo" sabi ko.













"Partner si Melai..." di pa tapos ang sasabihin niya ay inunahan na ko,,












" O ano,,nahuli ka na naman na nakikipag pitik bulag.."?











"Hindi yun partner,,patapusin mo muna kasi ako magsalita.."sabay hilamos ng kamay sa muka niya na halatang pikon na











"Ok,,,makikinig ako,," sabay kagat ng siopao na bigay niya.












"Buntis si Melai partner..."













Muntik na ko mauyot sa pagkakaupo ko sa gulat sa sinabi niya..."partner problema yan ah,,alam na ba ng magulang ni Melai.."?












"Di pa..sa yo ko pa lang sinabi...kahapon kasi sabi niya di daw siya nagkaroon ng "period"..delay na daw siya..so sabi ko pa check up na siya...ayun nga sabi sa clinic buntis nga siys..4 weeks na daw."












"Anu ba plano mo...pero dapat panagutan mo na..di pwede lumaki tiyan niya na di pa kayo kasal.."
















"Di ba nga namanhikan na tayo sa kanila..baka maaga ang kasal..kakausapin ko nga sila nanay at tatay mo mamaya...tulungan mo naman ako partner.."













Para naman akong naawa kay Horacio..alam kong problema niya na konti pa lang ang ipon niya para sa maagang kasal,,ngayon na buntis na si Melai.














"Wag ka mag alala Horacio..ngayon pa ba kita di tutulungan,,,kung iniintindi mo budget mo,,tutulungan ka namin nila Nanay...kausapin natin muna sila mamaya para malaman ang plano mo..ok ba?"pag aalo ko















"Salamat partner...maasahan ka talaga..kahit kelan di mo ko binigo.."















"Aysus,,drama ka pa...matanong ko lang...ikaw ba talaga tatay nun..akala ko ba di na nag iinat si junior mo..."? Biro ko sa kanya.















"Cristina Tayson...ako ang ama nuon,,at para sabihin ko sa iyo,,kaka praktis ko kay junior ayun gumana na..wag mo lang mababalibag walang problema..lakas ng amats mo tanungin kung ako nga tatay..sarap mo kutusan.."















"Eto naman joke lang yun...alam ko naman na matinik ka..." tsaka ako bumaling sa kabilang side para di marinig huli kong sasabihin..."matinik kang mag mariang palad lang..."














"Uy Tayson,,narinig ko sinabi mo...di bulong yun,,narinig ko,,anung mariang palad,,,oy oy oy,,,sharp shooter yata ako...siguro panay paninilip mo sa akin noh..enebeyen teysen...mehel me ke..?" pagyayabang pa nito.















"Huuuh..tama na nga yan,,may nalalaman ka pa "enebeyen...enrbeyen uod..basta mamaya punta ka sa bahay..halika na at baka naiinip na si Art sa akin."

















Pulis si MisisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon