KABANATA XXVIII

11.4K 379 264
                                        


(Not Edited)





Dalawang oras pa bago magsimula ang laban ni Frankie.



Sunod-sunod na mensahe na rin ang natatanggap ko mula kay Cornelia kanina pa. Gusto na naman nya akong makita at kausapin. Ngunit hindi ko pinapansin ang mga text nya ngayon. Naiirita ako dahil hindi ko makuha ang sagot sa mga tanong ko.

Pet peeve ko talaga ang ganito. Iyong ang dami kong tanong tapos hindi ko makuha ang sagot. Iyong tipong kapag tinanong ko ang isang tao, hindi naman ako makuhang sagutin ng diretso.

"I'll tell you about it when the right time comes."

Arrgh! Nakakainis.

Sino pa kaya ang gaganahan na magtanong pa tungkol sa nakaraan nya kung ganyan naman sya sumagot?

"Bakit gusot 'yang mukha mo?"

Medyo nasurpresa pa ako nang marinig ang boses ni Frankie na nagtagalog. Pareho sila ni ma'am— mga pinoy wanna be.

Jusko, Cornelia na naman? Kahit anong gawin ko sya nalang lagi ang pumapasok sa isip ko. Oh Lord, tabang.

"Wala," maiksi kong sagot saka bumalik sa pangangalumbaba dito sa lamesa.

Nagpapahangin lang ako sa isang open area ng SVU. Parang mini garden slash tambayan ang lugar na ito. Mabuti at walang masyadong tao sa sulok na 'to.

Nalililiman ng mga puno ang mga upuan at lamesa. Kaya kahit tirik ang araw ay malamig naman ang simoy ng hangin.

Nakakapagtaka lang kung paano ako na-spot-an ni Frankie. Masyadong malaki ang unibersidad na ito kaya napaka random naman na makita nya lang ako dito by accident. Pero anyway, bahala sya dyan. Wala ako sa mood ngayon.

"That's very unusual of you." Umupo ito sa tabi ko. "What's wrong?"

"Wala nga sabeeehh.." parang tamad na tamad kong sagot sa kanya habang nakabaon ang mukha ko sa sariling mga braso na nakapatong sa lamesang gawa sa kahoy. Parang nakulob tuloy yung tunog ng boses ko.

"Come on, Sunnie. This is a privilege," naramdaman kong kumilos ito ngunit di ko naman makita kung anong ginawa nya. "I don't normally ask people about their problems. You should be grateful."

"Sinong nagsabing may problema ako?" hindi ko pa rin ito nililingon.

"You're radiating the problems based on your actions."

Doon na ako napatingin sa kanya. Ang isang braso nya ay nasa ibabaw ng lamesa habang nakapatong ang ulo nya sa nakasarado nyang palad. Nakatagilid ito at nakatingin sa akin.

Tumaas ang sulok ng isang kilay nito hudyat na hinihintay nito ang tugon ko.

"HAAYYYSSS!" Napabuga ako ng mabigat na hangin at saka umupo ng tuwid. "Nakakainis kase," panimula ko.

"Nakakainis ang?" tanong nyang muli.

Chismosa ka rin Frankie ah. Pasalamat ka maganda ka.

"May gusto akong malaman, pero hindi ko makuha ang sagot."

"What's the question then?"

Nilingon ko sya, ganoon pa rin ang pwesto nya habang malamlam na nakatitig sa akin. Ang maladagat nyang mga mata at talaga namang nakakadistract. I can see it dilate when our eyes are meeting.

Nagdalawang-isip ako kung itatanong ko ba o hindi.

Kasi diba, may gusto si Frankie kay ma'am? Ano kayang magiging reaksyon nya kung tatanongin ko sya ng tungkol sa nakaaran nila ni Althea Fargo? At isa pa, malapit rin si Frankie kay Althea Fargo noon, hindi ba? Partners daw sila sabi ni Naomi.

Burn For MeStories to obsess over. Discover now