KABANATA XXVII

14.3K 449 243
                                        

(Not Edited)




Welcome to Silver Valley University


Isang malaking banner agad ang bumungad sa gate entrance ng napakalawak na school na ito. Parking area palang ay ang laki-laki na. Pati ang football field nila, na nakita ko habang nakasakay pa kami sa bus papunta sa parking.

Hindi naman na ako bago sa ganito dahil ganoon rin naman sa Thompson University. Pero walang bias, mas malaki pa rin ang school namin hehe.

"You look excited," biglang sulpot ni Naomi sa likod ko.

"Paano mo naman nasabi?"

"You're smiling from ear to ear, and your sparkling eyes are very disturbing."

Natawa ako ng malakas dahil sa narinig. It caught everyone's attention kaya lahat ay napatingin sa direksyon ko. Nag peace sign ako sa kanila habang may alanganing ngiti.

Ang seseryoso ng mga mukha nila.

"Sorry, haha..." huli kong nasabi kay Naomi. "Sobrang halata pala." I scratched my head after.

"Why are you even excited?" seryoso niyong tanong saka inayos ang kanyang suot na salamin.

"Eh? Hindi ba dapat?" napakunot ang noo ko at napaisip. "First time kong makapasok sa SVU at may event pa ngayon kaya exempted tayo sa tests ng ibang subjects ngayong araw." At isa pa, makakatakas ako sa training namin nila Cornelia at Frankie ngayong araw.

Pahirap ng pahirap ang trainings namin nitong mga nakaraan. May time pa na pinagbuhat kami ng isang bloke ng Parmigiano cheese. Why is that even included? Ang sakit sa katawan!

"You really have no idea about the history of our school versus this school?" Nandilim ang mukha nito bigla, natakot ako saglit.

"U-Uhm.. wala eh."

"I'll tell you why you shouldn't be excited about being here in their territory after this orientation."

"Sige sige." Excited kong tugon pero sinamaan lang ako ng mata ni Naomi kaya napaseryoso bigla ako ng reaksyon.

Ang KJ!

Matapos kaming i-orient nila Miss Ford at Miss Walker sa kung anong mga kaganapn ngayong araw ay may free time kaming gumala ng tatlumpong minuto. Kailangan naming bumalik sa Main Hall kung saan gaganapin ang event sa school na ito.

Kaya kinuha namin ang pagkakataong ito para makapag-usap ni Naomi tungkol sa history ng Thompson University at Silver Valley University.

"Kilala mo na si Miss Georgina Marcellus, right?" tanong nya pagkatapos uminom sa isang bottled water na hawak nya.

"Oo, si Miss George?"

"Yes, isa syang propesor sa SVU." Ipinatong nya ang bote ng tubig sa lamesang nasa tapat namin. Napili naming tumambay sa cafeteria. "She was once one of the best professors in Thompson University. She's friends with Miss Ford, Miss Walker and Miss Salvacion."

"Woah.. seryoso?!" gulat ako sa impormasyon na ito. Ngayon ay namumuo na ang curiosity sa katawan ko.

"To top it off, Miss Marcellus and Miss Salvacion were best of friends since college days. Sa iisang school sila pumasok simula first year hanggang paggraduate. They were unbeatable and invincible. They joined countless competitions across the globe and conquered almost all of them."

I can't imagine how good they were. Sure, kasama ko si Cornelia sa iisang bahay at araw-araw kong natitikman ang mga pagkaing niluluto nya. But somehow, it's scary to think kung paanong maging halimaw ito sa kusina when she's competing lalo na sa prime years nya.

Burn For MeStories to obsess over. Discover now