KABANATA XXXI

3.6K 218 139
                                        

(Not Edited)





"Sunnie Rae Alarcon!"




"Ay puke mo!"



Sinigaw ng malakas ang pangalan ko sa hallway at ganon na lang ang pagkabigla ko. Napalingon ako para malaman kung sino ang sumigaw na iyon.



"Frankie?"



Mabilis ngunit mabigat itong naglakad patungo sa direksyon ko. Binabalot ng kadiliman ang ekspresyon ng mukha nito kaya naapatras ako ng konti.



She's clearly not in a good mood. Fudge.



"Are you avoiding me?!"



Malakas pa rin ang boses nito kaya nakuha nito ang atensyon ng mga estudyanteng nakapaligid rin sa hallway. Ang iba ay napahinto pa sa paglalakad para makichismis.



"Ehh?" gulat ko.



Napalingon-lingon pa ako sa paligid dahil pinagtitinginan na kami. I mean, gets ko naman na sikat talaga to si Frankie at nakakagulat talagang makita itong wala sa composure tapos first time ko pa syang narinig na sumigaw ng ganito kalakas.



Lumapit sa akin si Naomi at bumulong. "What did you do?"



"Huh? Wala akong ginagawa," bulong ko pabalik. Napakamot na ako sa ulo.



"Frankie shouting your name in that not-so-friendly tone means you did something terrible. Akala ko ba okay kayo?"



"Okay naman kami—"



"You freak!" Narating na ni Frankie ang pwesto namin. "I've been waiting for you to contact me the whole weekend." Lumakas na ang bulungan ng mga nakakarinig sa amin ngayon. Namumula na sa inis ang babaeng kanina pa sigaw ng sigaw. "You ditched me, so you owe me!"



Doon sabay sabay na nagsinghapan ang mga audience, akala mo nanonood ng live na teleserye.



"Omg! Are they dating?"


Burn For MeWhere stories live. Discover now