(Not Edited)
The Roulette of Fire
When I told her I was sorry, it was also partly because I took the pill.
Hindi ko alam kung modafinil o aphrodisiac ang napili ko dahil hindi naman sinabi ni Althea kung alin ang alin. Walang label. I guess, it's part of her twisted challenge. Baliw ang babaeng 'yon.
Pero paano ko sasabihin 'to kay Cornelia?
I can't tell her. Baka hindi nya rin ako isali sa final event katulad ng ginawa nya kila Frankie at Althea noon.
Kailangan kong makasali at manalo para tigilan na sila ni Althea Fargo.
"Hey, are you alright?" tanong ni Frankie.
Binigyan ko ng isang malawak na ngiti si Frankie.
Nasa loob kami ng isang locker area na inassign sa aming mga estudyante from Thompson U.
Sinabihan ako ni Cornelia na isasali nya ako sa final event dahil sinabi na ng organizer na tatlong katao ang kailangan sa final round.
"Oo naman. Ayos lang ako. Congrats pala kanina. Paano mo natutunan ang pag-butcher ng fugu?" masaya kong bati.
"I had tried it a few times before. Every time na magtatravel ako sa ibang bansa, I always make sure I try a skill I can use in the kitchen from that country. Been in Japan for few times and I always want to learn how to prepare a fugu."
"Ang galing! Pwede mo ba akong turuan?" hinawakan ko iyong mga kamay nya while smiling.
Iniwas nya ang tingin sa akin.
"S-Sure..." She suddenly looked feverish. "You still have some explaining to do, though."
Medyo lumayo ako sa kanya. "Ha? Ano 'yon?"
"About your amnesia."
"Ahh. Hehe.. Ano kase..." medyo nanginig pa ang boses ko. "Hindi ko ano.. hindi ko pwedeng sabihin dito. Pwede bang sa ibang araw nalang natin 'to pag-usapan?"
Medyo natatakot pa kase ako sa magiging reaction nya. Paano kung ipaalam nya sa iba? Paano kung maconcern syang masyado at mag-alala na baka maging sagabal lang ako para makamit nya ang pinaka-aasam nyang makapagcompete sa Golden Spoon Awards?
Hindi na ako pwedeng umatras. Gusto ko ring makasali sa kompetisyon na iyon dahil isa na rin ito sa goal ko.
Napagtanto ko na kung gusto kong makamit ang pangarap kong maging isang Master Chef ay dapat nagsisimula na akong magkaroon ng title ngayon palang.
I still have long way to go. Unlike Frankie. Marami na syang napatunayan at na-build nya na rin ang pangalan nya kahit estudyante pa lamang sya.
Kailangan ko nang mag-step up at magkaroon ng game plan.
I silently thank her nang hindi na ako nito kinulit sa bagay na iyon. Pero nanlaki naman bigla ang mga mata ko nang magsimula itong magtanggal ng butones ng kanyang uniporme.
Parang kaswal lang ito sa kanya.
Shet.
"Sunnie," aniya habang nakatalikod sa akin. "Could you help me here please?"
"H-Ha?"
"I said come here." Hindi naman sya mukhang naiinis pero kinabahan ako kaya lumapit naman ako kaagad sa direksyon nya.
YOU ARE READING
Burn For Me
Fiksi UmumAfter suffering a tragic memory loss, Sunnie Rae, also known as Paeng, lived a simple and happy life among the aged in an institution for the elderly. Following her dream to become a successful Master Chef was never a piece of cake. Her godly tongue...
