Tsk. (SU)

2.1K 54 3
                                    

CRACK FIC! :))

(isipin niyo lang na nagkita si Yassi, Andre at Nadz after ng TBYD filming tapos eto yung ganap. XD)

---------------

Andre at Yassi as usual, inaasar si Nadine.

"Tapos nung papunta kami sa location at nasa van kami, nagpalit ng upuan si James at Donna at tumabi si Donna kay Nadz, tingin pa rin ng tingin si James kay Nadz. Kaya nga kahit hindi pa tapos yung pinapanood namin sa tablet ko, bumalik na si Donna sa upuan niya. Sabi niya kasi parang hindi mapakali si James. " daldal naman ni Yassi.

"Talaga Yassi? Nadz ah, may tinatago ka ba sa'min? Grabe, hindi mo man lang ako sinasabihan." tampururot naman ni Andre.

"Ayoko nang magsalita. Bale wala rin naman, paulit-ulit lang. Grabe talaga kayong dalawa pag nagsama hindi--" napatigil naman si Nadine kasi nagvibrate yung phone niya.

"Sino yan~?" Yassi sing-songed...

"Wala." Sabi naman ni Nadine automatically.

"Ah. Si James. Kadalasan kasi kapag 'wala' ang ibig sabihin si James." Sabi naman ni Yassi.

"Hoy Yassi tigilan mo ah. Gumagawa ka nanaman ng story. Si Mama lang 'to." Sabi naman ni Nadine habang binabasa yung text.

Tumawa naman si Yassi nung biglang inagaw ni Andre yung phone at tinaas para di maabot ni Nadine. May tinype siya. Tumalon naman si Nadine at naagaw muli ang phone niya. Dun niya nakita kung ano ang nakasulat.

'I love you.'

"ANDRE ANONG GINAWA MO?!!" Binura kagad ni Nadine yung text at baka tuluyan pang masend.

"Bakit ka nagpapanic kung si Tita lang yun? Nireplyan ko lang naman ng 'I love you.' Normal naman sa isang anak na mahalin ang mama niya, di ba?"

Derecho lang sa tawa si Yassi.

'Buti na lang hindi nasend.' naisip naman ni Nadine.

Maya-maya nagvibrate uli yung phone ni Nadine.

'Talaga lang ha...' - James

Napasigaw si Nadine.

"ANDRE NAMAN EHHHH!!!!" Lalong tumawa yung dalawa.

Nagreply naman agad si Nadine.

'Wag mong pansinin yun. Si Andre lang yun. Walang magawa... Lam mo na. tsk.' - Nadz

Pagkatapos nun ay umuwi na rin yung tatlo. Kaya nasa bahay na si Nadz nung napansin niyang nagreply pa pala si James.

'Ah... kala ko naman para saken na talaga. tsk.' - James


END

JaDine Oneshots & DrabblesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon