01 Assignment
Nakita ni Nadine si James na nakikipaglaro nanaman kayla AJ.
Nanlisik ang mga mata ng limang taong gulang ng batang babae.
Sabi kasi ni teacher kay Nadine na kaylangan niyang bantayan si James kasi may pagkatamad siya.
Pinuntahan niya si James. Nagpapatintero sila ngayon.
Kinalabit niya. "Hoy, nagawa mo na ba assignments mo?"
Si James, sumigaw naman ng "Taympers!" at humarap kay Nadine.
"Tapos na." Sabi niya, sabay ngiti ng nakakasilaw.
"Mamatay ka man?" Sabi naman ni Nadine. Kilala niya si James. Duda siyang nagawa na niya.
"Oo nga." Sabi naman ni James.
"Mamatay man ako?" Sinabi naman ni Nadine.
"Di pa. Gagawin ko na mamaya, promise."
02 Owiee...
Nagulat si James nung nakita niya si Nadine sa playground na umiiyak.
Nilapitan niya ito.
"Anong nangyari?" Tanong naman niya.
Umilang si Nadine pero umiiyak pa rin siya.
Nagulat si Nadine nung niyakap siya ni James. "Sorry..." sabi niya.
"Bakit ka nagsosorry?" Tanong naman ni Nadine. Yakap-yakap pa rin siya ni James.
"Kasi hindi kita naprotektahan sa kung ano man yung nagpaiyak sayo..."
03 Tampo
"Nadine!" Tawag ni James.
Pero si Nadine, tuloy pa rin sa pagkukulay ng coloring book niya.
"Nadine! Ano ba ginawa ko? Bakit hindi mo ko pinapansin? Di mo ba ko bati?" Sabi naman ni James.
Sa wakas, tumingin na si James sa kanya.
"Ikaw nga yung di namamansin eh. Lagi ka na lang nakikipaglaro kayla Bret... Nakalimutan mo pa na nagpramis ka na manonood tayo ng Adventure Time sa bahay namin..." sabi niya.
"Hindi ko nakalimutan! Kaso may practice kami kahapon eh. Sorry na... bati na tayo..." Sabi naman ni James.
Nakasimangot pa rin si Nadine.
"Gusto mo ngayon na lang tayo manood?" Sabi naman ni James.
"Eh di ba maglalaro kayo nila Bret ngayon ng Pokemon card?" Sabi naman ni Nadine.
"Okay lang yun. Manood na lang tayo!" Sabi ni James.
Ngumiti na si Nadine. "Sige."
"Bati na tayo?" tanong naman ni James.
"Oo naman!"
EXTRA:
"Bagay ba?" Tanong ni Kiana kay Sam habang recess nila.
May suot-suot si Kiana na bagong headband.
"Ang cute no! Bigay to sakin ni Nadine. Sabi niya ang cute daw saken." sabi pa niya.
Si Sam naman nakatingin lang sa kanya.
"Oh?! kokontra ka na naman?" Sabi naman ni Kiana nang nakasimangot ng pabiro.
"May sinabi ba 'ko?" Sabi naman ni Sam. "Saka, kelan kita kinontra?"
"Lagi mo kaya ako kinokontra! Kala ko kontrahin mo na naman ako eh..." Sabi naman ni Kiana na nakangiti ng ngayon.
"Kumokontra lang naman ako pag sinasabi mong hindi mo ko kras eh." Asar naman ni Sam.
Namula si Kiana.
"Eh hindi nga kita crush ehh!!!"
"Eh bakit namumula ka?? Kras mo nga ako e!!!"
"Hindi nga!!!"
"Bakit kasi ayaw mo aminin?? E kras din naman kita e!"
BINABASA MO ANG
JaDine Oneshots & Drabbles
Romance60 independent JaDine fanfics + some added parts for certain oneshots (by popular demand lol) : : some are long oneshots, some very short drabbles I originally posted on IG (@jadinex) : : can range from: - SU [sensible universe - loyal to reality] ...
