Nakarating kami sa Palawan ng mga alas nuwebe ng umaga. Nagyaya agad kumain si Charlie kumain dahil hindi daw siya hinatiran ng pagkain ni Karl kaninang umaga
"Ikaw may kasalanan. Sino ba naman kasing nagyaya ng ganito kaaga papunta sa Palawan?" ani Charlie
"Ikaw napakaarte mo talaga. Minsan gusto kong sabihin na tomboy ka pero sa sobrang arte mo nagiging impossible eh" ani Karl.
"Alam mo sasabunutan na talaga kita. Ako dapat ang galit! Bakit nakikisali ka pa?"
"Hay naku Charlotte! Kung umasta ka parang boyfriend mo ako ah?"
"Boyfriend ka diyan! Over my dead body. Ikaw magbabayad ng breakfast at lunch ah! Bwisit ka!" ani Charlie sabay flip ng hair at lakad patungo sa restaurant
"Tss. Kung hindi lang talaga babae yun!" sambit ni Charlie at nanggigigil na sumunod kay Charlie. Hmm, mukhang nagbabago na talaga ang bading na yun
After concert kagabi, in-interrogate ako nung dalawa kung bakit ganun daw makatingin sa akin si Mr Idol ni Kuya Baby.
FLASHBACK
"Mom, why does kuya's idol look at you like that?" sambit ni Zeke habang nasa sasakyan pauwi galing sa concert. After Elmo's invitation, dali-dali kong hinanap ang yaya ni AA. Buti nalang at kabisado nito ang number ng yaya niya kaya mabilis namin siyang nakita
Nalaman ko na since gustong gusto nila si Elmo sa banda, yun yung pinili nilang shirt
Kung alam lang nila na ang pinagbubugawan nila ng mommy nila ay ang totoong daddy nila
"Like what, baby?"
"Like how most guys look at their leading ladies in movies" this time I felt my cheeks heat up. Saan niya ito nalalaman?
"You don't even watch TV, baby"
"I always see yaya watching those TV shows at night when you come home late. We watch those shows and sometimes yaya even say something about forever not existing"
Ay, si yaya talaga. "Baby those are just TV shows."
Bumulong naman siya pero narinig ko padin "But the way he looks at you is different. It's so nakakakilig"
I was about to ask him how he knew that word because the way he said it is not even right when I felt Jack wrapping his arms around my neck. I checked the time and it's almost 12 o'clock
Binuhat ko na siya pag dating namin sa bahay at binuhat naman ni Joshua si Zeke.
We were about to go inside when I saw a familiar car outside my house. I looked at Joshua who's also looking at the car. "Sige na mauna na kayo sa kwarto. Pakitanggal nalang yung damit niya at sapatos" tumango lang ito at pumasok sa sasakyan.
Lumapit ako sa sasakyan at mukhang nakatulog na ang loko. Nakalimutan ko palang magbigay ng extra keys. Tinap ko ang window at gumising naman siya at lumabas na din sa sasakyan niya.
"Hey, natagalan ata kayo?"
"Medyo, kumain pa kami bago umuwi. Sorry, I didn't give you spare keys"
"It's okay. May nagiwan lang ng mail sa bahay. Addressed to Julie Anne San Jose Magalona eh mukhang importante dahil from Elmo Magalona daw." sambit ni Jona habang kinukuha si Jack sa akin.
"Ah, it's nothing" nilagay ko na lang sa bag ko at pumasok na sa loob. Nakita naming pababa na si Joshua. "Sumabay ka na sa akin" sambit ni Jona kaya kinuha ko na si Jack. "We'll go ahead, baby" "Bye ate" tumango lang ako at bineso silang dalawa. Ni lock ko na din ang pinto at umakyat na sa taas.