Chapter 30

5.8K 124 16
                                    

"JULIE ANNE! WHAT THE FUCK HAS GOTTEN INTO YOU? GANYAN KA NA BA KABALIW?!?" rinig kong alingawngaw ng boses ni Charlie sa loob ng opisina niya

Naka dekwatro si Karl sa couch dito sa loob ng opisina ni Charlie at nakikinig lang sa amin "Babes, hindi ko na kasi ma take yung pag ch-cheat sakaniya ni Elizabeth. Ilang buwan na at nagmumukha nang tanga si Elmo"

"So you fucking told him that he got you pregnant instead of telling him the truth? Anong katangahan naman yan Julie Anne?" hindi alam ni Elizabeth na may nangyari sa amin. I just told her a complete different story that is not true

Tumango ako at mas lalong pumula ang puti nitong mukha "Karl please talk to your stupid friend before I lose myself" sambit nito

Tumayo si Karl at ginayak ako paalis sa opisina ni Charlie. Bago kami umalis, narinig ko pa ang last na sinabi ni Charlie "Just don't come back crawling to us dahil hindi kita suportado dito Julie Anne" mariin na sambit nito

I bit my lip and stopped myself from crying. Alam ko naman na maling mali ang desisyon ko, pero para naman sakaniya ito

"So how's he treating you?" pagtatanong ni Karl pag dating namin sa isang restau dito sa mall

"We moved to a house he bought. Ang sabi niya para daw mas maalagaan ako ng yaya at may kasama ako. Next week na daw ang kasal. Sa civil lang"

"Julie, why did you do this" seryosong sambit nito. Alam kong siya ay tingin sa akin ay stupid din ako

"I just don't want him hurt, Karl" at ayun. Naramdaman ko na ang patak ng luha sa mukha ko

Tahimik lang kami at tumabi ito sa akin at sinandal ako sa balikat nito "So you'd rather have yourself hurt?" tumango lang ako at naramdaman ko ang iling niya "Sorry J, but I don't support you on this one either"

Tumango ako. Alam ko. Alam na alam ko

The next few days, hindi parin nagpaparamdam si Elmo. Oo iisang bahay lang ang tinitirhan namin pero hind ko feel ang presensya niya

Mukhang dumistansya din ang apat na lalaki sa nalaman nila. Hindi ko alam kung baka dahil dun or binibigyan ko lang nang meaning ang paglayo nila dahil sa recording label nila at lumalaki na ang pangalan nila sa Pilipinas

Limited na din ang pag uusap namin ni Kuya Jonathan dahil nasa London ito at kailangan daw niya imeet yung parents niya. Sobrang saya niya nga dahil nahanap na daw niya ang sister niya at magiging legal na daw kailangan niya lang daw kausapin yung parents niya

Ewan ko pero nung nalaman ko na nahanap na niya yung kapatid niya, sobrang disappointed ako. Hindi ko alam kung bakit

Back to zero nanaman ako. Hindi na din ako nag t-trabaho dahil sabi ni Elmo kailangan ko daw mag 'home rest' dahil kailangan ko daw ingatan ang sarili ko para sa baby naming dalawa

Sana nga may laman ang tyan ko para maging totoo ang lahat

DUMATING ang araw ng 'kasal' namin. Nandito sa garden ang place at hindi gaano kaengrande dahil minabilis lang namin

Ang tao lang ay ang judge, at ang asawa ng judge para maging witness. Hindi sumipot ang apat dahil sa Moon Star at si Charlie naman at Karl ay hindi lang sumipot

Hindi ko na din sinabihan si Kuya Jonathan dahil mukhang busy ito sa London dahil sa pagkakahanap sa kapatid nito

Si EK naman ay hindi namin sinabihan dahil ayaw sabihan ni Elmo dahil baka daw sabihin nito sa magulang nila. Ayaw niya pa daw ipaalam hanggang manganak ako

Hindi ko alam pero naiyak ako papalakad dito sa aisle na ito. Wala lahat dito na ginusto ko makita at hindi pa gusto ng groom ang mangyayaring kasalanan na ito

Revenge of the Neglected WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon