Chapter 31

4.4K 100 0
                                    

ISANG linggo ang lumipas at nandito ako sa kwarto at naglalagay ng bandage at iniikot ito sa left hand ko

PInagtimpla ko si Elmo ng kape kaninang umaga pero as usual tinabig niya ito kaya napaso ang kamay ko. Namamaga pa nga ng konti kaya dumadaing ako every time na dadaplis ang bandage sa paso

Umalis nanaman siya. This time mukhang alam ko na kung saan siya pupunta at kung gaano siya magtatagal doon

Nakatanggap ako ng mensahe kay Elizabeth pag alis ni Elmo kaya nakompirma ko kung saan siya tutungo

From Elizabeth:

Tell Elmo to meet me at my condo. We'll be leaving in three hours dahil ang flight ay five PM pero gusto ko siyang makasama ng matagal. He doesnt need to bring clothes kasi dun nalang ako bibili sa Bora. Thank you J :*

Nagreply ako at sinabing umalis na si Elmo

Mukhang magiging magisa ako. Hindi ko alam kung gaano sila katagal doon, pero alam ko mga isang linggo din ang itatagal nila

Nanghihina ako every time na iniisip ko na magkasama sila at since sila pa naman, alam kong magkasama sila sa iisang kwarto lamang.

Paano kung may mangyari sakanila katulad nung nangyari sa amin ni Elmo? Alam kong hindi ako ang una niya base sa galaw nito, pero paano kung siya ang una ni Elmo?

Mas lalo akong nasaktan sa iniisip ko kaya mas lalong tumulo ang luha ko. TIningnan ko ang sarili ko sa salamin at nakitang mas lumaki ang eyebags ko at mas lalo akong namutla

Kumakain naman ako ng tama pero dahil sa pagpupuyat at kulang sa tulog, nagmumukha akong losyang

Hindi kaya ito ang rason kung bakit lumalayo sa akin si Elmo? Dahil hindi na ako kamukha ng dati?

It gave me a fain hope kaya naligo ako at umalis

Instead na isipin ko ang nangyayari kay Elmo at Liz, pumunta ako sa salon at nag pa mani, pedi, at nagpagupit na din ng buhok

Lumabas na ako ng salon dahil mahigit dalawang oras at tutungo sa Jollibee nang may mahagip ang mata ko. Bumagsak ang mata ko sa kamay nilang magkahawak

Tiningnan ko kung gaano kasaya ang mata nito at kung paano kumislap ang mata niya habang kinakausap si Elizabeth

Tumalikod ako at hinawakan ang dibdib ko, no hindi ka pwede mag give up. Nagpaganda ka para sakaniya kaya for sure, mapapansin ka na niya

Umuwi ako at tumunganga sa bahay. Tama ba ang ginawa ko? The past few days, nagdasal ako sa Panginoon na bigyan ako ng sign kung iiwan ko ba si Elmo at mukhang ito na nga ang sign na ito

Pumasok ako sa kwarto niya at may hinanap ako. Hindi ko alam kung anong hinahanap ko exactly, pero feeling ko may kailangan akong makita

Hinanap ko sa cabinet, sa washroom, at sa mga aparador niya, pero wala akong nakita. Umupo ako sa swivel chair para sa study table niya nang mahagip ng mata ko ang isang kulay itim na box sa ilalim ng kama niya

Dali dali kong binuksan ito at unang nakita ko ay ang litrato namin sa kasal na punit punit. Lord ito na po ba ang sign na hinihingi ko?

Inisip ko na hindi pa enough ito kaya hinalungkat ko pa lalo ang box at natagpuan ang mga signs na gusto kong makita

Akala ko kahit isang taon, tatagal pa tayo Elmo pero mukhang hindi na talaga

Isa isa kong tiningnan ang mga litrato nila ni Liz magmula elementary sila. Ano nga ba naman ang panlaban ko sa isang tao na kakilala mo magmula bata ka diba?

From elementary to summer vacations to highschool to highschool retreats to birthdays, Christmas, New Year at kung ano ano pa, lahat nandito sa loob ng box na ito

Revenge of the Neglected WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon