Chapter 46

5.8K 173 35
                                    

Bago pa makasagot ang isa sakanila sa tanong ko, bigla nalang ako hingit ni Elmo 

Madiin ang pag hawak niya sa akin na parang galit na galit ito. With all my strength, tumigil ako kaya napatigil din siya. I tried taking my hand away pero ayaw niya talaga "Elmo nasasaktan ako" 

Biglang lumamlam ang hitsura niya at tinanggal ang hawak niya sa kamay ko, pero bigla niya din hinigit ito at sinuri

"I'm sorry, baby" malambing na sambit niya. Dinala niya ito sa labi niya at hinalikan ang part na namumula 

Suddenly, I felt uneasy. We're catching too much attention kaya hinablot ko ulit ang kamay ko "I'm leaving" 

I didn't bother looking back, pero maya maya ay nasa harapan ko na siya kaya napatigil ako. Walang masiyadong tao dito sa alley "I'll drop you off" 

I looked at him and he looks so helpless "No I have my car" mas lalo siyang nalungkot kaya na guilty ako so I looked away. Tiningnan ko ang suot kong relo at nakitang mag a-alas cinco na. Alam kong sinundo na ni Manong John ang dalawa dahil nag message ito kanina 

"But you were with him and you were fine" I'm guessing he's pertaining to Maison? 

I looked up this time. Tinanggal niya na ang sunglasses niya "If you don't come with me, I will reveal myself and I will tell everyone that you are my wife" 

"You wouldn't dare" 

"Oh, baby.. You seem to think of me as a really low person" he smirked, pero pansin mo pa din ang lungkot sa mata niya 

Nagsimula siya maglakad habang hawak ang hat niya kaya nanlaki ang mata ko. Nakita ko na tinitingnan siya ng mga kabataan na babae at naririnig ko din ang paulit ulit na pagbigkas nila ng pangalan na Elmo 

Napatakbo ako. Wala na akong pakialam kung may suot akong heels. Napatingin din sa akin ang mga kabataan at nanlaki ang mata nila. The reason? I don't know

He has a playful smile pagdating ko sakaniya at pagtigil ko sa pagtanggal sa hat niya. Humilig siya palapit sa tenga ko "I like you touching me, baby" napatanggal bigla ang hawak ko kaya natawa siya

Tiningnan ko ang mga kabataan at nakitang nakalabas ang mga cellphone nila.. Shit, I can't have pictures taken from today dahil baka makita ng mga bata or ni Charlie 

Lumayo ako at tiningnan siya. Nakatalikod na siya sa mga kabataan at naka side view ako. I purposely did it para hindi makita ang mukha namin because once his fans find out, alam kong mababawasan ang mga supporters niya 

"Saan ba?" 

He smiled wide 

NANDITO kami sa isang restaurant. Hindi ko alam kung anong tawag dito since hindi ko naman tiningnan dahil sabi niya kung saan ko daw gusto, kaya pumasok ako sa pinaka malapit na resto

Pag upo namin, binigyan kaagad kami ng waiter ng menu. I'm not stupid to not know that the waiter is trying to hit on me. Kaguwapuhan ito, pero hindi mo makakaila na mga nineteen palang ito 

"I would like to get salad please and water" 

I looked up at Elmo and he's glaring at this teen. Sinipa ko siya ng mahina sa ilalim kaya napatingin siya sa akin "What's yours?" 

"I would want to change the waiter" he said that while looking at me 

"S-sir?" napatingin kami parehas sa batang lalaki. He glared at him again kaya sinipa ko siya ng mas malakas "Ano ang iyo!" mariin kong sambit 

"Gusto ko na mapalitan ang waiter" 

Shit. Ang kulit! Tinagalog lang ang tanong ko. Tiningnan ko ang menu at ako na ang pumili para sa kaniya. Well more like the first thing I've seen "Steak and fries at isang iced tea with the salad, please" sambit ko

Revenge of the Neglected WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon