"Mommy, are you mad?" maliit na sambit ni Zeke habang nakaupo siya sa lap ko. Nakatanaw ako sa dagat while he's straddling me
I looked at him. Kanina pa kasi ako nagiisip kaya habang kumakain kami, hindi ko siya nakausap
"No, baby. Of course mommy will never get mad at you" at hinalikan siya sa ulo
Bumaba naman siya at tumungo sa kabilang sun lounger kung saan nakahiga si Elmo at si Jack. Nakatulog si Elmo dahil kanina pa siya kinukulit nung dalawa at si Jack naman ay pinaglalaruan lang ang mukha ng ama
I still can't believe that they're this close now
Mukhang naalimpungatan si Elmo dahil sa pagsiksik ni Zeke sa left side niya
Tumayo siya at kasabay ng pagtayo niya ang pagsakay ni Jack sa braso niya at pag piggy back ride naman sakaniya ni Zeke
Akala ko kung saan sila pupunta, pero tumabi lang si Elmo sa akin at hinalikan ang sentido ko "Did I oversleep?" aniya
Umiling ako. Mga forty five minutes palang naman siya nakakatulog
Yung apat ay hindi ko alam kung nasaan. Nung umingay sa breakfast kanina ay nakikain lang at iiwan na daw kami para sa alone time kaya hindi ko alam kung nasaan sila
"Mommy, can we swim again?" maagap na tanong ni Jack
Naramdaman ko ang kamay ni Elmo sa likuran ko and it sent shivers down my spine. After what happened, I still feel awkward around him minsan
Sasangayon na sana ako ng sumagot si Elmo "Let's just swim back in our room, tol?"
Lumiwanag naman ang mukha ni Jack sabay agree sa 'tol' niya
Tumayo kami at kinuha ko ang mga tuwalya nilang tatlo. Lumipat na sa kwarto namin ang dalawa at uuwi na daw ang parents ko, parents ni Elmo at Joshua
I didn't get to see them though. Ewan ko, after directly telling Mrs Magalona that her son and I have kids, medyo na feel bad ako
Buhat buhat ni Elmo si Jack sa left arm niya, si Jack ay nakapasan sakaniya at ang right na kamay niya ay nasa bewang ko
Nag volunteer akong magbuhat kay Zeke, pero mukhang gustong gusto nito ang 'pare' niya kaya ayan, si Elmo ang mukhang nahihirapan
Well to me mukha siyang nahihirapan. Sakaniya, mukhang easy lang naman
"Zeke baby, I'll carry you. Your dad's probably tired"
Tiningnan niya naman si Elmo "Pare, are you tired na ba?" naramdaman ko ang paghaplos ni Elmo sa likuran ko
"No. I'm okay, pare" nawala ang kamay ni Elmo sa likuran ko, pero naramdaman ko kaagada ng kamay niya sa kamay ko. Pinagsiklop niya ito
"Mommy, are you tired?"
Napatingin ako kay Jack na karga ni Elmo "No, baby. Why?"
"You're holding on to the towels. I think big boys are supposed to be doing that" seryoso niyang sambit
Natawa naman ako sa sinabi niya. Kinurot ko ang pisngi niya "I'm okay, baby"
Pumasok na kami sa kwarto. Nilapag ko ang mga tuwalya nila sa labas para matuyo. Lumusob agad silang tatlo sa swimming pool dito sa likuran ng room
"Mommy, join us!" malakas na sambit ni Zeke
"One second, baby"
"Yeah, mommy! Join us!" dagdag naman ni Elmo. Naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko. Buti nalang at nakatalikod ako sa kanila