Ilang araw na ang lumipas, tapos na din ang finals at graduation na namin
Bumalik na ang pagiging close namin ni Elmo at mas naging komportable na ako kina Charlie, Karl, Kuya Jona at Joshua
Naging abala na din ang apat dahil mas lumalaki ang pangalan nila sa Pinas. Ang banda nila ay nagngangalang FAITH at lima sila
"Julie Anne Magnolia" naglakad na ako patungong entablado at kitang kita kung gaano kasaya ang lima, si Karl at Charlie. Tinanggap ko ang diploma ko at bumaba sa entablado.
Hindi makakapunta si EK dahil abala din ito sa school niya ngayon since hindi parehas ang school timeline ng US at Pilipinas
Hindi sabay sabay ang graduation namin dahil sa pagkakaiba ng department namin
"To the person who showed responsibility, may we call on Jeanette Lim for Cum Laude for the school year 2001-2002"
Umakyat si Jeanette at lahat kami ay nag cheer para sakaniya
Akala ko siya ang magiging Magna dahil sobrang consistent din ng grades niya. Baka meron mistakes sa finals. Mas lalong kumabog ang puso ko
"Now for Magna Cum Laude. May we call on Roberto Javier Lacson to claim your award"
"And now for the summa cum laude award who showed integrity and initiative all throughout the school year with consistent high mark for the Dean's list, we are now calling on Julie Anne Magnolia once again"
Hindi pa nag process ang sinabi ng Dean sa isip ko. Naramadaman ko nalang ang tapik ng katabi ko at sinabing umakyat na ako para sa speech
Hindi kasi sinabi sa amin ang honours. Sabi daw ay sasabihin during graduation para daw may surprise factor
Hindi ako nakapagready ng kahit ano. Pag tingin ko sa banda kung saan nakaupo ang mga kaibigan ko, todo sigaw at suporta sila
Ang apat sakanila ay kaniya kaniyang nakalabas ang mga camera, si Charlie naman ay may hawak na pang video tape, inutusan kasi ni Kuya Jonathan na gawin ito dahil hindi siya makakadalo. Nagkakilala sila nung pumunta si Kuya Jonathan sa apartment ko at nandun si Karl at Charlie
Hindi ko alam diyan kay Charlie, pero lahat ng sasabihin ni Kuya Jonathan, eh mag a-agree agad ito. Naging close din sila ni Joshua kaya mas lalo akong sumaya
Napatingin naman ako kay Karl na nakangiti lang na nakatingin sa akin. Si Elmo naman ay ganun din
Since expected na ingles ang speech ng mga awardee, huminga muna ako ng malalim. Hindi sa hindi ako sanay dahil lahat ng lessons ay nasa ingles, pero natatakot pa rin ako
Ang award ko ay Summa kaya walang place para sa mistakes ngayon. Huminga ako ng malalim
"To my fellow students, we've all worked hard for this. Congratulations to all of us. It's been a great journey with all of you. To all the professors, thank you for helping us and guiding us with this journey in our life. We will forever count on this. We will forever remember this. We won't forget the times you gave us hard pop up quizzes, the hard tests and the hard debates you always give us. But we won't also forget the times you miss class and us having the time to go home and enjoy ourselves" nagsitawanan sila. Ngumiti ako.
"This award is dedicated to my parents who are now in heaven" tumingin ako sa taas at hindi ko na napigilan ang luha ko "nay, tay, para po sainyo ito. Ginawa ko po ang best ko para makamtan ang award na ito" tumingin ulit ako sa mga kaklase ko at nakitang ang iba sa kanila ay nagpupunas na din ng luha "To all the friends we've made. I hope that your bond with each other will never change. To all the people who gave you the wrong thoughts, show them the bigger you. To all my friends, thank you for being there. At all times. Salamat talaga. Congrats to all of us again" ngumiti ako at bumaba na sa stage. Nakita ko pa ang pag thumbs up ni Charlie at ng apat na hawak hawak pa din ang kani-kanilang camera